Atty. Glenn Chong: "Nag-Erupt si VP Disrupt" (Nanggulo ang Kampo ni VP Leni)

Veteran lawyer and former Congressman of Biliran Province, Atty. Glenn Chong posted an update regarding the on-going recount of the Vice Presidential race between VP Leni Robredo and Sen. Bongbong Marcos. According to the lawyer, VP Leni who is now dubbed as VP Disrupt is now in eruption mode.


Atty. Glenn Chong stated that VP Leni is indeed true to form and substance, they are really disrupting the Presidential Election Tribunal (PET) when they accused one of the BBM's revisor in allegedly violating the rules of PET to only bring paper and not bring anything inside the revision room.

The said revisor of BBM, only one revisor out of the 15 hired by Marcos, brought a plastic lense inside the revision area last June 14, 2018. VP Leni's camp accused the BBM's camp of bringing a prohibited items inside the PET revision area but Atty. Chong explained what really happened during that instance.



The veteran lawyer Atty. Chong also explained that the camp of VP Leni complaint about the plastic lens to disrupt the recount but VP Leni's camp were silent in the most pressing issues of the recount, the wet ballots, missing election documents, picnic boxes, post-election tampering and preshaded ballots.

Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

NAG-ERUPT SI VP DISRUPT

True to form and substance, nanggulo ang kampo ni Leni Robredo sa PET ng inakusahan nito ang kampo ni BBM ng paglabag sa patakaran ng PET makaraang mahuli diumano ang isang revisor ni BBM na nagdala at gumamit ng plastik na lente sa loob ng revision area noong June 14. Ipinagbabawal diumano ito ng PET dahil mga papel lamang ang pinahihintulutang makapasok sa revision area ayon sa isinampang Manifestation of Grave Concern ng kampo ni Robredo.

Nang sitahin ang nasabing revisor, binigyan diumano siya ng instructions na hanapan ng butas ang mga valid ballots ni Robredo upang maging stray ballots ito at makaltas sa bilang ng boto ni Robredo, dagdag pa ng nasabing Manifestation.

Walang kabuluhan ang Manifestation ng kampo ni Robredo. Panggulo lamang ito.



Ayon sa aking reliable source, gumagamit nga ang nasabing revisor ni BBM ng lente sa kanyang trabaho bilang revisor. Ilang linggo na niyang ginagamit ito bago pa man siya sinita noong June 14. Ipinapakita niya ito sa mga security guards bago siya pumasok sa revision area. Pinapahintulutan naman siya ng mga security guards na dalhin ang lente sa loob ng revision area. As a matter of fact, hindi pinag-uusapan ng mga chismoso doon ang lente ng nasabing revisor ni BBM. Hindi rin pinag-usapan ang diumano ay pagsita sa kanya.

Kaya walang malisya o masamang balak ang mai-connect ng kampo ni Robredo sa pagdala ng lente sa loob ng revision area dahil wala namang itinago ang nasabing revisor. Dumaan sa security guards, ipinakita at pahintulutan. Open sa lahat ang kanyang paggamit ng nasabing lente. Tanging si Robredo lang ang umalma sa lintik na lente!

Ang lente ay katumbas ng eyeglasses. Kung ninanais ng nasabing revisor na lente ang gagamitin niya sa halip na eyeglasses, wala tayong magawa kung ito ang nakagawian niya. Kung papel lang talaga ang pahihintulutan sa loob ng revision area ayon sa makitid na pananaw ni Robredo, then lahat ng revisors ng magkabilang panig ay hindi maaring magdala ng eyeglasses dahil ito ay kapareho o katumbas ng lente na mahigpit na tinututulan ni Robredo.

Wala rin akong nakitang masama sa instructions na hanapan ng butas ang mga balota ni Robredo upang maging stray o hindi mabilang ito. Ginagawa rin naman ito ng mga revisors ni Robredo sa mga balota ni BBM. Ganyan talaga ang revision/recount. Depende na lang kung saang panig may maraming magagaling na revisors at saang panig nagsama-sama ang mga tanga. Huwag na tayong magsanto-santohan dito.



Kung nangyaring maraming magagaling na revisors ang nasa kampo ni BBM kaya libo-libo na ang nakaltas na boto kay Robredo, hindi ito kasalanan ni BBM dahil ginagawa lamang ng mga revisors niya ang kanilang trabaho, with or without instructions. At mas lalong hindi ito kasalanan ng lente ng revisor.

Kung wala naman talagang butas ang mga balota ni Robredo, kahit pa lahat ng revisors ni BBM ay pawang magagaling, wala pa rin silang magagawa. But the truth of the matter is dahil libo-libo ang preshaded votes ni Robredo nakatiwangwang ang butas ng kanyang mga balota.

Nabahala si Robredo sa lente ng isa lamang sa limampung revisors ni BBM. Hindi ito nakakabahala. Ang totoong nakakabahala ay ang mga basang balota, mga sunog na balota, nawawalang mga election documents, picnic boxes sa halip na ballot boxes, post-election tampering at preshaded ballots. Pero naghain ba siya ng Manifestation of Grave Concern sa mga isyung ito? HINDI!

Naghahanap lang talaga si Robredo ng dahilan upang makapagsagawa ng eksena, makapag-ingay, makapagreklamo at manggulo… WE TRY TO DISRUPT!

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong: "Nag-Erupt si VP Disrupt" (Nanggulo ang Kampo ni VP Leni) Atty. Glenn Chong: "Nag-Erupt si VP Disrupt" (Nanggulo ang Kampo ni VP Leni) Reviewed by Phil Newsome on June 23, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.