Atty. Glenn Chong Reveals the Reasons Why Sen. Trillanes is Getting Nervous Nowadays

Former congressman and veteran lawyer Atty. Glenn Chong revealed the reasons why Sen. Antonio Trillanes is now getting nervous due to the fact that the case against him is fast approaching and he could not do anything but to face trials.


Sen. Antonio Trillanes keeps himself busy by continue his accusations against the family of Pres. Rody Duterte. The senator wanted the Senate to investigate the alleged P100 million joint deposits and investments of Pres. Duterte and Davao City Mayor Sara Duterte that were allegedly not included on their respective SALN.

According to Atty. Chong, Sen. Trillanes don't have any evidence against the President but his intentions for the possible senate investigations is purely a fishing expedition to get any possible evidence that could be use to damage the reputation of the former Mayor of Davao City.

Atty. Chong explained that Sen. Trillanes called for a Senate investigation by using the Vera Files article but the article itself came from no less than Sen. Trillanes.

Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

SI TRILLANES ANG NINENERBYOS NGAYON

Iginigiit ni Sen. Trillanes sa Senado na imbestigahan ang diumano ay P100 million joint deposits and investments nina Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi raw idineklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). Ayon kay Senate President Koko Pimentel, ang hinihiling ni Trillanes ay isang “tragic waste of time.”

Wala naman talagang ibang pakay si Trillanes dito kundi mamingwit lamang ng ebidensiya (fishing expedition) na magagamit sa patuloy na paninira niya laban sa pangulo at pamilya nito.

Ginamit ni Trillanes ang report ng Vera Files upang isuporta sa kanyang panawagan ng imbestigasyon. Ang Vera Files naman ay ginamit ang mga diumano ay dokumento mula kay Trillanes upang isuporta sa kanilang report. Samakatuwid, ipinadaan lang ni Trillanes ang kanyang mga ebidensiya kuno sa Vera Files upang may maisuporta sa kanyang panawagan ng imbestigasyon. Kung may money laundering, ito ay evidence laundering!

Kung totoong may ebidensiya si Trillanes laban sa pangulo at pamilya nito, dapat ay isinumite na niya ito sa kanyang Counter-Affidavit sa Pasay Prosecutor’s Office sa patuloy na preliminary investigation sa kasong isinampa namin laban sa kanya na 4 counts ng inciting to sedition, proposal to commit coup d├ętat at graft and corruption.

Ulo at kalayaan na niya mismo ang nakasalalay sa mga kasong ito. Dapat lahat ng ebidensiya niya na siya ay “masugid na tagataguyod ng kampanya laban sa kurapsyon at para sa reporma” ay ipinakita na niya sa kanyang depensa. Pero wala siyang ebidensiyang ipinakita sa kanyang Counter-Affidavit. Mula paragraph 5 hanggang paragraph 28 ng aming mga alegasyon ay pawang denials o pagtatanggi lamang ang kanyang depensa. Ang office address lang niya ang kanyang inamin!

Ito ay malinaw na palatandaan na wala talagang hawak na ebidensiya si Trillanes laban kay Pangulong Duterte at pamilya nito. Ang ipinakitang mga ebidensiya sa kanyang privilege speech ay pinabulaanan mismo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Kaya nga nasuspenso si Deputy Ombudsman Carandang dahil sa kasong isinampa rin namin laban sa kanya dahil sa pakikipagsabwatan kay Trillanes sa isyung ito at paggamit ng mga pekeng ebidensiya.

Kaya ang panawagan ni Trillanes ng imbestigasyon ay fishing expedition lang talaga. Tama si Sen. Pimentel na hindi na mag-aksaya ng panahon sa mga kalokohan ni Trillanes.

Kahapon, inabangan talaga namin na sumipot si Trillanes sa patuloy na preliminary investigation pero hindi siya sumipot. Humirit ang kanyang kampo na sagutin niya ang aming sagot sa kanyang Counter-Affidavit. Binigyan siya hanggang February 23. Pagkatapos ng araw na ito ay magdedesisyon na ang prosecutor kung kakasuhan siya sa korte o ibasura ang aming reklamo. Kampante kami na makakasuhan si Trillanes sa korte. Kaya siya ngayon ang ninenerbiyos sa paghahanap ng paraan upang makapamingwit ng ebidensiyang magagamit niya sa kanyang propaganda at depensa. Kung mabibigo siya, tiyak balik siya sa kulungan!

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Reveals the Reasons Why Sen. Trillanes is Getting Nervous Nowadays Atty. Glenn Chong Reveals the Reasons Why Sen. Trillanes is Getting Nervous Nowadays Reviewed by Phil Newsome on February 06, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.