MMDA Spokesperson Lectures Sen. Grace Poe on EDSA's Yellow Lane Policy


Metro Manila Development Authority Spokesperson Celine Pialago released an open letter to the general public about the controversial Yellow Lane Policy at EDSA as part of the agency's response to the earlier statement and criticisms released by Sen. Grace Poe.


Senator Grace Poe made some headlines on various major news network after she released a statement condemning the yellow lane policy along EDSA allegedly making some experiments to solve the traffic problems but her statement received negative reactions among netizens.

The senator was quoted as saying "Bakit ginagawa tayong parang science project, puro eksperimento, habang taumbayan naman ang nagdurusa?" Sen. Poe stated.



The endless criticisms of Senator Grace Poe reached the desk of the MMDA Spokesperson as she released an Open Letter to inform the Filipino people the actual situations in EDSA nowadays.

MMDA Spokesperson Celine Pialago answered one by one the doubts and accusations released by Sen. Poe through social media. The MMDA spokesperson reminded Sen. Grace Poe that the MMDA is not conducting any experiment because everything they implemented was approved by the Metro Manila Councils composed of Mayors of Metro Manila.

Sen. Grace Poe's criticisms of the EDSA traffic became a hot issue on social media as most netizens reminded the senator that she was one of the senator who disagree with the President's call to use emergency powers to solve the rampant traffic problems along EDSA.

Read the Complete Statement of MMDA Spokesperson Celine Pialago:

Open Letter para sa aking mga kababayan:

Dahil mas marami ang nagbabasa ngayon sa social media, mas mainam po sigurong maipaintindi ko lang sa aking kakayanan ang kapangyarihan na meron ang aking ahensyang kinabibilangan.



Kakaunti lang po ang pagkakataong naibibigay sa amin sa press conferences, interviews at hearings kaya kung kayo po ay sisipagin sana ay mabasa ninyo ito.

Unang sagot sa pinaka bagong batikos, hindi po kami nag eeksperimento. Lahat po ng polisiya na meron at ipinapatupad ang MMDA ay masusing pinag maralan at naipasa po sa Metro Manila Council. Uulitin ko po, naipasa sa METRO MANILA COUNCIL. Ang Metro Manila Council po ay binubuo ng mga Metro Manila Mayors, bawat polisiya po ay pinagbobotahan at pinag aaralan, nagkakaroon ng information campaign, nagkakaroon ng dry run, nagkakaroon ng public hearing bago maisakatuparan.

Nais ko lang pong ipaliwanag ang “silbi” ng yellow lane at bakit kailangan ng “strict enforcement”

Ang yellow lane ay para sa mga pampublikong sasakyan, mga city buses at taxi, ito po ang dalawang linyang nasa pinaka kanang bahagi sa edsa, dyan po sila nakapwesto dahil andyan din po ang ating mga designated loading and unloading area. Ang mga city buses po ay may tinatawag na bus segregation, ang iba po sa kanila ay mag tag na A, B o C.

(Hindi po dapat dumadaan sa yellow lane ang mga provincial buses, sila po ay dapat sa third lane lang, dahil bawal po sila magbaba ng mga pasahero, sila po ay terminal to terminal ayon sa batas)



Ang mga city buses na may letrang A ay maaring magbaba at magsakay (Southbound) : Ermin Garcia, Arayat Cubao, VV Soliven, Connecticut, Shaw Starmall, Guadalupe, Buendia Avenue at Mantrade. (Nortbound) : Ermin Garcia, Cubao Farmers, Boni Serrano, SM Megamall, Shaw Blvd, Guadalupe, Buendia Avenue at Magallanes. Ito din po ung mga mga city buses na maaring mag flyover at mag service road.

Habang ang mga city buses naman na may letrang B ay maaring magbaba at magsakay sa (Southbound) : Kamuning, Monte De Piedad, Main Avenue, POEA Ortigas, Pioneer/ Boni, Estrella at Ayala Avenue. (Northbound): Baliwag 5/star, Main Avenue, Ortigas Avenue, SM Megamall, Pioneer/Boni, Estrella at Ayala Avenue.

Yung mga Letrang C - Ito naman ung sasakay ka ng bus na malapitan lang ang byahe. Yung tipong one station lang ang layo ng iyong destinasyon.

Samantalang sa bahagi naman ng Quezon Avenue, North Avenue, Balintawak at Pasay o sa mga lugar na wala sa listahan ay inaasahang susunod lang sa ating mga tamang loading bays.

Ngunit ano ba talaga ang mga nagiging problema naten sa mga city buses na ito?



* Hindi sila sumusunod sa bus segregation, kahit hindi nila designated bus stops, pilit pa rin silang nagsasakay ng pasahero at magbababa sa mga alanganing lugar or worst makikipag sabayan sila sa mga bus na nasa tamang bus stops. Halimbawa ang city bus na may letrang A, ang ilan sa kanila ay nagbaba ng pasahero sa Ayala Avenue na para lamang sa city bus na may letrang B. Nakakadagdag sila sa volume ng mga city bus at a particular time.
* Ipipilit ng ilang city buses ang bus stops na hindi para sa kanila kaya makikita ninyo na ang ilan sa kanila lalabas ng yellow lane at ipipilit na makapasok sa service road na nagdudulot ng pagbara sa mga pribadong sasakyan, dahil tutularan din ito ng ilang city buses.
* Mga city buses na hindi nagbaba sa tamang loading at unloading area, marami sa kanila ang humihinto bago mag “tunnel”, sa third lane, dahilan para bumagal ang mga sasakyan dahil bukod sa ito ay nakahinto ang pasaherong tatawid papuntang sidewalk ay magdudulot din ng pagbabagal.

* Ang mga madaming bilang ng kolorum na city buses.

* Mga city buses na hindi dumadaan sa tinatawag na Bus Management Dispatching System. Dito kasi sa ating BMDS masisiguro natin na ang mga city buses ay madidispatch ng tamang oras ng hindi sila nagsasabay sabay sa yellow lane. Halimbawa; City buses na pa Southbound, ang mga ito ay dapat ma dispatch sa Fairview or Letre upang mapirmahan ang kanilang TRIP TICKET hanggang sa makarating sa dulo (Alabang o Tunasan) o sa kanilang huling destinasyon kung saan kailangan ma inspect muli ang kanilang TRIP TICKET at masiguro na sila ay nadispatch ng tama sa kanilang pinanggalingan. Ngunit hindi ito nangyayare, dahil sa kawalan ng disiplina, ang mga city buses na ito ay hindi na nagpapa dispatch at pinipiling magpapaikot ikot na lang sa edsa kung kayat kitang kita naman ang volume nila kahit hindi rush hour.



Anong ginagawa ng aming ahensya sa mga iba’t ibang challenges sa yellow lane policy

1. Strict enforcement ng yellow lane, sa pamamagitan nito, ang mga kolorum na bus ay madaling mabibisto. Mas madali rin ang random check sa mga bus kung dumaan nga ito sa ating mga dispatching areas. Mas organisado ang mga city bus at mas maliwanag kung san lang sila magbaba at magsasakay ng mga pasahero, paka tandaan lang na ang mga provincial buses ay maaaring dumaan sa third lane, kasama ang P2P Buses. Mas sistematiko para sa lahat dahil kung papabayaan ang mga city bus na ito ay babalagbag lang sila sa kung saan nila gusto.

2. Deployment, solusyon dito enforcer. Alam naman namin kapag wala ng tao, wala ng nakatingin, magpapasaway na sila kaya kailangan may mga tao sa mga chokepoints o sa mga critical areas para mabilis silang matiketan o d kaya ay ma radyo for No Contact Apprehension.
3. No Contact Apprehension Policy

Kung may ginagawa naman pala ang MMDA bakit traffic pa din?

1. Volume (10,000/month ang nadadagdag sa Metro Manila). Hindi kami maaaring sisihin dito dahil nag panukala kami ng HOV Policy o High Occupancy Vehicle, napansin ba? db binatikos din? At hindi ito naaprubahan ng Metro Manila Council. Remember, lahat ng polisiya ng MMDA dapat sang ayunan muna ng lahat ng Metro Manila Mayors.

2. Accidents (42/daily) ang average ng vehicular accidents na naitatala sa EDSA
3. 150 Perpendicular Roads going in EDSA. Ito ung mga kalsada, maliliit na kalsada na palabas ng EDSA, hindi niyo lang alam, nagdudulot yan ng pagbagal
4. Illegally parked vehicles, dahilan para hindi magamit ang ilang alternatibong ruta
5. 77 chokepoints, ito ang merging traffic, splitting traffic, u turns, left turns, intersections, school zones

6. Increasing population very obvious naman to. Rapid Growth and Urbanization
7. 47 Bus Terminals in EDSA
8. 15 Malls in Edsa hindi pa kasama ang mga Condo Building and Hotels na nasa EDSA
9. Maaaring lumaki na ang multa sa yellow lane policy na dating 300 naging 1000 ngunit hindi sapat ito para madala ang mga drivers. Kung sana ay pwede ang ma impound ng 1 linggo para sa violation na yellow lane. Ngunit ang mga ganitong usapin ay nangangailangan ng approval ng MMC o Metro Manila Council

10. Weather. Kapag masama ang panahon, kapag umuulan may pagbagal, at pagtapos ng ulan mararanasan ang mga potholes na magiging dahilan na naman ng pagbagal sa mga susunod na araw. Kaya naman ang mga road repairs at road reblocking ay ginagawa ng weekends. Dahil din sa ulan, kaya hindi makapaniket ang aming mga enforcers, bawal kasi ang basang ticket at alam naten na ang paniniket takes time. Another delay kapag nagkataon.



11. Undisciplined drivers and passengers. Obvious naman ito. Hindi na kailangan ielaborate
12. Kaunting bilang ng road networks, o mga bakanteng kalsada na maari pa sanang magamit dahil ang ilan dito ay subdivision na o kampo.
13. Public Transpo. Alam namin. At ito ay nasa pangangasiwa na ng DOTR, ang Skyway stage 3, MRT7, ang NLEX SLEX Connector, lahat ito paparating na. Pero sadyang kailangan naten pagdaan naten ang birth pains to achieve our dream.
14. Kakulangan sa enforcers. Kailangan namin ng 7000 pero habang tinatype ko to ngayon nasa 2200 lang kami.

15. Panghuli sa aking tingin, tiwala. Ayaw niyo magtiwala sa MMDA, sa polisiya na napagaralan, ayaw nateng sabay sabay subukan. Bagamat kakarampot lang ang aming kapangyarihan, alam namin nangingibaw ang demokrasya, kaya nga alam na alam ng mga kokontra kung paano patitigilin ang polisiya.

Wala naman tayong ginawa for 40 years esp in terms of traffic management and infratructures to address the demand to profit urbanization. Cars keep on multiplying while roads are not. Sa mga nagmamagaling, iba noon, iba ngayon. Konti palang kayo noon.

Kung hindi tayo gagawa ng solusyon may masasabi ang taong bayan. Ngaun pag maganda ang solusyon mawawala ang trapik. Aminado kami na mahirap ipatupad sa ngaun ang ilang policy, may TRO, may Writ of Preliminary Injunction, may pagkakataong hindi maaaprubahan sa Metro Manila Mayors, may pagkakataong hindi talaga possible.

Ngunit ang MMDA po ay hindi po titigil sa mga solusyon na sa tingin namin ay makakabuti.

Ang taong bayan ay may karapatang pumuna sa isang ahensiya ng gobyerno gaya ng MMDA, batikusin ang liderato hanggang mga tauhan nito, pero hindi po dito maaring magtapos ang aming mandato, sa natitirang dalawang taon at kalahati, hindi namin kayo susukuan kaya wag din kayo sumuko.

Maraming Salamat po.

Photo Courtesy: ABS CBN News

Source: MMDA Spokesperson Celine Pialago


MMDA Spokesperson Lectures Sen. Grace Poe on EDSA's Yellow Lane Policy MMDA Spokesperson Lectures Sen. Grace Poe on EDSA's Yellow Lane Policy Reviewed by Phil Newsome on 8/12/2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.