Atty. Chong Expose VP Leni: Marcos is Not Bluffing, Robredo is in Bad Faith

Former congressman and veteran lawyer supporter of Sen. Bongbong Marcos, Atty. Glenn Chong exposed the camp of VP Leni as he noted that Marcos is not Bluffing but Robredo is allegedly in bad faith.


Atty. Chong revealed on his latest social media post that the camp of VP Leni with the help of the mainstream media wanted the people to know that BBM is not serious on his challenge to withdraw all motions by explaining the BBM signed the wrong motion and Marcos failed to appear in a pizza restaurant where the supposed signing will be made.

The veteran lawyer explained that the camp of BBM just followed the proper procedures by signing first the documents and sent it to the lawyers of Robredo for them to sign the documents and not inside a restaurant for publicity sake.

Although the motions are the same between the camp of BBM and VP Leni there are some discrepancies, the camp of Robredo wanted to sensationalize the issue particularly the captions of the joint motion.

BBM's camp also found out that in the Robredo version there is no commitment to sign that they will never file any motions to delay the protests but in BBM's version, he promised and signed a commitment that he will never file any motions to delay the protest. In Robredo's version, only the lawyer of Robredo signed but in BBM's version, the former senator signed together with his lawyer. 

Here's the Complete Expose of Atty. Glenn Chong:

MARCOS IS NOT BLUFFING, ROBREDO IS IN BAD FAITH

Ipinapalabas ng kampo ni Robredo na hindi seryoso si BBM sa kanyang hamon na bawiin ng magkabilang panig ang kani-kanilang mga nakabinbing mga motions sa PET upang mapabilis ang protesta dahil mali diumano ang dokumentong pinapipirmahan ng kampo ni BBM sa kampo ni Robredo. Hindi rin daw sumipot ang kampo ni BBM sa pizza restaurant na pinili ng kampo ni Robredo kung saan gaganapin ang pirmahan ng magkabilang panig.

Sa kabilang panig naman, bago dumating ang itinakdang oras ng kampo ni Robredo na magpirmahan sa pizza restaurant, nai-serve na ng kampo ni BBM ang kanyang pinirmahang dokumento sa mga abogado ni Robredo sa kanilang opisina upang pirmahan din nila ito. Sa pananaw ng kampo ni BBM, ito ang tamang paraan upang mabigyan ng paggalang ang isang judicial process at hindi sa isang pizza restaurant.

Ang dokumentong pinirmahan ng abogado ni Robredo ay JOINT MOTION samantalang ang pinirmahan naman ng kampo ni BBM ay JOINT MANIFESTATION.

Sa JOINT MOTION ni Robredo, sinabi niyang ipinapaalam niya (manifest) at hinihiling (move) sa PET na bawiin ang lahat ng kanyang nakabinbing motions, kung meron man.

Sa JOINT MANIFESTATION ni BBM, sinabi niyang ipinapaalam (manifest) sa PET na binabawi na ng magkabilang panig ang lahat ng kani-kanilang mga motions at incidents na makakapagpa-antala sa protesta.

Sa pontong ito, walang pinagkaiba ang mga pleadings na ginawa ng magkabilang panig maliban sa huling bahagi ng caption nito. Ang substance o laman ng mga pleadings na ito ay kapwa pareho in so far as ipinapaalam nila sa PET ang pagbawi ng kani-kanilang nakabinbing mga motions at incidents. Ang kampo lang ni Robredo nagpalaki sa pagkakaiba ng caption dahil gustong gumawa ng eksena at gustong maisahan ang kampo ni BBM at ang publiko.

More than the caption, may iilan pang malalaking pagkakaiba ang dalawang dokumentong ito. Sa bersyon ni Robredo, walang pangako o commitment ang pumirma na hindi na magfile ng mga walang kabuluhang mga motions upang maantala ang protesta. Sa bersyon ni BBM, may pangako o commitment ang pumirma na hindi na magfile ng mga walang kabuluhang mga motions upang maantala ang protesta. Malinaw na ayaw ni Robredo ng pangako o commitment na ganito dahil matapos mapirmahan ang dokumentong ito, baka kinaumagahan, magfile na naman ang kampo niya ng mga walang kwentang motions upang lalong maantala ang protesta. Kaya ayaw niyang pumirma sa bersyon ni BBM dahil ayaw niyang mapako sa pangako o commitment na ito. Malinaw kung sino ang makatotohanan at sino ang gustong umiwas.

Sa bersyon ni Robredo, tanging ang kanyang abogado lamang ang pumirma at hindi siya mismo ang pumirma. Sa bersyon naman ni BBM, kapwa siya mismo at ang kanyang abogado ang pumirma. May posibilidad na kung maipit si Robredo sa kasunduang ito, makakalusot siya dahil hindi naman siya mismo ang pumirma samantalang si BBM ay walang lusot dahil siya mismo ay nakapirma. Malinaw kung sino ang makatotohanan at sino ang gustong umiwas.

Sa bersyon ni Robredo, special mention niyang ipinapabawi kay BBM ang kanyang Partial Motion for Reconsideration sa isyu ng softcopy ng ballot images na tila ba ay takot siyang hindi mabigyan ng kopya ng mga ballot images na hindi naman niya binayaran. Nadisisyunan na ito ng PET noon pang January 10, 2018. Tapos na ang isyung ito. Nagbabasa at nag-aaral ba ng kaso ang abogadong ito ni Robredo?

Malinaw na seryoso si BBM (not bluffing) at makatotohanan siya sa kanyang hamon kay Robredo. Si Robredo ang gumagawa ng eksena at palusot upang hindi makapirma sa dokumentong inabot ng kampo ni BBM dahil hindi na siya makakalusot at hindi na niya maantala pa ang protesta. Malinaw na si Robredo ay in bad faith. As in super bad faith!

Panghuli, pinili ng kampo ni BBM na bigyan ng paggalang ang isang judicial process sa pamamagitan ng pagsagawa nito sa tamang paraan. Ang tamang paraan ay ipadala ang dokumento sa mga abogado ni Robredo at hintayin na mapirmahan ito na walang pagpupumilit. Saka pa ito i-file sa PET. Hindi tama na iwawagayway ng abogado ni Robredo ang kanyang ginawang dokumento na parang bang victory banner at pumunta sa isang pizza restaurant upang doon gawin ang pirmahan na para bang circus lamang.


Source: Glenn Chong FB Page

Atty. Chong Expose VP Leni: Marcos is Not Bluffing, Robredo is in Bad Faith Atty. Chong Expose VP Leni: Marcos is Not Bluffing, Robredo is in Bad Faith Reviewed by Phil Newsome on February 08, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.