Atty. Glenn Chong Shares How He Became Friends with Richard Santillan

Former Biliran Congressman and prominent social media personality who exposed the alleged COMELEC-Smartmatic Election fraud activities shared on his latest post how he became friends with his trusted aide Richard Santillan who was killed earlier by police authorities.



According to Atty. Glenn Chong, his aide and close-in bodyguard Richard Santillan previously worked as a waiter, salesman, OFW in Kuwait, gym instructor and finally became the aide of former Congressman Glenn Chong.



Atty. Glenn Chong revealed that he first met Richard Santillan in a condominium located at Eastwood City, where Santillan also worked as a gym instructor.

During their first meeting, Richard Santillan, told Atty. Chong "Sir, para kayong kargador sa pantalan." Atty. Chong felt insulted and informed Santillan that he is a Congressman but it turned out that Red Santillan didn't like all politicians but later on they were able to became good friends and Santillan worked for the last 11 years with Atty. Chong until his untimely death.

From the year 2007, Richard "Red" Santillan worked with Atty. Glenn Chong until the time of his death for a total of 11 years despite numerous offers from other people and companies.

Atty. Chong believed that his meeting with Richard Santillan was not just a coincidence but they were destined to be with each other in serving the Filipino people and exposing the alleged election fraud in the Philippines.



Here's the Complete Story of Atty. Glenn Chong & Richard Santillan:

RICHARD SANTILLAN: WAITER, SALESMAN, OFW, MODEL, GYM INSTRUCTOR AT TRUSTED AIDE
NI GLENN CHONG

Ito ang aking nalalaman sa buhay ni Richard Red Santillan.

Unang trabaho ni Red ay bilang isang waiter sa Kamayan Restaurant sa EDSA. Hindi siya nagtagal sa trabahong ito.

Lumipat ng trabaho at naging salesman ng mga grocery products. Then lumipat na naman siya ng trabaho at naging salesman ng mga sasakyan. Ikinuwento niya sa akin na siya ang nagdeliver sa Ilocos Norte ng isang sasakyan na binili ni BBM sa kanilang kompanya.

Hindi rin siya nagtagal sa trabahong ito. Umalis ng bansa at nagtrabaho bilang OFW sa Kuwait. Dahil Fine Arts graduate si Red, store designer ang trabaho niya roon. At dahil namiss niya ng lubos ang kanyang 2 boys, umuwi siya rito matapos ang 2 taon na kontrata niya.

Pagbalik niya ng Pilipinas, nagtrabaho naman siya bilang isang modelo hanggang naging gym instructor siya sa Fitness First sa Eastwood City.



Sa kabilang dako naman, kakapanalo ko lang ng mga panahong iyon bilang Congressman sa Biliran. Nang dumating ako sa Manila upang magsimulang manungkulan, sa lahat ng lugar na maari kong pagpipilian, sa Eastwood City pa ako pinatira ng aking Chief of Staff.

Pag-akyat ko ng aking condominium unit, nakita ko sa bintana ang signage ng Fitness First. Kinabukasan bumaba ako at nag-enroll sa gym. Ibang instructor ang aking pinili at kausap. Hindi si Red.

Nang bumalik ako sa gym kinaumagahan para magsimula, absent ang aking piniling gym instructor. At ang ipinalit ay si... Richard Santillan.

Nang makita niya ako, hindi niya alam na ako ay Congressman. Sabi niya, "Sir, para kayong kargador sa pantalan."

Dahil katatapos lang ng kampanya noon, sunog na sunog ako - as in itim na itim. Pero buff at cut ang aking katawan dahil 4 taon na akong nagygym noon. Para nga akong kargador sa pantalan.

Dahil nainsulto ako, sinabi ko sa kanya na ako ay Congressman. Hindi ko alam na mas lalong hindi siya ginanahan dahil hate na hate niya ang mga politiko dahil nga mga buwaya at magnanakaw ang paningin niya sa mga ito.

2 linggo ang lumipas, nagresign naman si Red sa Fitness First. Pinaalam niya sa akin na magfreelancer trainer na lang siya. 1 kliyente lang ang sumama sa kanya. Naawa naman ako dahil bumaba ng husto ang kanyang kita. Kaya sumama na rin ako sa kanya.



Ilang buwan ang lumipas, may bakante sa opisina ko. Inalok ko sa kanya at tinanggap niya. Mula 2007 hanggang sa pagkamatay ni Red - 11 years ang lumipas - hindi na siya lumipat ng trabaho at nanatili siyang pinagkatiwalaan kong personal aide.

Sa umpisa, hate at ayaw niya sa politiko. Pero sa bandang huli, 11 years siyang nagsilbi ng buong katapatan at inialay pa ang kanyang buhay sa akin.

BAKIT? Dahil nakita ng kanyang sariling mga mata kung paano ko pinagsilbihan ang aking mga kababayan. Bumilib siya at naniwala sa akin.

Kung paano ko pinagsilbihan ang taumbayan, that is another long, long story. Abangan na lang po ninyo sa video na ipapalabas ko.

Finally, palagi kong sinasabi ito kay Red noon pa man - hindi ako naniniwala na nagkrus lang ang aming landas by accident. May malalim na kahulugan ito. Parang nakatakda na talaga na magkrus ang aming landas 11 years ago dahil ito ngayon ang mangyayari 11 years later.

Inialay ni Richard Santillan ang kanyang buhay upang magising tayo sa bangungot ng pandaraya sa ating halalan ng Smartmatic, Comelec at kanilang mga kliyenteng politiko. Dahil sa pandaraya sa halalan, mas lalong tumindi ang ugat ng kurapsyon at kahirapan.

Ang pagtorture, pagpatay at coverup sa kaso ni Richard Santillan ang pinakamatibay na patunay na dinadaya nga ang ating halalan.

Pahihintulutan pa ba nating makawala ang mga salarin at ang boto natin ay muling nanakawin?

Photo Credit to: Ang Malayang Pilipino

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Shares How He Became Friends with Richard Santillan Atty. Glenn Chong Shares How He Became Friends with Richard Santillan Reviewed by Phil Newsome on December 26, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.