Atty. Glenn Chong Expose the Missing Ballot Images in Camarines Sur

Veteran lawyer and former lawmaker from the island-province of Biliran, Atty. Glenn Chong who was considered by many netizens as the hero of the Senate electoral Fraud hearing, exposed another controversial and alleged manipulations of results particularly the discovered missing ballot images from Camarines Sur, the bailiwick of VP Leni Robredo.



According to Atty. Glenn Chong, based upon the information they gathered from Sequence No. 127 it jumped to Sequence 222 which proved that a total of 95 ballot were missing.

Another discrepancies there were no Sequence No. 1 to 40, 55 to 67 and 78-83. This is clear indication of tampering accordng to Atty. Chong. In the third district of Camarines Sur alone, more than 30,000 ballot images were tampered.

The veteran lawyer also narrated that VP Leni Robredo failed once again on their recommended 25% shading threshold and that's the reason why the camp of VP Leni wanted to divert the issue to the controversial tampered ballot images.



Atty. Glenn Chong revealed that last June 10, Justice Caguioa ordered COMELEC to bring at least 50 machines to PET to test the controversial Yoda votes of the ballots with a mere point shades in favor of VP Leni. This is the alleged tactics of VP Leni's camp to prove that the machines accepted the 25% shading threshold but they failed. If only they were successful, they will surely made a headlines out of it with the help of the mainstream media.

Here's the Complete Expose of Atty. Glenn Chong:

LENI ROBREDO BIGONG MULI SA THRESHOLD ISSUE,
KAYA IPINIPILIT NGAYON ANG TAMPERED BALLOT IMAGES

Noong July 10, iniutos ni Justice Caguioa sa Comelec na magdala ng 50 makina sa PET upang matesting ang mga Yoda votes o mga balotang gatuldok lamang ang shades ng boto. Ito ang taktika ng kampo ni Robredo upang patunayan na tinanggap ng mga makina ang kanyang mga Yoda votes. Kung mapatunayan niya ito, ibabandera ito sa media upang mapilitan ang PET na ibaba ang threshold sa 25% lamang.

Sa kasamaang palad, hindi sumang-ayon ang Comelec sa taktika ni Robredo dahil may maraming teknikal na hadlang upang ang mga makina ay maging operational muli para sa pagtesting ng threshold at Yoda votes.

Bilang consuelo de bobo kay Robredo, iminungkahi ng Comelec na gamitin na lamang ang ballot images. Ito ay ang larawan ng bawat balota na kinuha ng makina. Ito ay katumbas ng selfie ng balota. Dahil nabigo bigtime si Robredo, pinagtiyagaan na lamang niya ang conselo de bobo na ballot selfie.

Pero, sa mga pahayag ng kampo ni Robredo, mariing ipinapalabas nila na malinis at mapagkatiwalaan ang mga nasabing ballot images o ballot selfies. Ipinapalabas nilang takot si BBM sa katotohanan dahil ang mga ballot selfies raw ang magpapatunay na si Robredo ang totoong nanalo.



Ito ay pawang kasinungalingan ng kampo ni Robredo!

Ang mga ballot selfies ay madaling ma-tamper, pakialaman at baguhin dahil ang hindi mapagkatiwalaang Comelec lamang ang tanging may hawak nito. Katunayan, ang paglagay ng square sa mga boto sa ballot selfie ay isang malaking kaibahan ng orihinal na balota at ng ballot selfie nito.

Mantakin mo, kumuha ka ng selfie na super hanep ang porma mo. Nakapamada o nakamakeup with matching killer smile. Pero paglabas ng selfie, may kulangot na square na nakabitay sa ilong mo. Ewan ko lang kung hindi ka maghuhuramentado!

Huwag paniwalaan ang mga palusot ng Comelec tungkol sa square na lumalabas sa ballot selfie dahil malinaw ang kanilang pagtago nito sa publiko. Hindi tayo pinaalam, hindi sinangguni, at lalong hindi tayo sumang-ayon.

Ayon sa mga nagsuri ng source code, hindi nila ito nakita sa source code ng application program o apps ng mga makina. Kung wala ito nang sinuri ang apps ng mga makina, ibig sabihin, ibang application program o apps ang ginamit upang lumabas ang mga squares na ito sa ballot selfie. Ito ay illegal dahil lalabas na peke ang apps version na ginamit sa halalan.

