Atty. Glenn Chong Explains the Real Issue of Wet Ballots, Lambasts Atty. Macalintal

Former congressman and veteran lawyer Atty. Glenn Chong explained the real issue of the controversial wet ballots from Camarines Sur as he lambasted election lawyer Atty. Macalintal on the latest controversy during the first day of the Vice Presidential election recount by the Presidential Electoral Tribunal.


The lawyer of VP Leni explained that there's nothing to worry with the controversial wet ballots discovered by PET during the first day of the VP recount. The explanations of the Robredo camp is indeed not acceptable for the camps of Sen. Bongbong Marcos.

Atty. Chong lambasts Atty. Macalintal, the lawyer of VP Leni Robredo, by syaing that "Huwag ka ng magsantu-santohan Mac! Aminin mo na ang totoong dahilan kung bakit nababasa ang mga balota kapag dumating na ito sa revision phase ng protesta. Sadyang binabasa ang mga balota upang hindi na mabasa ang mga ito."



The lawyer of Sen. Marcos explained the importance of the controversial wet ballots is because of the fact that the election data from Bato, Camarines Sur comprised at least 50% undervotes in the 2016 VP race. The undervotes issue is one of the pillars of Sen. Marcos protests against VP Leni Robredo.

Here's the Complete Explanations of Atty. Glenn Chong:

MGA PALIWANAG…
(Mac at Leni, basahing mabuti)

SA ISYU NG MGA BASANG BALOTA…

“Walang dapat ikabahala at walang dapat ipangamba dahil normal lamang ang mga basang ballota,” pahayag ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, makaraang madiskubre sa revision na basa ang mga balota sa 4 presinto sa bayan ng Bato, Camarines Sur. Ito raw ay nangyayari sa 80% ng mga kasong may protesta kaya hindi ito palatandaan ng tampering o dayaan, aniya.

Huwag ka ng magsantu-santohan Mac! Aminin mo na ang totoong dahilan kung bakit nababasa ang mga balota kapag dumating na ito sa revision phase ng protesta. Sadyang binabasa ang mga balota upang hindi na mabasa ang mga ito. Matagal na itong nangyayari kahit noon pang manual elections. At talamak ito tulad ng inamin ni Mac.



Hindi kusang umiihi ang mga balota habang natutulog kaya basa na kapag ginigising sa revision. Kung bagyo noong Disyembre ang kanilang palusot, bakit hindi pa natuyo ang mga balota makalipas ang halos 4 na buwan by the natural process of evaporation? Kung hindi naman kinaya ng evaporation na matuyo ang mga balota, ibig sabihin, napuno pala ang buong malaking ballot box ng tubig-ulan, pero bakit itong 4 presinto lang ang pinili ng bagyo at hindi tinamaan ang 38 ballot boxes na kasama nito?

Ayon sa election data mula sa bayan ng Bato, sobrang taas ng undervotes sa ilang mga presinto rito. May presintong pumapalo sa halos 50% ang undervotes – ibig sabihin, hindi bumoto o bumoto man pero hindi binilang ng makina ang boto ng halos kalahati ng lahat ng mga botante ng presinto. Hindi na ito kapani-paniwala.

Ang isyu ng undervotes ay isa sa mga haligi ng protesta ni BBM. Kaya pinabubuksan niya ang mga balota upang mahanap at makita ang mga undervotes na ito. Pero dahil nabasa na ang mga balota mula sa Bato, hindi na mahahanap o makikita ang mga undervotes dito.

Kaya binasa dahil ayaw makita ang orihinal na estado ng balota ng mga botante. Ang gusto ng kampo ni Robredo ay doon na lamang hanapin sa ballot images na tanging ang mandarayang sindikatong Comelec at Smartmatic lamang ang may hawak at kontrol.

Ang posisyon ng kampo ni Robredo ay katanggap-tanggap lamang kung walang bahid ng pagdududa ang mga SD cards na naglalaman ng mga ballot images na ito. Pero dahil nilagyan ng Comelec at Smartmatic, ayon mismo sa kanilang pag-aamin, ng extraneous mark (squares) ang mga ballot images, lumalabas na tinamper na ang mga ballot images.

Ang ibig sabihin ng tampered o pinakialaman ay ang pagsagawa ng hindi otorisadong pagbabago – sa ballot images. Malinaw na ni isang botante sa buong Pilipinas ay hindi sinangguni, hindi pinaalam, at mas lalo pang hindi sumang-ayon sa paglagay ng squares sa kanilang boto sa balota. Ang balota ay ang pahayag ng isa at bawat botante tungkol sa kanyang pagpili ng kandidato. Kung gumawa ng kopya ang makina o ballot images, nararapat lamang na ang kopyang ito ay faithful reproduction ng orihinal na balota. Dahil hindi naman gumuhit ng squares ang botante sa kanyang balota, ang paglabas ng squares sa kopya ng kanyang balota ay malinaw na tampering na ginawa ng Comelec at Smartmatic. In other words, the tampering of each ballot image made it speak wholly differently from what my original physical ballot speaks of my choice of candidates.



