Former lawmaker and veteran lawyer Atty. Glenn Chong exposed on his latest social media post the alleged plans of COMELEC and the controversial Smartmatic through their magic machines that they will be using this coming 2019 national elections.
According to Atty. Chong, Smartmatic Philippines head Eli Moreno already signed the contract with the Commission on Elections (COMELEC) and the warehouse in Sta. Rosa, Laguna was already prepared by the poll body.
Atty. Chong revealed that a very reliable source told him that the COMELEC already decided to use their option to purchase on their contract with Smartmatic. Under the original contract between the Comelec and Smartmatic, the Comelec paid Smartmatic around P6.4 billion as prent for the 70,977 vote counting machines for the 2016 national elections. The said provision of the contract, the Comelec will pay another P2 billion to own the machine and the government will no longer pay for rent.
Know More About the Expose of Atty. Glenn Chong:
KAILAN KAYA TAYO MAKAWALA SA BANGUNGOT NG SMARTMATIC?
Matapos ang ilang buwang pananahimik sa gitna ng matinding paratang ng dayaan sa halalan noong 2016, naghahanda na ang Comelec at Smartmatic sa kanilang magic machines na gagamitin sa halalan sa 2019. Pinirmahan na ni Eli Moreno, pinuno ng Smartmatic sa Pilipinas, ang kontrata at naghahanda na ngayon ang bodega ng Comelec sa Sta. Rosa, Laguna upang tanggapin ang mga vote counting machines.
Ayon sa isang mapagkatiwalaang source, nagpasya na ang Comelec nito lang nagdaang linggo na gamitin nila ang option to purchase sa kanilang kontrata sa Smartmatic. Sa ilalim ng orihinal na kontrata ng Comelec at Smartmatic, binayaran ang Smartmatic ng halos P6.4 bilyon bilang upa sa 70,977 vote counting machines para sa 2016 elections. Ang kontrata ng pag-arkila ng mga makinang ito ay may kasamang option to purchase sakaling magpasya ang Comelec na bilhin ang mga makina. Ayon sa option to purchase na ito, babayaran uli ng P2 bilyon ang Smartmatic upang mailipat ang pag-aari ng mga makinang ito sa Comelec. Dahil sa kapasyahang ito ng Comelec, makakatanggap uli ang Smartmatic ng P2 bilyon ngayon.
Ang malaking problema sa transaksyong ito ay paso na ang option to purchase na ito noon pang Mayo 2017. Normally, kung paso na ang probisyong ito ng kontrata, hindi na ito pwedeng gamitin pa ng Comelec at Smartmatic dahil hindi na ito legal. Sa ganitong sitwasyon, ang tangging natitirang option ng Comelec ay magpatawag ng panibagong bidding.
Pero hinding-hindi nila ito gagawin dahil kung may panibagong bidding, ang malaking pinangangambahan nila ay baka matalo sa bidding ang Smartmatic. Mayayari ang negosyo ng sindikato! Kung matalo ang Smartmatic, mapipilitan na naman silang maniubrahin ang post-bidding processes upang madiskwalipika ang nanalo at maibigay ang kontrata sa Smartmatic. Ginawa na nila ito noon at diniskwalipika ang mga kalaban ng Smartmatic tulad ng Indra Sistemas, S.A., EZ Com at NWKPO Consortium pagkatapos matalo ang Smartmatic. Kaya nakuha at namonopoliya ng Smartmatic ang lahat ng kontrata sa eleksyon dahil sa mga maniubrang ganito kasabwat ang Comelec mismo.
Delikado kung gagawin nila uli ito ngayon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte dahil “this is dangerous to their health.” Kaya upang masiguro ng sindikato na Smartmatic magic machines pa rin ang gagamitin sa 2019, ang option to purchase ang ginamit nila dahil hindi kailangan ng panibagong bidding dito dahil ito ang napagkasunduan nila at nakatali dito ang Comelec. Ang problema lang ng sindikato ay paso na talaga ang kasunduang ito at hindi na maaring gamitin pa nila.
