Thinking Pinoy Reveals the Plight of Government Workers As DFA Consultant

Popular social media blogger and now considered as one of the most influential social media influencer, Thinking Pinoy or RJ Nieto reveals a very interesting story about the plight of government workers in the country as he worked as a consultant of of the Department of Foreign Affairs (DFA).


According to Thinking Pinoy he will continue to stand by his statements during the Senate Hearing that the DFA needs him more than he needs the DFA and all he want is to help the government to succeed under the leadership of Pres. Rody Duterte.

In the latest social media post of Thinking Pinoy he revealed that the P12,000 monthly salary he received as consultant of DFA is not enough because of the problems face by millions of OFWs. He also revealed that Career Service Officers (FSOs) in the Philippines received salaries that are way below what their foreign counterparts receive.

One of the FSO he once talked revealed to him that they barely have enough to meet the high cost of living in the city where they're assigned.

Here's the Complete Revelations of Thinking Pinoy:

12,000 PER MONTH NA SUWELDO SA DFA AT ANG ALLEGED BCDA CONSULTANCY CONTRACT

The exact words I said in yesterday's Senate Hearing was:

"If I were given a choice, I don't want to work in DFA. Parang alila kami doon e and I only get P12,000, it's not even enough to pay for taxi. It's just that the DFA needs me more than I need them and I want the government to succeed."

I stand by the statement "parang alila kami doon (we are like domestic servants there)". Note, however, that I used the term "we" and not "I", because I intentionally included virtually everyone who works in the Department of Foreign Affairs Republic of the Philippines.

Career Foreign Service Officers (FSOs) in the Philippines receive salaries that are way below what their foreign counterparts receive. I remember speaking to a few FSOs in one of our embassies and they told me that they barely have enough to meet the high cost of living in the city where they're assigned.

Nadurog ang puso ko e. Isipin mo, yung mga Third Secretaries (junior FSOs) natin, pag itinabi mo sa Third Secretaries ng ibang ASEAN countries, ANG LAYO. Mapapansin mo talaga ang pagkakaiba. Meron nga akong kilala sa Consulate natin sa NYC, sa New Jersey pa nakatira at hindi sa NYC dahil kulang ang pasahod at mas mura sa NJ, kahit NJ ang isa sa may pinakamataas na crime rates sa States.

Tapos, yung mga naka-istasyon sa DFA Manila, ang tagal nang nagseserbisyo, pero di man lang pumapalo sa P30,000 per month ang sahod.

Kaya lagi kong sinasabi sa inyo sa mga FB live ko na pagpasensiyahan niyo na lang muna kung minsan nakasimangot yung mga taga-DFA pag kaharap kayo, dahil overworked sila at underpaid, kaya sila man ay hirap na hirap din.

Ngayon, P12,000 ang monthly ko sa DFA because I didn't want to be paid to begin with. I actually wanted only P1 per month, pero sabi sa akin nung superior ko na si Usec. Sarah Ysmael Arriola, "Walang maniniwala kahit totoo yan", so tinutok na lang namin yung suweldo sa Salary Grade 4, o ang nasa halos pinakamababang salary grade sa gobyerno. Bakit ko ayaw tumanggap ng malaking sweldo mula sa gobyerno? Una, dahil ayokong mabahiran ako ng alegasyong hinahanapbuhay ko ang pamahalaan. May offer nga ako na consultancy sa BCDA pero hindi ko tinanggap out of delicadeza. Pangalawa, bilang respeto sa mga diplomat nating nasa mga conflict areas tulad ng Syria at Libya, na nagbubuwis ng kanilang mga buhay kahit kakarampot lang ang natatanggap. Sila nga kakarampot ang tanggap, tapos akin malaki? Parang may mali.

Pangatlo, dahil gusto kong mag-raise ng awareness sa nakaka-depress na kalagayan ng mga public servants, hindi lang ng DFA kundi sa buong pamahalaan. Sinabi ko na ito dati pa: ang mga public servants ay public servants, hindi public slaves, at alam ko sa sarili kong dapat silang bigyan ng sahod na mas naaangkop sa kanilang mga kakayahan at sa kani-kanilang mga sitwasyon.

Ang unang paraan para malabanan ang korupsyon ay ang pagbibigay ng tamang pasuweldo sa gobyerno. Dahil kung kumikita naman sila tama, bakit pa sila magnanakaw? Doon sa "DFA needs me more than I need them", well, totohanang usapan lang: ano mapapala ko sa DFA e kahit kumpletuhin ang sweldo ko bilang consultant (P30k ang kalakaran), e paluwal pa nga ako diyan? Typewriting paper pa nga lang na pamprint ng OFW complaints sa bahay ko, uubos na ako ng halos P5,000 buwan-buwan. E kung hindi ako umoo, wala rin naman silang pambayad sa mainstream coverage.

Si MOCHA USON BLOG nasa Presidential Communications (Government of the Philippines) na, tapos si Sass Rogando Sasot, nasa Netherlands, at ako lang ang nandito na available. Mas mahal ko ang bayan ko kaysa sa sarili ko.

Oo, mayabang ako. Alam ko yon, di mo na kailangang ipaalala.

Ngayon, bakit ko sinabing "If I were given a choice"?

Kasi sa totoo lang, hindi naman ako pinilit na magtrabaho diyan. Kaya lang, alam kong may platform ako, may reach ako sa mga OFWs, at nakukunsiyensiya ako kung hindi ko gagamitin ang ThinkingPinoy para makatulong sa mga kababayan natin sa labas ng bansa. Kung may isa o dalawa lang akong matulungang masagip na OFW mula sa rapist nilang amo, masaya na ako. Kasi, alam niyo, ang pinakamalaking "bayad" na natatanggap ko ay yung tuwing naglalakad ako sa kalye tapos may lalapit sa akin at magsasabing, "Salamat". Masaya na ako roon. Masayang masaya.

Love, TP, ang DH ng mga DH

Source: Thinking Pinoy's FB Page

Thinking Pinoy Reveals the Plight of Government Workers As DFA Consultant Thinking Pinoy Reveals the Plight of Government Workers As DFA Consultant Reviewed by Phil Newsome on October 05, 2017 Rating: 5
Powered by Blogger.