Thinking Pinoy Explains the Real Drama of PCOO Against Asec Mocha Uson


One of the country's most respected blogger Thinking Pinoy or RJ Nieto in real life explained the real drama of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) against their fellow government worker, Asec Mocha Uson.


According to Thinking Pinoy he could no longer control his emotions and the need to defend his fellow DDS Blogger Asec Mocha Uson who have been the target of constant attack not only by the critics of Pres. Duterte, the mainstream media, and the elites but also by her fellow workers inside the PCOO.

RJ Nieto also criticized the Philippine Senate for their plans to scrutinize the budget of PCOO Asec Mocha Uson despite the fact that there's no such huge budget for her office. The only budget of Asec Mocha's office is only for the salaries of her at least four staffs.

The popular blogger Thinking Pinoy who is considered as one of the most influential on social media with his more than a million followers enumerated the alleged mismanagement of the PCOO as he criticized all the government officials leading the agancy particularly PIA Head Harold Clavite, PCOO Usec Lorraine Badoy, and PCOO Secretary Martin Andanar.



Here's the Complete Explanations of Thinking Pinoy:

ANG DRAMA NG PCOO KAY MOCHA USON

Natatawa nga ako kasi uuriratin pa raw sa Senate of the Philippines ang budget ng PCOO dahil kay Mocha, pero halos wala ngang budget ang opisina no'n.

Wala nang puwedeng i-budget cut sa opisina ni Mocha dahil halos wala nga yang budget: pasweldo lang ng tao at wala nang iba. Partida, tila aapat at kalahating tao lang ang staff ng opisina niyan. Susmaryosep.

Hindi niyo matatanggal ang wala naman roon umpisa pa man.

Ni wala nga si Mocha na pang-renta ng ipinagmamalaki ni Andanar na 50,000 watts na transmitter e.

Nagpipigil na talaga akong makisawsaw sa issue kasi kako e panis na, pero nakakasuya na talaga e, so sasawsaw na ako.

If Presidential Communications (Government of the Philippines) people were so good at their jobs, getting MOCHA USON BLOG to work for them would have been unnecessary. Ang problema kasi, grabe na ang incompetence ng mga tao, pero binobola pa nila ang sarili nila na kesyo kay galing-galing nila.

Halimbawa? Tara't pag-usapan natin.



[1] PIA HEAD HAROLD CLAVITE

Si Philippine Information Agency head Harold Clavite. Kung kasing inam ka ng kine-claim mo, at lalo na't may daan-daang milyong budget ang ahensya, bakit si Mocha pa ang lalapitan ng ConCom at DILG?

The answer is simple: you and your agency are far from what you think.

Tama ang sinabi ni For the Motherland - Sass Rogando Sasot. Ang P15 million para sa feature film ukol sa Cordilleras ba ang pinakamainam na paggamit ng kaban ng bayan? Kailangan ba ng PIA na bumili ng halos P3 million na equiment para sa annual physical exams? Nagagawa ba ng PIA ang kanyang basic mandate na ipromote ang mensahe ng presidente para maka-venture pa ito sa mga kabulastugang 'yan?

[2] PCOO USEC LORRAINE BADOY

Ikaw, New Media USec. Lorraine Marie T. Badoy, hindi ba't new media ang Facebook Live? Bakit hindi mo sinupervise ang show ni Mocha?

Oh, wait! Wala ka nga palang gustong kinalaman kay Mocha.

Noong isang taon ka pa diyan Usec pero bago sa brouhaha na ito, hindi mo sinasali sa meetings si Mocha. Tapos ngayong tingin mong nagkalat si bruha, heto't nagbubunganga ka. Kay inam mo naman pala.

Ikaw Usec. Badoy, maliban sa drama mong pagmu-muse sa MalacaƱang at pagyawyaw ng "OMG I LOVE DIGONG", ano na ba ang nagawa mo bilang opisyal ng gobyerno?



