USec Egco Slams Rep. Cullamat for Saying the Death of NPA Daughter is Heroism

PCOO Undersecretary Joel Sy Egco slammed Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat after she made a statement defending her youngest daughter who was killed recently in an encounter against the Philippine Army. Rep. Cullamat even dubbed her NPA daugther as a hero.

In an official statement released to the media, Rep. Eufemia Cullamat said that "Mariin kung kinokonden ang ginawang pambabastos at pambababoy sa labi ng aking anak."

"Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar. Hindi niyo na ginalang ang patay, binabastos pa ninyo ang nagluluksa naming pamilya. Hinihiling ko sa militar na huwag gamiting tropeo ang bangkay ng aking anak. Hayaan ninyo ang aming pamilya na makapagluksa at makapagbigay ng parangal sa kabayanihan niya." Cullamat stated. 


According to USec Egco there's no disrespect with the body of former rebel and daughter of Rep. Cullamat and the rebel is not a hero as what Cullamat claimed. 

He also wondered why Rep. Cullamat and his fellow Makabayan Bloc congressmen keeps on denying their involvement and connections with the CPP-NPA but her daughter was already a member of the NPA. Egco also revealed that Cullamat's brother is already a member of the CPP-NPA.

The government official accused Rep. Cullamat of making a divertion by saying that her NPA daughter was disrespected by the Army instead of focusing on the issue that Makabayan Bloc have some connections with the CPP-NPA. 


Read of the Complete Statement of USec Egco:

Ano po, kasamang Eufemia? Pambababoy sa anak niyo? Kabayanihan? Ay! Teka po, akala ba namin wala kayong kaugnayan sa CPP-NPA? Nakailang beses ninyong itinanggi ng inyong grupo, kasama. Nun pala, anak ninyo mismo at balita ko pati ang inyong kapatid ay nasa NPA. Inilihim ba ninyo ito sa mga kasama niyo sa Kongreso? 'Di nila alam? Talaga? 

O nagsisipagsinungaling kayo?

Bakit ginagamit ninyong dibersiyon o pantakip sa tunay na isyu ng inyong ugnayan sa CPP ang umano'y "pambababoy sa inyong anak"? 

Teka! May ID bang nakasabit sa mga NPA sa bundok? Kilala ba siya ng mga sundalo bago pa man o habang nagaganap ang bakbakan? 

Nakilala lamang po siya ng mga dating kasamang NPA matapos ang engkuwentro. Hindi po ba?


At, teka, ulit. Kabayanihan ba 'kaniyo? So, you condone? You tolerate? You support? I understand ina kayo eh. Pero alam ninyo ba na ganyan ang sasapiting kamatayan ng bunso ninyong anak? Aba, kasamang Eufemia, walang magulang na nasa tamang pag-iisip ang gustong mangyari sa anak nila 'yan.

Naimagine ko na na malamang kayo ang manguna sa "parangal" para sa kaniya. Ilang kasama noon ang "pinarangalan" din namin nung panahon ko.

Pero hanggang dun lng 'yun.

Sa mga magulang, malinaw po sa insidenteng ito ang pagkakaiba nating mga nagmamahal sa anak at pamilya sa mga nagmamahal naman sa kilusang nakalinlang sa kanila.


Maawa na lamang po tayo at ipagdasal na sana, wala ng iba pang ina o ama ang tumangis at lumuha. Na sana ang kahibangan at bangungot na ito ay matapos na.

Obserbahan ninyo, lahat ng lugar na ginagalugad ng NPA ay hindi umunlad. Baon sa hirap at ayaw nilang mapaunlad. Ni ayaw nilang masementohan ang kalsada. Hindi po ba?

Bilang panghuli, ang Armed Forces of the Philippines ay siyang tunay na may mahabang kasaysayan at tradisyon sa pakikipaglaban para sa kasarinlan at upang protektahan ang ating soberenya laban sa mga manunupil at

Mananakop- pisikal man o, kagaya ng mga yumakap sa komunismo-terrorismo na galing sa Europa, ideyolohikal na pananakop.

Ang AFP ang tunay at totoong hukbo ng sambayanan at wala ng iba.


Sila Rizal, Bonifacio, Plaridel at iba pang mga aral na bayani ay hindi ninais na yumakap tayo sa ideya nina Karl Marx atibapa. 

Ang Pilipinas at tayo bilang mga Pilipino ay may sariling katangian at pagkakakilanlan. We have our own identity. Our own destiny. Our own country.

Mabuhay ang Pilipinas!

P.S.

'Yan ba ang sasabihin ninyo, Ka Eufemia, sa Senado? Nako! Eh, hindi matutuwa ang mga senador niyan. Goodluck na lng!

Source: USec Egco FB Page


USec Egco Slams Rep. Cullamat for Saying the Death of NPA Daughter is Heroism USec Egco Slams Rep. Cullamat for Saying the Death of NPA Daughter is Heroism Reviewed by Phil Newsome on November 30, 2020 Rating: 5
Powered by Blogger.