Di bale ng paso na ang option to purchase. Di bale ng labag ito sa kontrata at batas. Ginawa na nila ito noong 2012 sa ilalim ni Chairman Sixto Brillantes, Jr. Sadyang pinalipas ang maraming buwan at ng dumating na ang tamang panahon, ginamit nila ang option to purchase upang mabili ang inarkilang mga PCOS machines. Nang ginamit nila ang nasabing option to purchase at binayarang muli ang Smartmatic, paso na rin ito. Umabot kami sa Korte Suprema pero dahil kapos na sa panahon, tinanggap ng Korte Suprema ang kanilang palusot. Nakalusot sila. Natandaan ko, ilang araw bago magdesisyon ang Korte Surprema, nakisawsaw pa si Noynoy Aquino at nagpalabas ng statement pabor sa Smartmatic na para bang pini-pressure ang Korte Suprema.
Dahil nakalusot sila noon, feeling nila kayang-kaya nilang ilusot uli ang pasong option to purchase ngayon. Tiyak kukwestiyunin uli ito sa Korte Suprema. May malaking pagkakaiba sa sitwasyon noon at ngayon. Kung nakalusot ang kanilang pagsisinungaling noon, titiyakin naming hindi ito makakalusot ngayon. Noon, kakaunti lang ang may alam sa isyu ng dayaan ng Comelec at Smartmatic, mas marami na ang nakakaalam ngayon. Dahil mas marami ng magbabantay sa isyung ito, mas mahirap ilusot ang binabalak ng sindikato.
Kaya ang Chairmanship ng Joint Congressional Oversight Committee, ang komite ng Kongreso na inatasan sa Sec. 27 ng RA 9369 amending Sec. 27 ng RA 8436 na magsagawa ng mandatory review at comprehensive assessment and evaluation ng performance ng Smartmatic automated election system ay nasa kamay ni Leila De Lima. Maaring ito ay bahagi ng plano ng sindikato upang hindi talaga magkaroon ng public hearing ayon sa itinakda ng batas upang hindi mahalungkat at maisapubliko ang mga ebidensiya ng dayaan sa halalan noong 2016, lalong-lalo na sa Vice-President. At hindi nga nagpatawag si De Lima ng hearing ukol dito kaya hindi mailabas ang mga ebidensiyang ito. Kung nagkaroon lang sana ng public hearing, tiyak mahihirapan na talagang ilusot ng sindikato ang mga mandarayang makina.
In the meantime, pinalipas ng sindikato ang mga buwan hanggang dumating ang tamang panahon. Ito na ‘yun ngayon. Ito na ang tamang panahon dahil 2 sa mga komisyoner ng Comelec ay magreretiro sa February 2, 2018 o 2 linggo mula ngayon. Duda talaga ako sa timing. Baka may naghahabol ng pabaon!
Again, ginawa na rin nila ito noon. Tatlong araw bago magretiro si Chairman Brillantes, pinirmahan niya ang P240 milyon na kontrata para sa diagnostics, repair and refurbishment ng mga PCOS machines kahit hindi ito dumaan sa bidding. Kaya nga kinasuhan sila ni dating Congressman Jing Paras ng plunder! ‘Yun nga lang, ibinasura ng Korte Suprema ang kontratang ito. Kaya abot sa langit ang galit ni Brillantes sa akin dahil ako ang pinagbibintangan niyang nasa likod ng aksyon laban sa kanyang midnight deal.
Malinaw ang balak ng sindikatong ito. Ilulusot nila ang mga mandarayang makina ng Smartmatic upang kumita uli ng bilyon-bilyong pera sa pagbebenta ng mga posisyon sa mga politiko. Ito ang bangungot ng Smartmatic. Ito ang totoong “kadiliman” na tinutukoy ni Leni Robredo at hindi ang administrasyon ni Pangulong Duterte. Baka ito rin ang nagbigay ng lakas ng loob kay Noynoy Aquino upang magdeklara na babangon muli ang kanilang naghihingalong Liberal Party.
Kailan tayo makakawala sa bangungot ng Smartmatic? Kung magkaisa tayong makialam, makibaka, at makipaglaban upang magwagi ang ating bayan.
Simulan natin sa ganito:
1. Mag-ingay sa social media. Ipakita natin ang ating galit sa ganitong klaseng pagmamaniubra at paglabag sa ating batas.
2. Tumawag sa Hotline 8888 at ireklamo ang Comelec dahil labag sa batas ang kanilang ginagawa at umaalingasaw ang baho ng kurapsyon.
3. Mga organisadong grupo ay pwedeng sumali sa mga petisyon na isasampa sa Korte Suprema laban sa Smartmatic at Comelec. Paalam lang po kayo sa comment section.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page
Marcos Lawyer Expose the Alleged Plans of Smartmatic for the 2019 Elections
Reviewed by Phil Newsome
on
January 22, 2018
Rating: