Atty. Chong Explains Expose Against Espina Family of Biliran & Their Alleged Connection with Mining

Former Congressman of Biliran and veteran Marcos Lawyer, Atty. Glenn Chong explained the reasons why he exposed the alleged connections of the Espina Family in Biliran with the mining industries in the province and the destruction brought about by Bagyong Urduja.


According to Atty. Glenn Chong, the defense of the Espina Family of Biliran dubbing him as opportunist for his expose of the Biliran mining and allegedly took advantage of the tragedy for political gains are all lies.

The veteran lawyer reminded his followers on social media that he was not taking advantage of the situation in Biliran but he was just doing what is right for the people of the province by exposing the alleged connections between the Espina Family and the mining activities in Biliran which is considered as one of the reasons why tragedy struck the island province.


Atty. Chong also told the story of Jesus Christ during the time when the Romans invaded and administered Israel who tried to lead the people of Israel against the cruel rule of the invading Roman Empire.

Here's the Complete Explanations of Atty. Glenn Chong:

HINDI PAGSASAMANTALA ANG PAGSIWALAT NG KATOTOHANAN

Ang depensa ng pamilya Espina sa Biliran ay classic example raw ako ng isang oportunista dahil sa pagsisiwalat sa isyu ng mina sa Biliran ay sinamantala ko raw ang nangyaring trahedya ngayon.

Mahigit-kumulang 60 taon bago isinilang si Hesus, sinakop ng Roman Empire ang Palestine, ang lugar ni Hesus. Halos lahat ng Jews sa Palestine ay nagpopoot sa galit sa mga Romans dahil sa kanilang mahigpit na pamamalakad (ironfisted rule), mabigat na pagbubuwis at dahil sa kanilang idolatrous religion dahil nga pagano ang mga Romans. Biglang pumasok si Hesus sa eksena kung saan tinuligsa niya ang iilang mga mayayaman at makapangyarihan habang nagpapahayag ng biyaya sa mga mahihirap at mga nasa laylayan. (National Geographic, December 2017, Page 46)

Hindi oportunista si Hesus. Ito ang kalamidad sa Palestine na kanyang nadatnan ng siya ay dumating sa mundo. Kung kinalaban man niya ang mga mayayaman at makapangyarihan sa kanyang lugar, ginawa niya ito dahil ito ang tama regardless ng kapanahunan. Kaya kung sinuman ang magsisiwalat ng katotohanan, kahit pa sa kalagitnaan ng kalamidad, hindi pagsasamantala ito. Ginaya lang natin ang ginawa ni Kristo.

Hindi ko sinasamantala ang pangyayari sa Biliran ngayon dahil hindi naman ako tatakbong muli. Ilang beses ko nang sinabi sa radyo, TV at dito sa social media na habang Smartmatic ang magpapatakbo ng halalan natin, hindi ako tatakbo dahil wala talaga akong tiwala sa Smartmatic. Kitang-kita ko ang mga ebidensiya ng dayaan at manipulasyon noon pang 2010 hanggang 2016. Inamin na rin ng Comelec sa Senate hearing noong March 23, 2012 na “tanging dayaan lang ang makakapagpaliwanag sa nangyari sa Biliran” noong 2010. Naka-enroll ang aking kalaban sa sindikatong ito kaya wala akong kalaban-laban. Kung tatakbo ako sa ilalim ng Smartmatic, sobrang gago ko na talaga. Dahil hindi ako tatakbo, wala akong mapapala kung sasamantalahin ko ang trahedyang ito.


Malinaw na paninira lamang ang depensa ng pamilya Espina dahil wala talaga silang lusot sa isyu ng mina sa Biliran.

Sa Picture No. 1, makikita natin ang website ng Solfotara Mining Corporation tungkol sa kanilang Biliran Gold-Sulphur Project. Ang saklaw ng project na ito ay 12,418 hectares o 124 square kilometers. Ibig sabihin ay saklaw ng kanilang mining project ang halos ¼ ng buong probinsiya dahil 55,540 hectares o 555 square kilometers lang ang buong isla ng Biliran.


Sa Picture No. 2, makikita natin ang mapa ng Solfotara Mining Corporation kung saang bahagi ng Biliran ang kanilang 12,418 hectares na mining project. Ang nakalinyang mga lugar ay nasa bayan ng Caibiran at Naval kung saan marami ang namatay at napinsala. Kung i-superimpose natin ang mapang ito sa Picture No. 3 ng Google Earth, ang mga nakalbong mga bundok (Site 1, Site 2, Site 3, Site 4, Site 5 at Site 6) ay nasa loob ng mapang ito ng Solfotara.



Ang Picture No. 4 naman ay Site 7 na malapit sa Naval. Ito ay nasa loob ng rectangle sa mapa ng Solfotara.

Pitong malalaking bahagi ng kagubatan na malapit lamang sa isa’t-isa ang kinalbo at nawalan ng mga kahoy. Kaya wala ng pumigil sa tubig-ulan. Maaring mangyari lamang ito kung pahihitulutan ng Provincial Government. Ito nga ang kasalanan ni Rogelio Espina.


Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Chong Explains Expose Against Espina Family of Biliran & Their Alleged Connection with Mining Atty. Chong Explains Expose Against Espina Family of Biliran & Their Alleged Connection with Mining Reviewed by Phil Newsome on December 22, 2017 Rating: 5
Powered by Blogger.