Ex-Ranger's Sarcastic Suggestions on How to Solve the WPS Conflict & Challenge China into War


A veteran member of the elite Scout Ranger Regiment and avid supporter of Pres. Rody Duterte on social media shared a sarcastic but brilliant suggestions on how to solve the West Philippine Sea Conflict and how to challenge China to engage in war against the Philippines.


According to Sir Abe Purugganan, a former Scout Ranger and veteran intel officer suggested that if most Filipinos really wanted to engage China in a war, we could formed an army of conventional warfare like the armed militia composed of fishermen while the government is still preparing for actual combat.



Major Purugganan also suggested that for the Philippines to succeed against China, we should be led by the courageous and brave Navy officers, particularly Sen. Trillanes and Rep. Gary Alejano. We could also used the NPA and the Abu Sayyaf to counter China's agression at WPS.

The services of VP Leni Robredo, Sen. Risa Hontiveros and all the critics of Pres. Duterte could be deployed by the government to fight China in various international legal fronts while the biased mainstream media could be used as propaganda for the Philippines.

Read the Complete Suggestions of Sir Abe Purugganan:

Ito ay katuwaan lang pero puwedeng seryosohin kung gusto niyo.

Kung talagang gusto niyo ng giyera laban sa Tsina ito ang puwede natin gawin:

1- Habang ang gobyerno ay pinapalakas at inihahanda ang AFP para sa isang conventional naval at air warfare, puwede tayo bumuo ng puwersa for unconventional warfare kagaya ng mga armadong militia- mga mangigisdang guerilla sa dagat.



Naalala ko tuloy yong sinabi ng isang senior officer sa AFP pagkatapos ng EDSA 1 na ang kaya lang natin sa external defense ay guerilla tactics. Diyan daw tayo magaling kaya ito ang ating gamitin at paganahin.

Bubuuin into ng SWAG, SF at mga civilians na sasanayin ng ating navy. Isama natin si Trillianes at Alejano, mga magigiting na naval officers.

Isama natin ang mga kababayan nating mga Badjao na magagaling sumisid at lumangoy.

Yong mga mahilig magbatikos, mangutya at mang lait, dapat sila ang unang mag boluntaryo dito kasi matatapang sila at mga patriotic.

Puede rin i-organize ang sektor ng mangingisda at maritime industry para malawak at malaking puwersa ang mabubuong militia sa dagat.

Puwede na rin isama ang mga NPA at Abu Sayaf. Doon sila manggulo at maghasik ng lagim sa WPS para mahilo ang Tsina.



Patulong tayo sa Vietnam. Magaling sila sa ganitong taktika.

2- Yong mga senador at mga opisyales na nangulimbat ng pera ng bayan, mag-donate ng mga fishing boats, trawlers, lantsa, malalaking basnig at mga kagamitan na kailangan at gagamitin ng ating mga militia kagaya ng radio, satellite phones, celfone, armas, buwanang pagkain at allowance.

Puwede na rin isama dito ang mga smugglers. Makakatulong ng malaki itong mga ito.

3- Yong magagaling na media at trolls at bloggers at mga government propagandists ay magsamasama na bumuo ng isang international propaganda team para gibain at siraan ang Tsina. Mas maganda ito na iisa ang boses ng bansa laban sa Tsina kaysa nag-sisiraan tayo at namumulitika lang. Hindi natin kayang harapin ang Tsina kung tayo ay hati at nagpapaguwapo lang.

4- Bumuo ng isang grupo for diplomatic offensive. Ilagay natin si Robredo, Drilon, Pangilinan, Carpio, Hontiveros, at Poe dito. Gamitin nila yong galing nila sa deception at psy-ops laban sa Tsina. Siyempre, dapat aalalayan sila ng DFA.



5- Yong simbahan katoliko at ibang simbahan ay mag-organisa din ng mga prayer warriors. Magkaisa silang taimtim na magdadasal para sa proteksiyon at tagumpay ng ating mga militia sa dagat.

Pag ginawa natin ito maraming puwedeng magyayari:

Unang una ang kaguluhan ng ating pulitika ay malilipat sa WPS. At least magkakaroon ng kunting katahimikan. Sa puntong ito, puwede tayong magkaisa.

Pangalawa, sa dami ng ating mga bangka at commercial na barko puwede magkaroon malawakang protesta sa WPS, ala EDSA people's power. Baka umatras at iwanan ng Tsina ang mga isla natin na okupado nila pag nangyari ito. Pag nangyari ito, lagyan sa mga boundaries natin ng mga markers na kulay dilaw para may babala na 'no trespassing. Teritoryo namin ito'.

Masaya pag nangyari itong mga ito.

Ano sa palagay niyo?


Source: Abe Purugganan FB Page


Ex-Ranger's Sarcastic Suggestions on How to Solve the WPS Conflict & Challenge China into War Ex-Ranger's Sarcastic Suggestions on How to Solve the WPS Conflict & Challenge China into War Reviewed by Phil Newsome on 6/18/2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.