Atty. Chong Reveals the Difference Between Richard Santillan's Death and Rep. Rodel Batocabe

Prominent lawyer and senatorial bet Atty. Glenn Chong expressed his displeasure with the current system in the Philippines as he revealed the difference between Richard Santillan's death and that of Rep. Rodel Batocabe.



According to Atty. Glenn Chong, a few hours after the alleged assassination of Atty. Rodel Batocabe, a well-known and well-off congressman, the mainstream media immediately runs headlines of the said incident.



Numerous politicians and well-known opposition leaders, senators, and congressmen gave their immediate reactions on the death of Rep. Batocabe. The PNP leadership immediately created a special task force to solve the case of Batocabe.

Atty. Chong noted that there is indeed a huge difference between the case of Red Santillan and Rep. Batocabe in terms of the PNP and the politician's response to solve the case.

Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

BATOCABE AND SANTILLAN

Matapos pinaslang si Atty. Rodel Batocabe, isang mayamang congressman, agad ibinalita ito ng mainstream media, sabay buhos ang reaksyon ni Leni Robredo, mga senador, at mga congressmen. Agad bumuo ng special task force ang liderato ng kapulisan upang malutas ang kaso.



Pero sa kasong abduction, torture, murder at pagset-up ng mga tiwaling kapulisan kay Richard Santillan, walang imik ang mainstream media. Hindi nila ito ibinalita agad. Kung hindi dahil sa pressure mula sa social media, hindi nila ito ibabalita. Walang tayong narinig mula sa mga kinatawan ng taumbayan – ang mga senador at congressmen. Muli, kung hindi dahil sa public pressure mula sa social media at sa findings ng Forensic Team ng Public Attorney’s Office na tinorture muna si Richard Santillan bago pinatay ng mga tiwaling kapulisan, hindi aaksyon ang liderato ng kapulisan.

Kapag mayaman at makapangyarihan ang biktima, ang aksyon ay agaran.

Kapag simpleng tao lamang ang biktima, wala silang pakialam.

Sa karumaldumal na pagpaslang kay Richard Santillan, malinaw na social media lamang ang tanging maaasahan ng taumbayan. Bakit nga ba?



Dahil ba simpleng tao lamang si Richard Santillan na sa paningin ng mga makapangyarihan ay hindi nila dapat pag-aaksayahan ng kanilang atensyon at panahon?

Dahil ba sangkot sa kasong ito ang isyu ng dayaan sa halalan at ang sindikato ng Smartmatic na siyang kinatatakutan ng mga politiko ngayon?

Kung gayon, gamitin natin ang nalalabing kapangyarihan sa ating mga kamay ngayong darating na halalan upang iluklok natin at bigyan ng kapangyarihan ang mga taong handang lumaban, nakikipaglaban, at makikipagpatayan para sa bayan at sa ating lahat.

Magkaisa po tayong lahat upang hindi manaig ang pandaraya ng Smartmatic sa darating na halalan.

Source: Atty. Glenn Chong

Atty. Chong Reveals the Difference Between Richard Santillan's Death and Rep. Rodel Batocabe Atty. Chong Reveals the Difference Between Richard Santillan's Death and Rep. Rodel Batocabe Reviewed by Phil Newsome on December 23, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.