Ogie Diaz Gives Opinion on SOGIE Issue: "Wag na kayong mag-request ng sarili n’yong CR"


Veteran comedian and prominent social media personality, Ogie Diaz went viral on social media after giving his opinion regarding the controversial public toilet issue involving the LGBT.


According to Ogie Diaz the members of the LGBTQ+ community should be free to use the public bathroom where they are comfortable as long as they don't have to humiliate or violate others.

The actor, comedian, and talent manager, said that they should not be offended whenever the boys or girls on the respective CR and just let them look at them just because they are on the comfort room.

The talent manager also said that they should not request their CR or comfort room that they will call on their own because they should just wish to have a CR that is clean and has a nice smell.

Read the full statement of Ogie Diaz below:

Akin lang naman ito. Tungkol ito sa mga kapatid sa LGBTQ+. Kung ano ang gender n’yo nu’ng ipinanganak kayo, ok lang naman, du’n pa rin kayo mag-CR. Kasi, nakalaan din yon sa yo, nagkataon lang na nakabihis-babae ka.



Tulad kunwari sa mga transgender/transexual, kung feeling n’yo, eh mas kumportable kayong sa female CR pumasok, gow! For as long as hindi n’yo naman gustong kabugin ang mga babae sa loob. Maayos naman kayong papasok at hindi magmamaldita o magsisiga-sigaan.

Kung me mandidilat sa inyo o iirap, basta hindi kayo ginagalaw physically o pinagsasalitaan nang masakit, deadma na. Just mind your own thing. Kung me sumita sa inyo or binastos kayo, nasa inyo na yan kung paiiralin n’yo ang init ng ulo o magiging palengkera kayo o kalma lang kayo.

Pwede rin naman kayong pumasok sa CR ng lalake, dahil hindi n’yo pa naman siguro nakakalimutang umihi nang nakatayo, di ba? Pero kung feeling girl ka na at gusto mong sa cubicle umihi nang nakaupo kahit hindi ka pa operada, the cubicle is all yours. Kahit paupo ka pang umihi sa bowl, keri lang.

‘Yung pasulyap-sulyap sa ‘yo ng mga guys na pumapasok sa CR nila, normal lang ‘yon. Kasi nga, iniisip din nila kung mali bang CR ang napasok nila o nahiya lang sila, dahil may magandang dilag ang naligaw sa CR nila.

Wag ka nang ma-offend sa mga glances ng mga guys o ng girls sa respective CR nila porke nandu’n kayo. Hayaan mo sila. After all, hindi naman sila ang magtataktak ng nota mo pagkatapos mong umihi sa urinal. Hindi rin naman sila ang magpupunas ng pwet mo kung tatae ka. Hindi rin sila ang mag-iipit sa ilalim ng ari mo para balik sa tambok ang keps mo.



‘Wag na kayong mag-request ng sarili n’yong CR o sarili nating CR. Hangarin n’yo lang na sana, yung mga CR sa malls, malilinis at mababango at matino ang flush. At may respetuhang umiiral sa loob ng CR.

Saka habaan nating mga bakla, lalo na ang mga kapatid na trans, ang ating pasensiya, lalo na’t hindi naman nu’ng kapanganakan n’yo iniba ang gender n’yo, di ba?

Hindi porke komportable ka na nakabihis-babae at masaya ka na feeling babae eh kailangang intindihin ‘yon ng lahat ng tao. Kung paanong hindi lahat ng tao, maiintindihan ‘yung happiness mo na magdamit babae. Maaaring may mga nakikiisa sa kung ano ang ayos mo at niyayakap ka, pero ang nakalulungkot, walang “sana all,” eh.

Dahil we really cannot please everybody. Kahit ano’ng paliwanag mo, yes may makakaunawa, meron ding di makaka-gets sa ‘yo. Kahit sabihin mong walang pakialaman ng trip o happiness, lahat ng tao, lalo na ‘yung mga may facebook at masisipag mag-post ng saloobin, lahat yan, may opinyon. OA sa talinong manghusga. ‘Yung iba, feeling entitled. ‘Yung iba, mema lang.

Kaya tama na ‘yung minsang pakikipaglaban sa nararamdaman, sa respetong hinihingi, karapatan at equality. Sa panahon ngayon, ang madalas na ipinaglalaban at pinag-uusapan, lalo na’t araw-araw na lang laman ng social media, ay nakakaumay din.

Pansinin n’yo, nagkaproblema lang sa janitress itong si Gretchen Deiz, dahil hindi siya pinapasok, lumawak na ang usapin. Napunta sa SOGIE Bill hanggang sa gusto nang tumakbo ni Gretchen sa pulitika na aminin n’yo, maraming nainis. “Hindi lang pinaihi, kakandidato na sa susunod na eleksiyon?” ‘yan ang natandaan kong nabasa kong comment mula sa isang netizen. Tingnan nyo yan. Imbes na manganak ang bilang ng gusto nating sumuporta sa SOGIE Bill, nababawasan pa at may mga nate-turn off na rin.



Gusto ko lang sabihin: Lahat tayo, may pinagdadaanan. Hindi lang ikaw na pinili mong maging babae o barako. Kahit ang mga normal na lalake at babae, meron ding sariling emote tungkol sa kanilang karapatan at existence o pagkakaroon ng double standard, hindi lang ikaw.

Lahat tayo, may kani-kanyang isyu.

Hindi ko sinasabing perfect ang buhay ko. May mga kagagahan din ako sa buhay. May pusong babae rin ako, pero bilang ako naman ito, pinili kong ‘wag magdamit-babae, kundi normal na bihis ng isang lalake.

At mas pinili kong bumuo ng sariling pamilya, kasi ito naman ‘yung gusto kong klaseng happiness.

Kung maraming humahanga sa akin bilang ama, salamat. Sana lahat natutuwa, di ba? Pero hindi, eh. Meron pa din namang mangilan-ngilan na nakataas pa rin ang kilay sa pinili kong buhay.

Pero ini-stress ko ba ang sarili ko sa kanila? Hindi. Hangga’t hindi nila ako binabastos nang harapan at sinasaktan physically, wala silang maririnig sa akin, dahil wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko na problema kung pinoproblema nila ako. Katwiran ko, hindi ko sa kanila kinukuha ang pinapakain ko sa mag-iina ko, kaya wa ako pakels.

At ano rin ba ang pakialam nila kung habang tina-type ko itong napakahabang post na ito sa celfone ko eh nasa banyo ako at nakaupo sa trono? Saka ang punto lang naman dito aaay, punyeta! Sorry. Sumawsaw sa water ng bowl ‘yung ulo ng tt ko, syet! Sorry, sorry.

Source: Ogie Diaz FB Page


Ogie Diaz Gives Opinion on SOGIE Issue: "Wag na kayong mag-request ng sarili n’yong CR" Ogie Diaz Gives Opinion on SOGIE Issue: "Wag na kayong mag-request ng sarili n’yong CR" Reviewed by Phil Newsome on 9/09/2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.