Ex-Army's Open letter Calling COMELEC to Investigate Election Fraud Needs You (Signature Campaign)

Former member of the Philippine Army's elite Scout Ranger squad, Sir Abraham "Abe" Purugganan is now calling the attentions of all concerned Filipino citizens who are registered voters to sign the signature campaign calling the attentions of COMELEC to investigate election fraud during the 2016 poll.


Abe Purugganan, a proponent of Revolutionary Government in the Philippines, called the attentions of patriotic netizens to heed his call of getting the attentions of the COMELEC to investigate the alleged election fraud with the help of the National Bureau of Investigation (NBI).

The Open Letter of Abe Purugganan which will be sent to the Office of COMELEC Chairman Sheriff Abas is based on the allegations exposed by Atty. Glenn Chong during the Senate Hearing wherein he revealed that 459 PCOS machines were discovered sending early results of voting although the election did not start yet.



Here's the Complete Open Letter of Sir Abe Purugganan:

Sino gusto isama ang pangalan niya sa sulat na mag-rerequest ng imbesitgasyon sa hacking na nangyari sa servers ng Smartmatic at Comelec. Ang sulat ay ibibigay kay Chairman Abbas ng Comelec.

Pwede rin kayo mismo magpadala sa opisina nila sa intramuros. Meron nakahanda na na letter request para dito.

Pm me your full name and city/ province or country where you are now.

Ito yong draft:
__



Agosto 14, 2018

Kagagalang Sheriff Abbas
Tagapangulo
Komisyon sa Halalan
Intramuros, Manila

Kagagalang Sheriff Abbas:

Ako po ay nababahala sa mga nangyaring katiwalian at anomalya noong eleksyon ng 2016 ayon sa mga sinasabi ng isang batikang abogado na nagngangalang Atty. Glenn Chong sa harapan ng komite ng repormang pang-eleksyon sa Senado noong Agosto 3, 2018.

Ayon sa kanyang pahayag sa Senado, mayroong 459 PCOS machines na-natagpuan sa iba’t ibang lokasyon ng Pilipinas noong eleksyon ng 2016 na nagkaroon ng maagang pagdadala ng resulta ng eleksyon na gaanong hindi pa naman nagaganap ang botohan. Ayon uli kay Atty. Chong, nangyari ito
sa ilalim ng pamamahala ng SMARTMATIC. Kung sakali man ito ay totoo, ito ay isang mabigat na katiwalian at anomalya ayon sa ating batas at kailangan parusahan ang mga taong sangkot dito.

Kung kaya’t, bilang isang rehistradong botante, ako ay nakiki-usap sa inyong magalang na tanggapan na mag-pasimula ng isang imbestigasyon upang tiyakin at ipasiya kung ang mga natuklasan ni Atty. Chong tungkol sa maagang pagpapadala ng resulta ng eleksyon ay may katotohan at kung sakali man ito ay may katotohanan, mag-sampa ang inyong tanggapan ang mga nararapat na sakdal laban sa mga taong na nanungnungkulan sa COMELEC at SMARTMATIC na sangkot sa anomalya at katiwalian sa Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (National Bureau of Investigation).

Gusto po naming malaman ninyo na ang gagawing imbestigasyon ng inyong tanggapan tungkol sa mga di-umano’y pahayag ng katiwalian noong eleksyon ng 2016 ay mahalaga para sa akin at sa mga katulad kong rehistradong botante upang mapa-alagaan ang kabanalan at integridad ng balota. At sana huwag po ninyong pahintulutan ang mga pangyayaring ito na maulit muli sa susunod na halalan.

Maraming salamat po.

Sumasaiyo,

Abraham A. Purugganan

Source: Abe Purugganan FB Page

Ex-Army's Open letter Calling COMELEC to Investigate Election Fraud Needs You (Signature Campaign) Ex-Army's Open letter Calling COMELEC to Investigate Election Fraud Needs You (Signature Campaign) Reviewed by Phil Newsome on August 14, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.