Natatandaan ko pa nga noong nang FoI request ako sa accomplishments mo, nagkukumahog kang tanungin ang mga ASec at Directors mo ng accomplishments nila. Sabi nga ng mga taga-loob ng PCOO, balak mo pa nga raw nakawin yung mga nagawa ng mga tao para lang may maipalaman sa sagot mo.

Bam Aquino, ikaw ba yan?

Bakit nangyari 'to? Dahil Usec. Badoy, wala kang accomplishments na ikaw ang pasimuno. Tapos noong nanghingi ako ng clarification sa sobrang vague mong FoI reply, you even made Asec. Kris Ablan write it for you, samantalang hindi naman niya trabaho 'yon at higit sa lahat, hindi mo naman siya subordinate.

Inaabuso mo ang pakisama ng mga tao e.

Tapos heto ka't umaatake ng pribadong mamamayang tulad ko. Wala naman issue roon kung ginagawa mo lang ang trabaho mo e. Pero umaatake ka dahil naki-criticize ka.

Wait lang, sino ba pinapasuweldo rito ng buwis ng bayan, ikaw ba o ako? Sino ba rito ang ginagastusan ng kaban ng bayan tuwing nagja-junket sa State Visits, ikaw ba o ako? Lumugar ka Lorraine at iayon sana ang arte sa ganda.



[3] PCOO SEC MARTIN ANDANAR

And lastly, si PCOO Sec. Martin Andanar. Ganito kasi yan sir, bago ka makisawsaw, isipin mo ang totoong silbi sa iyo ni Margaux Uson.

Bago iyan naging taong gobyerno, ikaw ang ginagamit na pang-target practice ng mainstream media. Hindi mo na ba natatandaan yung fake news ng Rappler na Martin's Mancave noong January 2017? Wala pa si Mocha sa pamahalaan noon.

Pero nang pumasok si Mocha, nagsilbi siyang lightning rod na humihigop at nagtitiis sa halos lahat ng batikos sa PCOO. Dahil kay Mocha, hindi na halos natitira ikaw at ang mga Usec mo.

Aba, kung susumahin ang lahat, napakalaki ng utang na loob mo sa babaeng 'yan.

Ilang beses mo nang binastos ang opisina niyan pero nagtitiis lang 'yan dahil ayaw niyang makita ng publikong nagkakawatak-watak ang gobyerno.

Halimbawa, noong December 2017 Bloggers' Christmas Party sa MalacaƱang, hindi ba't kinailangan ko pang kausapin nang diretso si Pang. Rody Duterte para ipaalam na wala na namang budget ang opisina ni Asec. Mocha?

Hindi mo na binibigyan ng budget, ginagamit mo nang lightning rod ng atake mula sa labas, at hindi mo na itinuturing na bahagi ng iyong organisasyon, tapos makikisali ka pa sa publikong pambabatikos?

Wow, Sec. Martin Marfori Andanar, ipa-drug test mo kaya yung buong departamento mo? Siguraduhin mong kasama ka, ha?

EPILOGUE

Ganito 'yan e. Sa aking palagay, may mga mas mainam na paraan para isulong ang pederalismo maliban doon sa ginawa ni Mocha at Drew sa kanilang game show. Pero kung ang sariling mga superiors ng dalawa ay WALANG GINAGAWA para gabayan ang dalawa na mapabuti ang content ng kanilang mga production, wala silang karapatang batikusin ang dalawang ito sa publiko.

Bakit? Dahil kung palagay ni Andanar, ni Clavite, at ni Latoya Jackson... este ni Badoy, e mali ang ginawa ni Mocha, E DAMAY-DAMAY SILA DOON.

Source: Asec Mocha Uson Blog


Thinking Pinoy Explains the Real Drama of PCOO Against Asec Mocha Uson Thinking Pinoy Explains the Real Drama of PCOO Against Asec Mocha Uson Reviewed by Phil Newsome on 8/11/2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.