Atty. Glenn Chong: Municipal Treasurers from CamSur Asks by PET to Explain the Wet & Damaged Ballots

Prominent social media personality and considered as one of the most vocal supporter of Sen. Bongbong Marcos, Atty. Glenn Chong revealed on his latest social media post that the Municipal Treasures from different towns of Camarines Sur are required by the Presidential Electoral Tribunal to explain the reasons why some ballots from their respective municipalities were wet and damaged.


According to Atty. Chong, the PET called the attentions of the municipal treasurers from Bato, Sagñay, Garchitorena and Ocampo to explain within 10 days after they receive the Notice from PET the reasons why there were wet and damaged ballots which were under their care for the past few years.



In the said PET Notice, the Incident Reports from April 2 up to April 17 about the wet ballots or dirty ballots inside the ballot boxes were recorded. Based on the Incident Report, the PET only released a partial order for explanations of the controversial ballots.

Here's the Complete Report of Atty. Glenn Chong:

MUNICIPAL TREASURERS NG CAMSUR PINAGPALIWANAG NA NG PET DAHIL SA BASA AT SIRANG MGA BALOTA

Pinagpaliwanag ngayon ng PET ang ilang municipal treasurers ng Camarines Sur kung bakit may mga basa at sirang balota sa loob ng ballot boxes habang ang mga ito nasa kanilang custody o pangangalaga.

Pinagpaliwanag ng PET ang mga municipal treasurers ng Bato, Sagñay, Garchitorena at Ocampo sa loob ng 10 araw mula ng pagkatanggap ng Notice ng PET.

Sa nasabing Notice ng PET, nakalista ang ilang Incident Reports mula April 2 hanggang April 17 tungkol sa mga basa o maduming mga balota sa loob ng ballot boxes.

Ibig sabihin, partial lamang ang ipinalabas ng PET na kautusang magpaliwanag. Ang mga Incident Reports na naitala simula April 18 hanggang ngayon sa mga ballot boxes mula sa Buhi, Canaman, Milaor, Sipocot at iba pa ay hindi pa natalakay ng PET.



Ayon sa Incident Reports, ang ilang ballot boxes ay binuksang muli matapos ito sinilyuhan. Ang isang ballot box mula sa Sagñay ay binuksang muli at hindi na ibinalik ang nasirang security seal. Basa ang mga lamang balota. Ito ay palatandaan ng post-election tampering ng mga laman ng ballot box.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinumpirma mismo ng PET ang mga basa at maduming mga balota na nakita sa maraming ballot boxes mula sa Camarines Sur.

Ayon sa PET, sa mga presintong basa ang mga balota, ang decrypted ballot images ang gagamitin sa revision. Gagawin ito matapos marebisa ang lahat ng hindi basang balota sa Camarines Sur. Sa puntong ito, maaring kontrahin ang paggamit ng decrypted ballot images dahil nga tinamper na rin ito ng Comelec at Smartmatic sa pamamagitan ng paglagay ng square overlays sa mga boto ng botante. Dapat ay ipawalangbisa na ang resulta sa mga presintong ito dahil hindi na mababasa ang mga balota at hindi na rin mapagkatiwalaan ang decrypted ballot images.

Sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) naman, may mga basa at madumi ring mga balota mula sa Naga City, baluwarte ni Robredo. Ito ay natuklasan sa revision proceedings na isinagawa ng HRET sa protesta ni dating Rep. Luis Villafuerte laban sa nakaupong si Rep. Gabriel Bordado, bata-bata ni Leni Robredo. Ang mga balotang ito ay saklaw sa protesta ni BBM laban kay Robredo.

More or less, 1 sa bawat 3 ballot boxes sa Camarines Sur ang walang voter receipts. Marami pang ballot boxes ang walang Election Returns at wala rin ang Minutes of Voting. Habang sa bayan ng Milaor, at least 3 ballot boxes ang naglalaman ng election materials mula sa ibang presinto o ballot boxes. Ito ay nangangahulugan lamang na binuksan ang mga ballot boxes na ito at kinuha o tinamper ang mga laman matapos ang halalan.



Tapos na ang pagrebisa sa lahat ng ballot boxes mula sa 24 bayan sa Camarines Sur. Ang mga bayan ng Ragay, Goa at Cabusao ang kasalukuyang nirerebisa ng PET ngayon. May natitira pang 11 na bayan at siyudad na rerebisahin.

It is interesting to note na sa bayan ng Ragay, at least may 1 presinto mula rito ang nagtransmit ng resulta 1 araw bago magbukas ang mga presinto para sa halalan (May 8, 2016 at 8:40AM). Malinaw ang ebidensiya nito mula sa system log na nakita ni Sen. Sotto at pinagbasehan ng kanyang privileged speech noong Marso. Nakatakdang mag-imbestiga ang Senado sa privileged speech ni Sen. Sotto sa susunod na linggo.

Finally, nagsimula ang retrieval o pagkolekta ng mga ballot boxes sa Iloilo ngayong araw. 2,740 ballot boxes ang kokolektahin ng PET.

Source: Atty. Glenn Chong Facebook Page


Atty. Glenn Chong: Municipal Treasurers from CamSur Asks by PET to Explain the Wet & Damaged Ballots Atty. Glenn Chong: Municipal Treasurers from CamSur Asks by PET to Explain the Wet & Damaged Ballots Reviewed by Phil Newsome on May 21, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.