Atty. Glenn Chong Explains the Importance of Pre-Shaded Ballots Favoring VP Leni Robredo

Veteran lawyer and former lawmaker from Biliran Province, Atty. Glenn Chong explained the importance of the pre-shaded ballots favoring VP Leni Robredo and why it is considered as a clear evidence of cheating during the 2016 VP race.


According to Atty. Glenn Chong, the camp of Sen. Bongbong Marcos discovered the pre-shaded ballots from the Municipality of Bato and Baao, Camarines Sur. These pre-shaded unused ballots were found having marked already shaded in favor of Leni Robredo.

The veteran lawyer noted that during the automated elections the number of ballots corresponds with the number of voters, no more no less. But, due to the fact that not everybody will vote during the elections there's indeed a tendency for unused ballots during the elections.



The PET revisors explained that those unused ballots were put inside an envelope and deposited inside the ballot boxes. These ballots were cut down based upon the instructions Comelec Resolution 10057. These resolution says that unused ballots should be cut lengthwise and separated, half of torn unused ballots will be placed inside and envelope and deposited inside the ballot boxes while the other half of torn unused ballots will be given to the election officer for safekeeping.

Here's the Complete Explanations of Atty. Chong on Pre-Shaded Unused Ballots:

PALIWANAG SA UNUSED BALLOTS NA MAY BOTO PARA KAY ROBREDO

Nadiskubre ng mga revisors habang binubuksan ang mga natitirang ballot boxes mula sa Bato at Baao, Camarines Sur na ang mga balotang hindi nagamit noong halalan ay may boto para kay Robredo.

Ang bilang ng mga balota na ipapadala sa presinto ay tugma lamang sa eksaktong bilang ng mga rehistradong botante sa presinto. Walang labis, walang kulang. Pero dahil hindi naman lahat ng botante sa presinto ay bumuboto sa araw ng halalan, may mga balota talagang hindi magagamit – ito ang unused ballots.

Ayon sa mga revisors, ang mga hindi nagamit na balota o unused ballots ay nasa loob ng mga envelopes na nakadeposito sa loob ng mga ballot boxes. Hinati ang mga ito ng gunting.

Ayon sa Comelec Resolution 10057 o general instructions sa mga BEI, ang mga unused ballots ay dapat hatiin lengthwise at ilagay ang isang kalahati sa envelope para sa half of torn unused ballots at ilagay ito sa ballot box habang ang natitirang kalahati naman ay ilagay sa envelope para sa other half of torn unused ballots at ibigay ito sa Election Officer.

The fact na ang mga nadiskubeng mga balota ay hinati sa dalawa at ang isang kalahati ay nasa loob ng envelope na siyang dapat ay pagsidlan nito at nasa ballot box ang envelope na ito, ibig sabihin ay totoong mga unused ballots ito at hindi fake news ayon kay Atty. Romulo Macalintal.

Up to this point, malinaw na ang mga balotang ito ay unused ballots nga dahil tumugma ang estado nito sa loob ng envelope sa loob ng ballot box ayon sa utos ng Comelec.

Ang malaking kwestiyun ngayon ay bakit may boto para kay Robredo ang mga unused ballots na ito.

Ayon kay Macalintal, walang unused ballots na maaring bilangin para sa isang kandidato. To a certain extent, tama si Macalintal dahil by its very nature, wala naman talagang unused ballots na may boto dahil hindi naman nagamit ito.

Pero ang sagot na ito ni Macalintal ay sadyang mapanlinlang. Dahil kung ang mga balota sa presinto ay nilagyan na ng shade para kay Robredo bago pa man magsimula ang halalan – ang tawag nito ay pre-shaded ballots – ito ay ebidensiya ng dayaan.

Paano ginagawa ang pre-shading operation?

Sa kasong ito, baga pa man magsimula ang halalan, may shade na ang oval ni Robredo. Karamihan sa mga balota ay pre-shaded na ng boto, pero hindi ang lahat. May mga balota ring malinis at blangko. Bakit? Dahil kung magreklamo ang botante kung bakit may shade na ang kanyang balota, papalitan ito ng malinis at blangkong balota. Kung hindi napuna ng botante o walang imik ang botante, lalong-lalo na kung ang tingin ng BEI member ay pipitsugin lamang, ilulusot niya ang pre-shaded ballots.

Maaring mangyari na mas marami ang nakapuna o nagreklamo kung bakit may shade na ang oval para kay Robredo at ibinalik ito sa BEI. At lumagpas ang bilang nito sa mga malinis at blangkong balota na nireserba nilang ipapalit. Kaya pagkatapos ng halalan, ang natitirang mga unused ballots ay siyempre yung mga pre-shaded na lamang. At dahil may utos ang Comelec na hatiin ang unused ballots, ilagay sa envelope at ideposito ito sa ballot box, kaya ayan, walang pagpipilian ang BEI kundi hatiin ang unused ballots na may boto para kay Robredo at magdasal na lamang na hindi mabuking.

Ang pre-shaded ballots, kahit saang angulo natin tingnan ay isang pandaraya. Ang botanteng hindi nagreklamo at kusang tinanggap ang balotang pre-shaded ay walang pagpipilian kundi tanggapin na lamang na may boto na ang oval para sa VP. And to quote Macalintal, sa “beautiful automated election system ng Smartmatic,” hindi mabubura ng botante ang pre-shaded oval dahil walang burahan sa sistemang ito. Ang tanging magagawa ng botante na ayaw talaga kay Robredo ay iboboto niya ang sinuman sa mga katunggali nito upang ma-cancelled out ang boto ni Robredo sa pamamagitan ng overvotes kasi lalabas na 2 ang binoto niya para sa posisyon ng VP – may boto na si Robredo, iboboto pa niya ang kalaban.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Explains the Importance of Pre-Shaded Ballots Favoring VP Leni Robredo Atty. Glenn Chong Explains the Importance of Pre-Shaded Ballots Favoring VP Leni Robredo Reviewed by Phil Newsome on April 05, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.