Atty. Chong Burns James Jimenez Exposing the Lies of the Comelec Spokesperson in Alleged Election Fraud

Veteran lawyer and former congressman Atty. Glenn Chong burns James Jimenez exposing the lies of the COMELEC Spokesperon for denying the statement of Sen. Tito Sotto who made an expose about the allegations of cheating during the 2016 national elections.


According to Atty. Glenn Chong, in the intentions of the Comelec to escape from the supposed biggest problem of the poll body involving Smartmatic, James Jimenez admitted that the Comelec conducted a final testing and sealing during the time of the election which is indeed contrary to our election laws.

Atty. Chong cited Comelec Resolution 10057, Article III, Section 6, that the final testing and sealing (FTS) of the voting machines should be conducted on May 2-6, 2016.

In the issue about the intervention of foreign intities in the Comelec servers were also lies because the explanations of Jimenez that they needed Amazon WS to display the election results but the results are nowhere to be found despite the fact that it should be visible until three years from the election date.



Here's the Complete Expose of Atty. Chong:

MULA SA DIRECTOR OF MISEDUCATION AND DISINFORMATION
NG COMOLECT

Sa pagnanais na makalusot sa malaking problemang kinakaharap ngayon ng sindikatong Comelec at Smartmatic dahil sa exposé ni Sen. Tito Sotto, inamin ni James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, na kahit sa mismong araw ng halalan, nagsagawa pa rin ng final testing and sealing ang ilang presinto. Ito ang palusot ng sindikato upang maipaliwanag kung bakit may mga resulta ng pumasok sa election servers 24 oras bago magbukas ang mga presinto.

Ito ay isang malaking kasinungalingan.

Ayon sa Comelec Resolution 10057, Article III, Section 6, ang final testing and sealing (FTS) ng mga voting machines ay dapat isasagawa sa May 2 hanggang May 6, 2016 lamang. Wala ng FTS pagkatapos nito. At ayon din sa Article VII, Section 33 (ff), malinaw ang instructions sa mga Boards of Election Inspectors – kapag nagtanong ang voting machines kung ipadala o i-transmit ba nito ang resulta ng FTS – pindutin ang HINDI! At may note pa sa nasabing probisyon - NOTE: For purposes of FTS, no transmission of election results will be performed.

Kaya malinaw na walang transmission testing sa mga araw ng May 2 all the way hanggang May 9 kung totoo mang nagtetesting pa ang mga BEI sa mismong araw ng halalan. Tama si Sen. Sotto, hindi transmission testing ang pumasok simula noong May 8, 6:46 ng umaga. Pekeng resulta ang mga iyon na gustong ipasok ng mga mandaraya bago magsimula ang halalan. Sinungaling lang talaga itong si James Jimenez.

Sa isyu naman ng pakikialam ng mga banyaga sa ating election servers, ang palusot ni Jimenez ay ang paggamit daw nila ng cloud service (amazonaws.com) ay para sa seguridad ng datos na kanila namang pinapakita sa results website.

Ito ay isa pang malaking kasinungalingan.

Anong results website ang pinagsasabi ni Jimenez? Kapag bumisita tayo sa kanilang website at i-check ang resulta ng halalan (https://www.comelec.gov.ph/?r=2016NLE/ElectionResults), ito ang makikita natin:

ANNOUNCEMENT:

https://www.pilipinaselectionresults2016.com/ is no longer available to display the Election Day election results as electronically transmitted from all Vote Counting Machines (VCMs) and Consolidation/Canvassing Systems (CCS) nationwide.

Please watch out as we prepare to make these same information directly available from inside the COMELEC Website.

Itong panghuling pangungusap nga lang ay isa ring kasinungalingan at labag sa batas. Ayon sa Republic Act No. 9369, Section 33, ang digital files ng resulta ng halalan ay dapat nakapost sa kanilang website sa loob ng 3 taon mula ng ito ay naipost. Wala silang ipinakita o ipinost sa kanilang website na resulta dahil takot na makita o madiskubre ng mga netizens ang kanilang mga anomalya at dayaan. Takot ma-audit ang resulta dahil nga may madyik.

Kaya anong cloud service at seguridad ng datos ang tinutukoy ni Jimenez gayong wala namang resulta na ipinakita sa kanilang website? Sadyang sinungaling lang talaga itong si James Jimenez.

Kung ganito ka ubod ng sinungaling ang tagapagsalita ang Comelec at idagdag pa natin ang katotohanan na ang dating Chairman nito na si Andres Bautista ay may warrant of arrest at nagtatago plus ang Project Manager ng Smartmatic na si Marlon Garcia ay may warrant of arrest din at nagtatago rin, anong klaseng halalan meron tayo?

Nananaig pansamantala ang sindikatong ito dahil kulang sa kaalaman ang sambayanan sa isyung ito. Kontrolado nila ang mga politiko. Kontrolado nila ang karamihan sa media. Pero kung magtulong-tulong tayong maipabot ang kaalaman sa isyung ito sa ating mga kapit-bahay, kamag-anak at mga kaibigan, tiyak makakamtan din natin ang kalayaan mula sa mga demonyong sumisira sa buhay, pangarap at kinabukasan ng ating mga kababayan.

Source: Atty. Chong FB Page

Atty. Chong Burns James Jimenez Exposing the Lies of the Comelec Spokesperson in Alleged Election Fraud Atty. Chong Burns James Jimenez Exposing the Lies of the Comelec Spokesperson in Alleged Election Fraud Reviewed by Phil Newsome on March 08, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.