Atty. Chong Explains the Importance of Malacanang's Statement on Richard Santillan's Death


Prominent social media personality and former Congressman of Biliran, Atty. Glenn Chong explained the importance and significance of the statement released earlier by the Malacanang Palace through its legal counsel and Presidential Spokesman Salvador Panelo.


According to Atty. Glenn Chong he is so grateful with the recent pronouncements of Malacanang involving the case of his bodyguard and long-time aide Richard Santillan who was mercilessly murdered by some scalawags of the PNP.



The condemnation made by Malacanang in the incident involving Richard Santillan only proved that the President is now aware of Santillan's case and the way they described the incident as brutal, presuming and possibly with mastermind is a clear indications that the Duterte administration had some ideas with the case.

Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

PALIWANAG SA PAHAYAG NG MALACANANG
SA BRUTAL AT MAPANGAHAS NA PAGPATAY KAY
RICHARD RED SANTILLAN

Ako po ay lubos na nagpapasalamat kay Pangulong Duterte sa opisyal na pahayag at pagkondena sa brutal at mapangahas na pagtorture, pagpatay at pag-setup kay Richard Red Santillan ng mga scalwag ng kapulisan sa ilalim ni Police Gen. Edward Carranza, Regional Director ng PRO4A (CALABARZON) at Police Col. Jonathan Calixto ng Highway Patrol Group PRO4A.

Sa pagkondena ng Malacanang sa insidenteng ito, malinaw ang ipinahiwatig ng palasyo sa mga ginamit nitong kataga – BRUTAL, MAPANGAHAS at MASTERMIND. Ibig sabihin, tanggap ng palasyo na brutal at mapangahas ang krimen, at may posibleng mastermind dito.



BRUTAL…
Dahil 63 ang kabuuang sugat na tinamo ni Richard Red Santillan sa kanyang buong katawan ayon sa Public Attorney’s Office (PAO) Forensic Laboratory Service na pinamumunuan ni Dr. Erwin Erfe.

Gunshot Wounds, Entry – 18
Gunshot Wounds, Exit – 12
Incisions and Lacerations – 7
Puncture Wounds – 6
Contusions and Hematomas – 7
Multiple Abrasions (in groups) – 5
Undetermined Wounds – 3
Bone Fractures – 5

Sabog ang kanyang mga ngipin sa taas (kanan) at baba (kaliwa) kung saan ang 3 ngipin ay nahati sa gitna na parang ginamitan ng grinder dahil sa sobrang linis at pantay-pantay ng pagkahati nito. Pinalo sa 3 magkaibang bahagi ng kanyang ulo. Sinaksak ng screwdriver o icepick ang kanyang harapan at likuran. Sinaksak at nilaslas ng kutsilyo ang kanyang likuran.

Ang mga palatandaan ng TORTURE INJURIES ay nakita sa ulo, bibig, likod, tiyan at extremities (braso, kamay, hita at paa) ng biktima. Mahigit sa kalahati ng entry gunshot wounds ay pababa ang trajectory na hindi tugma isang “shootout” scenario, dagdag pa ng PAO Forensic Laboratory Service.

Ang ibig sabihin ng pababa ang trajectory ng bala ay nasa mas mababang posisyon ang biktima habang ang mga bumaril sa kanya ay nasa mas mataas na posisyon. Ibig sabihin, nakaluhod si Richard Red Santillan ng siya ay walang-awang pinagbabaril ng mga salaring scalawag ng kapulisan. Malinaw na ito ay execution at hindi shootout o encounter.



MAPANGAHAS…
Dahil sa dami ng mga scalawag ng kapulisan ang sangkot sa krimen, pinaulanan at tinadtad ng 57 bullet holes ang aking sasakyan ayon sa CHR, at sa dami ng gunshot wounds na tinamo ng biktima, makikita natin ang kawalan ng takot ng mga ito ng isinagawa nila ang karumaldumal na krimen laban sa isang inosenteng tao.

Wala silang pakialam kung madiskubre man ang kanilang ginawang pagpapahirap o pagtorture sa biktima. Kampante silang makakawala sila sa kanilang krimen. Nagyayabang pa ang isa sa kanila sa kanyang Facebook post. Relax lang daw mga katropa. (This will be covered in a separate post.)

MASTERMIND…
Sa pagbanggit ng katagang “mastermind,” tanggap ng palasyo ang posibilidad na may nag-utos o nagbayad upang maisagawa ang krimen na ito gamit ang mga scalawag ng kapulisan sa ilalim ni Gen. Carranza at Col. Calixto.

Ang katagang “mastermind” ay taliwas sa bersyon ng kapulisan na may shootout o encounter na nangyari. Ibig sabihin, hindi naniwala ang palasyo sa bersyon ng kapulisan.

Kaya iniutos ni Pangulong Duterte ang patas at masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga pumatay at ang mastermind nito.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page


Atty. Chong Explains the Importance of Malacanang's Statement on Richard Santillan's Death Atty. Chong Explains the Importance of Malacanang's Statement on Richard Santillan's Death Reviewed by Phil Newsome on 1/02/2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.