Sa hearing noong July 31 sa Senado, ipinakita ko ang iba pang pagkakaiba ng orihinal na balota at ballot selfie. Ang orihinal ay may pirma ng teacher habang ang ballot selfie ay walang pirma. Ibig sabihin, maaring tampered ang ballot selfie. Madali lang gawin ang tampering.

Pero ang pinakamabigat na kwestiyon sa paggamit ng ballot selfies ay ang mga nawawalang sequence numbers nito sa kompletong listahan ng mga selfies. Tulad ng Sales Invoice o resibo kapag bumili tayo, may control number ang bawat resibo na aprubado ng Bureau of Internal Revenue. Ang isang pad ng resibo ay maaring may control number mula 1 hanggang 100.

Ganito rin ang ballot selfies. May listahan ito na naka-save sa SD card at may sequence number mula 1 hanggang sa huling balota na pumasok sa makina. Sequential o sunod-sunod ang numbering ng mga selfies (Halimbawa: 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, etc). Pero sa Naga City at 7 pang bayan sa Camarines Sur na sakop ng 3rd Congressional District, tumatalon ang sequence numbers o nawawala ang ilang sequence numbers sa gitna (Halimbawa: 1, 2, 3, 4, 5, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 30, 31, 33, 34, 35, etc).



Sa larawang ito, nawala ang ballot selfies na may sequence number 128 hanggang 221 o 95 ang nawala. Nawala rin ang sequence numbers 1 to 40, 55 to 67, 78 to 83 o 60 pang dagdag ang nawala.

Kung nawala o binura ang mga ito, kulang na at hindi tutugma ang bilang ng mga ballot selfies sa bilang ng orihinal na balota. Ang solusyon, nagdagdag ng panibagong tampered ballot selfies at ito ay nirekord ng makina sa bandang hulihan ng listahan.

Kaya sa Clustered Precinct No. 40 ng Pili, Camarines Sur, dahil nawala o binura ang 155 ballot images sa unahan at gitnang bahagi ng listahan, nagdagdag ito ng 155 tampered ballot images sa bandang hulihan ng listahan. Kaya sa halip na ang sequence number ay tumigil sa 612 na siyang bilang ng orihinal na balotang nagamit sa nasabing presinto, umabot na ang sequence number sa 767 dahil sa dagdag na 155 tampered ballot images.

Sa 3rd Congressional District pa lamang ng Camarines Sur, pumalo sa mahigit 30,000 ballot images o ballot selfies ang nawawala sa bandang unahan at gitnang bahagi ng listahan at nadadagdag sa bandang hulihan nito.

Kahit sinong auditor ang tatanungin natin, hindi tatanggapin ang resibong tumatalon o nawawala ang control number dahil ito ay malinaw na palatandaan ng tampering, pakikialam, pagbura o pagbago ng resibo. Ganito rin ang sitwasyon ng listahan ng mga ballot selfies.

Dahil dito, hinding-hindi mapagkakatiwalaan ang anumang ballot images o ballot selfie na ilalabas ng Comelec at Smartmatic. Walang basehan si Robredo na igiit ang paggamit ng mga tampered ballot images dahil ito ay pandaraya.

Kung may reklamo ang kampo ni Leni Robredo tungkol sa isyung ito, handa akong makipagdebate anumang oras at araw sa sinuman sa kanilang hanay ang the best and the brightest.

Sana may maghost ng debate sa isyung ito. Tiyak, marami ang manunuod. Huwag na lang isali si Sixto dahil panggulo lang siya at marami ang ma-high blood na viewers at listeners.

Dahil nabuljak din ang kanilang taktika nang ipinakita ko sa hearing noong July 31 sa Senado ang maraming pagkakaiba ng orihinal na balota at ng ballot selfie, galit ng kampo ni Robredo at mga dilawang trolls. Nasira ang kanilang taktika. Pero dahil hindi lumusot ang kanilang taktika na gamitin ang mga makina, napilitan silang pagtiyagaan ang tampered ballot selfies dahil wala na silang mahagilap na iba pang paraan. Of course, with matching kasinungalingan at panlilinlang.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Expose the Missing Ballot Images in Camarines Sur Atty. Glenn Chong Expose the Missing Ballot Images in Camarines Sur Reviewed by Phil Newsome on August 15, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.