Atty. Glenn Chong Reveals 21 Wet Ballot Boxes Discovered During Day 6 of VP Recount

Veteran lawyer and prominent social media personality Atty. Glenn Chong who is best known as one of the most outspoken lawyer of Sen. Bongbong Marcos revealed through his Facebook Page that a total of 21 wet ballots boxes were discovered during Day of the Vice Presidential Recount conducted by the Presidential Electoral Tribunal.


According to Atty. Chong during the Day 6 of the revision, the revisors discovered that there were three (3) more wet ballot boxes from the Municipality of agñay, Camarines Sur.



Upon the discovery of three more wet ballot boxes, in total there are already 21 wet ballot boxes from the province of Camarines Sur and ARMM. The 21 wet ballot boxes contained more than 10,000 votes.

The veteran lawyer also revealed that a certain ballot box was not just wet but certainly it looks like an aquarium and the other ballot released some unnecessary smell comparable to the smell of a septic tank.

Aside from the wet ballots, the revisors also discovered that there were ballot boxes from the Municipality of Balatan, Camarines Sur without voter's receipts.

Atty. Chong cited Comelec Resolution 10088 (Amendments to the General Instructions for the Board of Election Inspectors or BEI), Section 6, enumerating the contents of the black box.



Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

REVISION UPDATE: DAY 6

(Wet ballots pa more, may ballot box na nagmistulang pozo negro at mga nawawalang voter’s receipts)

Sa patuloy na pagbukas ng mga ballot boxes sa Camarines Sur sa ika-6 na araw ng revision sa protesta ni BBM laban kay presumptive VP Robredo, natuklasang may 3 pang ballot boxes mula sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur, na basa rin ang mga balota. Sa ngayon, umabot na sa 21 ballot boxes ang may tubig sa loob o basa ang mga balota mula sa Camarines Sur at ARMM. Ito ay naglalaman ng mahigit-kumulang 10,000 boto.

Napag-alaman din natin na may 1 ballot box na ayaw ng buksan ng mga revisors dahil sa sobrang baho ng laman nito kaya hindi na nirebisa at isinantabi na lamang. Nagmistulang pozo negro ang ballot box na ito! 

As of today, may ballot box na nagmistulang aquarium dahil may tubig talaga sa loob at may nagmistulang pozo negro rin dahil sa sobrang baho. 

Nadiskubre rin na may mga ballot boxes mula sa bayan ng Balatan, Camarines Sur, na walang voter’s receipts. 

Ayon sa Comelec Resolution 10088 (Amendments to the General Instructions for the Board of Election Inspectors or BEI), Section 6, ang black box na naglalaman ng official ballots ang siyang gagamitin bilang lagayan ng voter’s receipts (Voter’s Receipt Receptacle). Bago pa man magsimula ang botohan, ang mga official ballots mula sa black box ay dapat kunin at ilabas lahat upang magamit itong lagayan ng voter’s receipts. Pagkatapos ng botohan, seselyohan ito ng BEI gamit ang packaging tape. Dapat isulat sa packaging tape ang mga pangalan ng mga kasapi ng BEI at mga watchers sa presinto at pirmahan nila ito. Pagkatapos ay dapat ipasok ang nasabing black box sa loob ng ballot box, kung kakasya ito.

Kakasya naman talaga ang black box (voter’s receipt receptacle) sa loob ng ballot box dahil ang black box at mga official ballots na nilalaman nito ay magkapareho ang hugis. Kung kumasya ang mga balota, kakasya rin ang black box na may lamang voter’s receipts. Kung kumasya ang black box sa ballot box sa mga bayan ng Baao at Bato, bakit may nawawalang mga black boxes na may lamang voter’s receipts sa Balatan?

"Ang pangyayaring ito ay highly irregular dahil ang mga resibo ng botante ay bahagi ng mga dokumentong dapat ay nandoon sa loob ng ballot boxes. Ang pagkawala ng mga ito ay palatandaan na kinuha ito mula sa mga ballot boxes o di kaya ay sadyang hindi isinama sa loob ng mga ballot boxes dahil hindi ito tumutugma sa bilang ng boto na iniluwa ng makina,” ayon sa isang PET insider.

Dagdag pa ng PET insider, ito ay seryosong paglabag ng Comelec sa kautusan ng Korte Suprema na kasama ang voter’s receipts sa revision proceedings.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Reveals 21 Wet Ballot Boxes Discovered During Day 6 of VP Recount Atty. Glenn Chong Reveals 21 Wet Ballot Boxes Discovered During Day 6 of VP Recount Reviewed by Phil Newsome on April 11, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.