Atty. Chong: RTC's Decision on Election Protest in Cebu a "Slap on Macalintal's Face"

Former Congressman and the veteran lawyer of former Sen. Bongbong Marcos revealed on his latest social media post that the decision of the Regional Trial Court (RTC) in Cebu is a "Slap on Macalintal's Face." Documents showed that the Lagon vs. Diamante case proved someone could win an election protest case against the Comelec due to the discrepancies in the vote counting machines provided by Smartmatic.


According to Atty. Chong, the RTC decided to ruled out the proclamation of COMELEC that Tuburan Mayor Democrito Diamante of the LP won the election, the real winner is no other than the PDP-allied mayoral candidate Daphne Lagon.

The Lagon vs. Diamante case involving Comelec and Smartmatic proved further that there's some discrepancies in the counting machines provided by Smartmatic during the elections.

Atty. Glenn Chong reminded Atty. Romulo Macalintal, the lawyer of VP Leni Robredo, that the results in the decision of the RTC and the Supreme Court proved that somebody were cheating during the election which is contrary to the claim made by Macalintal that there's no cheating involving Smartmatic.

Here's the Complete Revelations of Atty. Glenn Chong:

DESISYON NG KORTE SAMPAL KAY MACALINTAL

Sa maraming pagkakataon, paulit-ulit na sinabi ng abogado ni Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal sa media na walang dayaan sa halalan dahil wala pang kahit isang protesta ang nanalo mula noong 2010. Patunay daw ito na tumugma ang bilang ng mga makina sa manual recount ng mga balota kaya walang dayaan.

Ayon sa mga dokumento at records ng kasong Lagon vs Diamante sa Regional Trial Court (RTC) at SPR No. 11-2017 sa Comelec, iniutos ng RTC na bawiin at isantabi ang proklamasyon ni Democrito Diamante bilang Mayor ng Tuburan, Cebu. Ibig sabihin, tanggalin na siya sa pwesto at iupo ang nagprotesta niyang kalaban.

Si Diamante ang iprinoklama at kinilalang panalo ng Comelec matapos ireport ng Smartmatic voting machines na nanalo siya ng 46 boto. Dahil nagprotesta ang kanyang kalaban na si Daphne Lagon, binilang muli ang mga balota sa isang manual recount. Sa resulta ng recount, si Daphne pala ang totoong nanalo ng 93 boto. Kaya pinababawi ng korte ang proklamasyon ni Diamante. Si Diamante ay kandidato ng Liberal Party samantalang si Lagon naman ay kandidato ng PDP-Laban.

Ito ang malinaw na patunay na hindi nga tama ang pagbibilang ng mga mandarayang makina ng Smartmatic. Sa kasong ito, pumabor ang mga makina sa kandidato ng Liberal Party at dehado ang kandidato ni Pangulong Duterte. Ito ay malaking sampal sa mukha ni Macalintal dahil ngayon may totoong patunay na hindi tama ang pagbibilang ng mga makina at may dayaan nga sa halalan gamit ang Smartmatic voting machines. Korte mismo ang nagpatunay nito!

Noong January 19, 2018, 5 araw lang ang lumipas, umakyat si Diamante sa Comelec at inapela ang desisyon ng RTC. Nagfile siya ng “most urgent” motion sa Comelec upang harangin ang utos ng RTC na tanggalin na siya sa pwesto at iupo si Lagon bilang totoong nanalo. Sa mismong araw na ito, nagpalabas ng order ang Comelec Second Division at pinagbigyan ang hiniling ni Diamante na injunction upang matigil ang pagpapatupad ng kautusan ng RTC laban sa kanya.

Noong araw na iyon, January 19, 2018, pumunta ang abogado ni Lagon sa Comelec bago ito magsara at nagtanong kung meron bang ipinalabas na order ito hinggil sa hiling na injunction ni Diamante. Sagot ng Comelec, walang order na ipinalabas. Pero bandang alas 11.00 ng gabi ng araw pa ring iyon, nakapost na sa Facebook ng kampo ni Diamante na may order na palang ipinalabas ang Comelec. Kinaumagahan, Sabado, tinawagan ang abogado ni Lagon na may order na palang lumabas noong araw ding naifile ang motion, Biyernes.

Bakit minadali ng Comelec na harangin ang kautusan ng RTC sa kasong ito? Bakit nagsinungaling ang Comelec tungkol sa order nito? Bakit nakakuha agad ang kampo ni Diamante ng kopya ng nasabing order samantalang todo tanggi ang Comelec sa kampo ni Lagon?

Dahil ba gustong pagtakpan ng Comelec ang katotohanang mali nga ang bilang ng mga makina o may dayaan talaga sa halalan? Dahil ba kontrolado pa rin ng Liberal Party ng Comelec hanggang ngayon? Dahil ba sa kurapsyon, pera at pabaon?

Kayo na po ang bahalang bumuo ng sarili ninyon opinyon at conclusion.

Isa sa mga pumirma sa order na ito ay ang bagong Chairman ng Comelec na si Sheriff Abas.

Isang mahalagang bagay na pinapatunayan ng kasong ito ay – may nagwawagi sa protesta. Kaya may malaking pag-asa si BBM. Malamang nanginginig na sa takot si Leni Robredo ngayon.

UPDATE SA PROTESTA:

1. Nagtangka pa rin ang kampo ni Robredo ng last ditch efforts na maantala ang collection ng mga ballot boxes. May rally pa sila. Pero hindi umubra.

2. Natapos ng kolektahin ang mga ballot boxes sa 12 lugar sa Camarines Sur. Isasakay na ang mga ito sa Philpost trucks ngayong araw at aalis papuntang Manila sa Huwebes.

(Cartoon/Caricature from Cebu Daily News)

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Chong: RTC's Decision on Election Protest in Cebu a "Slap on Macalintal's Face" Atty. Chong: RTC's Decision on Election Protest in Cebu a "Slap on Macalintal's Face" Reviewed by Phil Newsome on January 24, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.