Thinking Pinoy Explains the Misplaced Priorities of the 22 Fishermen Victims

Prominent blogger and social media personality Thinking Pinoy or RJ Nieto in real life explained the problems with the 22 Filipino fishermen rescued at the West Philippine Sea particularly their misplaced priorities.


According to Thinking Pinoy, the wife of the boat captain wanted justice but the 22 fishermen faile to execute a sworn affidavit in order for the investigation to proceed.



Caloocan City Prosecutor Darwin Canete was right on his statement once the fishermen will release more information about their ordeal to the mainstream media and forgot to sign their affidavit, they are at risk of losing credibility in any court of law.

The failure of the fishermen is the fact that they did not consult any lawyers, instead they went on an interview spree with various news media outlets. The inconsistent public statements of the fishermen could be used also as a defense against the complainant.

Thinking Pinoy slams the fishermen as he stated "hingi nang hingi ng hustisya pero ni formal complaint, hindi gustong gugulan ng oras para isampa."

Read the Complete Statement of Thinking Pinoy:

ANG MGA MISPLACED PRIORITIES NG 22 MANGINGISDA

Sabi nga noong asawa ng kapitan ng bangka, paano na raw ang hustisya?

Well, kung nag-execute lang sana agad ng sworn affidavit yung mga lulan ng FB Gem-Ver e di naumpisahan na sana ang malalim na imbestigasyon.



Tama ang sinabi ni Caloocan City Prosecutor Darwin Cañete: Ang tanging paraan para mahabol ang mga Intsik e kung may magfa-file ng complaint, at ang complaint ay mag-uumpisa sa affidavit ng mga mangingisdang nasalanta.

Pero hindi, magpapainterview muna siguro sa media ng mga 10,000 times bago lumapit sa abogado.

Sang-ayon rin ako doon sa sinabi ni Fiscal Darwin na habang parami nang parami ang ibinibigay na media interviews ng mga mangigisda habang isinasantabi ang pag-e-execute ng sworn affidavit, lalong tataas ang risk na mawalan ng kredibilidad sa hukuman ang mga saksing mangingisda.

Ang mga inconsistent public statements ng mga mangingisda ay puwedeng gamitin ng defense laban sa mga complainant, alinsunod sa Section 13, Rule 132 ng Revised Rules of Court [http://bit.ly/2KXZMbH].

Kung siryoso ang mga mangingisda sa paghingi nila ng hustisya, at kung siryoso ang political opposition sa pagtulong sa kanila, dapat ay pinayuhan ng Liberal Party ang mga binubuntutan nilang mangingisda na mag-execute na ng affidavit sa lalong madaling panahon.

Pero hindi. Tila mas interesado ang mga ito sa media blitz. Sa halip na makipag-usap kay Pangulong Rody Duterte para ipaliwanag ang kanilang sitwasyon, mas inuna pa ng mga kapitan ng barko na magmakaawa sa National TV.

Matindi ang simpatya ko sa mga mangingisdang diumano'y sinagasaan ng mga Intsik, at ito rin ang dahilan kung bakit matagal ako bago nag-komento sa isyu dahil naghihintay rin ako ng sworn statement mula sa kanila.



Pero habang tumatagal ang talakayan sa issue, hindi ko maiwasang magduda sa bersiyon ng kapitan ng barko. Dahil kung sigurado ang kapitan ng barko na dapat managot ang mga intsik, ang una niya dapat ginawa ay magsampa ng pormal na reklamo.

Presumption of Innocence, Rule of Law, Right to Due Process: iyan ang laging isinisigaw ni VP Leni Robredo at ng kanyang mga kampon, pero tila nakaligtaan ng mga gaga ang tatlong 'yan tuwing Tsino ang pinag-uusapan.

Naiirita na ako e. Bigat na bigat na ang loob ko dahil kahit ako e hirap na hirap mag-isip kung paanong mahahabol ang mga intsik kung sakaling nagkamali nga sila. 

Pero paano ako mae-engganyong sumuporta sa mga mangingisdang yan kung iyon mismong mga basic na dapat nilang gawin -- ang mag-execute ng isang sworn testimony -- ay ayaw nilang gawing prayoridad?

Alam mo yung mga kapitbahay mong daing nang daing na ang hirap ng buhay pero ni mag-apply sa trabaho, ayaw gawin? 

Parang ganun ang nangyayari sa mga mangingisdang ito: hingi nang hingi ng hustisya pero ni formal complaint, hindi gustong gugulan ng oras para isampa. 

Parang naglolokohan lang tayo rito e.

Source: Thinking Pinoy FB Page


Thinking Pinoy Explains the Misplaced Priorities of the 22 Fishermen Victims Thinking Pinoy Explains the Misplaced Priorities of the 22 Fishermen Victims Reviewed by Phil Newsome on June 19, 2019 Rating: 5
Powered by Blogger.