Atty. Glenn Chong Suggests to Kick Out Smartmatic if Pres. Duterte Wanted to Have a Clean Election

Veteran lawyer and prominent social media personality who is now dubbed as an Election Fraud Expose Hero, Atty. Glenn Chong made a brilliant suggestions to Pres. Rody Duterte to kick out the controversial election operator Smartmatic if the President wanted to have a clean and honest election.



According to Atty. Glenn Chong he was so grateful with the recent statement of Pres. Rody Duterte to ensure clean, honest and trusted election in 2019. The suggestion to deputize Pres. Duterte by COMELEC to strictly enforce the prohibition of having armed guards is considered as a bold move to the right direction of having peaceful, orderly and credible elections.

The veteran lawyer noted that it is only Pres. Duterte who has the political will because he has no one to repay his political debt for he was elected by the people who gave him the authority to govern the country.



Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

ANG MALINIS NA HALALAN AY MAGSISIMULA
SA PAGPAPATALSIK NG SMARTMATIC

Ikinagagalak at pinapasalamatan natin ng lubos ang pahayag at commitment ni Pangulong Duterte na magkakaroon tayo ng malinis at mapagkatiwalaang halalan sa 2019.

Ang kanyang hiling na i-deputize siya ng Comelec upang ipatupad ang mahigpit na pagbabawal ng armed guards ng mga politiko at mariing babala sa mga armed goons at mga rebelde ay isang malaking hakbang sa tamang direksyon upang maging peaceful, orderly at credible ang ating halalan.

Si Pangulong Duterte lamang ang nakikita kong may malakas na political will na gawin ito dahil nga wala siyang utang na loob sa mga politiko dahil ang mga tao mismo ang siyang nagloklok sa kanya sa pwesto.

Pero, with all due respect, ito ay isang bahagi lamang sa napakasilimoot na isyu ng halalan. Walang duda, ito ay napakahalaga lalong-lalo na kapag mapagkasunduan at maipatupad ang Hybrid Election System.

Pero kung automated elections pa rin ang iiral sa 2019, isang mahalagang kondisyon upang magkaroon tayo ng malinis at mapagkatiwalaang halalan ay patalsikin at tanggalin muna ang Smartmatic bilang elections provider. Basang-basa at wala na talagang kredibilidad ang kompanyang ito.



Kahit ang best intentions ng pangulo ay maaring paikutin o sirain ng isang insidious and treacherous Smartmatic. Naglipana ang kanilang mga tauhan upang matiyak ang pagkontrol ng ating halalan.

Take as an example noong unang hearing sa Senado. Inimungkahi ko na imbestigahan ng independent and professional na ahensya ng DICT ang election system ng Smartmatic. Sinadya ko ito upang makita ang reaksyon ng Smartmatic.

Nang sumunod na hearing, nakapalibot na sa pinuno ng DICT ang mga taong nagsusulong ng Smartmatic. Tiwala man ako sa integridad ng pinuno ng DICT pero hindi mawala sa aking isipan ang subtle o hindi halatang pagmamanipula kung sakaling pagbigyan ang kahilingan na imbestigahan ng DICT ang election system ng Smartmatic. Advanced silang mag-isip!

Kaya mahalaga na tuluyang mapatalsik at matanggal muna ang Smartmatic bilang elections provider kung nais natin na manaig ang people’s choice at hindi ang PCOS choice.

Paano natin i-harmonize ang pahayag at commitment ni Pangulong Duterte?

Sa ilalim ng Hybrid Election System, ang botohan at bilangan ng boto ay mano-mano. Dahil mano-mano, may pangamba na guguluhin ito ng mga politiko at kandidato, lalo-lalong na yung mga may guns at goons, upang maantala ang transmission ng resulta at makagawa pa ng milagro at manalo kahit pa totoong talo.

Maaring mangyari ito at magkaroon ng kaguluhan. Pero may dalawang epektibong paraan upang mapigilan ito.

Sponsored Ads by Lazada Click Here to Buy:

Una, hindi payagan ng Comelec ang pre-proclamation controversies. Ito ay mga kwestiyon sa pagpapatakbo ng botohan, bilangan at canvassing na siyang ginagamit ng mga kandidato upang maantala ang proklamasyon ng mga nanalo.

Sa ilalim ng umiiral na batas ngayon sa automated elections, hindi pinapayagan ang anumang pre-proclamation controversies. Dahil dito, generally peaceful at orderly ang ating automated na halalan dahil tinanggal ng batas ang dahilan ng gulo.

Sa ilalim ng Hybrid Election System, ang batas na ito pa rin ang dapat ipatupad upang walang gulo sa mga presinto at canvassing centers. Kung may mga kwestiyon man ang natalong kandidato, maghain na lang siya ng protesta pagkatapos ng halalan basta iproklama muna ang mga nanalo upang magkaroon ng immediate stability ang resulta ng halalan.

Pangalawa, upang masigurong walang magsisiga-siga at manggugulo sa mga presinto at canvassing centers, dito papasok ang commitment ni Pangulong Duterte ng malinis at mapagkatiwalaang halalan sa 2019. Sa puntong ito pinaka-epektibo si Pangulong Duterte. Isang salita lang niya, yanig na ang mundo ng mga guns at goons!

In conclusion, ang Hybrid Election System at ang commitment ni Pangulong Duterte ang nakikita kong pinaka-epektibong paraan upang magkaroon tayo ng malinis at mapagkatiwalaang halalan sa 2019.

Sa sistemang ito, walang puwang ang Smartmatic at ang kanilang sistema ng dayaan!

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Suggests to Kick Out Smartmatic if Pres. Duterte Wanted to Have a Clean Election Atty. Glenn Chong Suggests to Kick Out Smartmatic if Pres. Duterte Wanted to Have a Clean Election Reviewed by Phil Newsome on August 19, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.