As a matter of fact, kung kaya nilang lagyan ng squares ang ballot images, sino pa ba ang makakapigil sa kanilang lagyan ng circle, rectangle, triangle, o kung anu-anong palamuti ang gusto nilang ilagay, or worse, lagyan din nila ng vote shade ang oval ng kandidatong hindi naman talaga ibinoto ng ibotante? No one can stop them… no one ever will!

At dahil si BBM ang naghahabol ngayon ng boto na ma-recover mula sa mga undervotes, ang pagbasa ng mga balotang ito sa bayang sobrang taas ang undervotes ay hindi maaring isisi sa kanya. Hindi si BBM ang suspek dito dahil siya ang mawawalan ng boto kung mabasa ang mga ito. Kaya ang suspek ay dadalawa lamang – YOU KNOW WHO!

To be clear, kung pagkabasa lang ng mga balota ang isyu, hindi pa ito sapat upang lubos na pagdudahan agad ang pagkabasa nito pero kung ang circumstance na ito ay madagdagan pa ng isang pang mabigat na circumstance – na ang mga nasabing balota ay mula sa mga presinto sobrang taas ng undervotes kung saan posibleng makabawi si BBM ng mga boto, ibang usapan na ito. Super duda na talaga tayo. At mas lalo pang titindi ang ating super duda kung pilit tayong itutulak ng kampo ni Robredo na gamitin na lamang ang mga tampered ballots images sa loob ng tampered SD cards.

Ang nalalabing solusyon dito ay nullification o ibalewala ang resulta ng mga presintong ito. Pero tiyak hindi papayag si Robredo dahil malaki ang lamang niya sa mga presintong ito.

SA ISYU NG MGA NAWAWALANG AUDIT LOGS…

Ayon kay Robredo, hindi importante ang mga audit logs sa protesta. Ito ang kanyang pahayag matapos madiskubre sa revision na wala sa loob ng mga ballot boxes ang audit logs ng 38 sa 40 presintong binuksan.

Ayon sa general instructions ng Comelec sa mga BEI, dapat ay magprinta sila ng isang kopya ng buong audit log. Ang audit log ay rekord ng lahat ng kaganapan o transakyong nangyari sa loob ng voting machine simula pa ng ito ay sumailalim sa 2 testing hanggang sa buong araw ng halalan up to the point na naiprinta ang nasabing audit log at nai-shutdown ang makina. Umaabot sa mahigit 3,000 entries ang bawat isang audit log dahil nakatala dito ang lahat ng detalye ng mga nangyari tulad halimbawa ng pagbukas at pagsara ng makina, petsa at oras ng pagpasok ng mga balota, kung tinanggap o iniluwa ang balota, ilang beses ipinilit muling ipasok ang iniluwang balota, kung gumagana ba ang lahat ng functionalities ng makina, petsa at oras ng transmission ng resulta, ilang beses nagtransmit, saan nagtransmit, sinu-sino ang nag-access ng makina, kung pinalitan ba ang makina at SD card sa kalagitnaan ng botohan, at marami pang detalye na maaring magamit upang mabuking ang mga anomalyang ginawa sa araw ng halalan. Ang printed copy ng audit log na ito ay dapat nakadeposito sa loob ng bawat ballot box.

Kaya nga tinawag itong audit log dahil mahalaga ang mga detalye sa log na ito upang makapagsagawa ng masusing audit sa lahat ng mga pangyayari sa makina upang makita kung may anomalya o dayaan. Pero para sa mga taong may gustong itago, balewala ito. Ang ibig sabihin ni Robredo na hindi ito importante ay itulak muli tayo sa audit log na naka-save sa SD card. Kung tampered ang SD card tulad ng sinabi ko, tampered din ang audit log na nasa loob nito.

Ang printed copy ng audit log na naiprinta sa araw ng halalan at dapat ay nakadeposito sa loob ng ballot box ang maituturing na original copy dahil ang BEI ang nagprint nito. Dahil nawala ang mga original copies ng audit logs sa 38 presinto, ito ay malinaw na palatandaan na may mga anomalyang gustong pagtakpan.

Sa pontong ito, tama ang sinabi ni BBM na may nagbukas ng mga ballot boxes, kinuha ang mga audit logs at isinara ulit. Hindi mahirap gawin ito dahil hindi naman padlock ang ginamit na security lock ng mga ballot boxes. Plastic lock lamang. Guntingin mo lang, ayos na! At kahit padlock pa ang ginamit nila tulad ng old yellow ballot boxes, malay natin, iisang key combination lang pala ang gamit ng libo-libong padlocks ng mga libo-libong old yellow ballot boxes kaya isang susi lang, buong Pilipinas yari na. Tanungin ninyo ang Comelec.

IN CLOSING…

Akala siguro ng kampo ng mga mandaraya ay nakaisa o nakadalawa sila ngayon kaya kampante na si Mac at Leni na magwawagi sila. Malay natin, may huling alas si BBM na hindi alam ng kampo ni Robredo at maging ng sindikato kaya hindi sila preparado. I will not tell!

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Explains the Real Issue of Wet Ballots, Lambasts Atty. Macalintal Atty. Glenn Chong Explains the Real Issue of Wet Ballots, Lambasts Atty. Macalintal Reviewed by Phil Newsome on April 03, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.