Atty. Glenn Chong Exposed More Election Fraud Evidence in Camarines Sur


Veteran lawyer and prominent supporter of former Senator Bongbong Marcos on social media, Atty. Glenn Chong made another expose on his latest social media post revealing the alleged election fraud activities during the 2016 elections in Camarines Sur.


According to Atty. Glenn Chong every Vote Counting Machine (VCM) have their own audit log (record) that contains all the important details about the operation and the things happened with the machine from the very beginning it was tested at the warehouse of the Comelec and Smartmatic until the very end of the transmission of results during the May 9, 2016 national elections.

Based upon the previous explanation of Comelec Commissioner Gregorio Larrazabalal, the audit log is comparable to a black box of any airplane which could be used during disaster, and it is prioritized by investigators to be retrieved because it is considered as the primary evidence. In the said black box, investigators would learn and discover the real cause of the plane crash.



Atty. Chong noted that the black box is comparable to the audit log that could prove about some anomalies happened even before the national elections, during the election time, and in the succeeding days after the national elections. The audit logs are machine produced so, everything that they produced are considered as the real things that happened during the elections.

The former congressman also revealed that there's a huge discrepancies of the audit logs during the 2010 and 2013 elections compared to the 2016 Vice Presidential race.

Here's the Complete Expose of Atty. Glenn Chong:

DAYA PA MORE IN CAMARINES SUR

Bawat isang Vote Counting Machine ay may Audit Log (record) na naglalaman ng lahat ng mahahalagang detalye tungkol sa operasyon at mga kaganapang nangyari sa makina simula ng ito ay tinesting sa warehouse ng Comelec at Smartmatic hanggang matapos ang transmission ng resulta ng halalan noong May 9, 2016.

Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, ang Audit Log ay maihahalintulad sa black box ng eroplano na sa tuwing may sakuna, ang black box talaga ang priority ng mga imbestigador na mahanap dahil ito ang primary evidence. Dito malalaman kung ano talaga ang sanhi ng plane crash.



Tulad ng black box, ang Audit Log ay maaring magpatunay ng mga anomalyang naganap bago pa man ang halalan, sa araw ng halalan, at maging sa mga sumunod na araw matapos ang halalan. Dahil ang Audit Log ay gawa ng makina, kung ano man ang nakasaad dito ay totoong nangyari.

May mga pagkakaiba ang Audit Logs ng 2010 at 2013 elections at ang Audit Logs ng 2016 elections.

Una, ang Audit Logs ng 2010 at 2013 elections ay may Protective Counter na siyang bumibilang kung ilang balota na ang na-scan o nabasa ng makina. Hindi ito nabubura kaya malalaman talaga natin kung may laman na ang CF cards bago pa man magsimula ang halalan (pre-loaded votes). Tuwing magshutdown ang makina, kapag ni-restart itong muli, sa ika-8 entry ng log ay lumalabas ang updated total ng balotang na-scan o nabasa na ng makina.

Sa ganitong paraan namin nalaman na noong 2010 elections, may 4,114 balota ng na-scan o binasa ang 145 PCOS machines sa Biliran bago pa man magsimula ang halalan. Natalo man ako sa final tally ng 361 boto lamang, may deposito na palang 4,114 balota ang aking kalaban.

Hindi ito sinagot ng Comelec at Smartmatic sa loob ng mahigit 8 taon kahit pa sinampal ko na sa kanilang mukha ang aming ebidensiya (certified true copies ng mga Audit Logs) ilang beses sa Senado at sa ibang forum sa tuwing may pagkakataon. Ang ginawa ng sindikato ay tinanggal ang feature na ito sa Audit Logs ng 2016 elections kaya hindi na natin malalaman agad kung may pre-loaded votes na ba ang mga SD cards.

Pangalawa, sadyang niliitan ang font size ng 2016 Audit Logs upang mahihirapan ang gustong magbasa at mag-imbestiga. Dahil nasa 2,000 hanggang mahigit 3,000 log entries ang bawat isang Audit Log, mahirap talagang magbasa ng mano-mano. Sa isang araw, 2 Audit Logs lang ang nababasa ko ng mano-mano.



Dahil sa ginawang ito ng sindikato, naka-isip rin kami ng solusyon – automated parsing ng Audit Logs. Sa ganitong paraan, ang 400 Audit Logs ay natatapos sa loob lamang ng 2 oras. Kaya ang 1,816 Audit Logs ng buong Camarines Sur ay matatapos lamang sa loob ng 9 oras, wala pang kalahating araw.

Kung automated na ang kanilang dayaan, automated na rin ang gagamitin nating kasangkapan upang mahuli sila. Hindi nila ito inakalang mangyari. Naglevel-up na rin kami!

PRELIMINARY FINDINGS:

Ayon sa List of Deployed VCMs na ibinigay ni dating Comelec Commissioner Christian Robert Lim sa isang mahistrado ng Korte Suprema, may 1,816 Primary VCMs na ipinadala ang Comelec sa Camarines Sur. Pero nagpadala pa rin sila ng Contingency VCMs (extra) para sa Camarines Sur. 81 Contingency VCMs ang dumaan sa mga kamay ng Election Officers sa bawat bayan at siyudad sa Camarines Sur habang 20 Contingency VCMs naman ang dumaan sa kamay ng Provincial Elections Supervisor. 101 Contingency VCMs ang naipadala lahat sa Camarines Sur.

Pero ayon sa mga Audit Logs mula sa Camarines Sur, 253 VCMs ang pumalpak sa araw ng halalan kaya ito pinalitan. Kung may 101 Contingency VCMs lamang sa Camarines Sur ayon sa official documents, saan kumuha ang Comelec ng 152 VCMs upang mapalitan ang lahat ng 253 VCMs na pumalpak sa araw ng halalan? Ibig bang sabihin, nakaabang na ang dagdag na 152 VCMs pero hindi ito idineklara?

Sa pagpapalit ng makina, hindi natin masisiguro na ang orihinal na SD cards (primary at backup) na nasa orihinal na VCM ay siya pa ring SD cards na gagamitin sa ipinalit na VCM. Malay natin, may nakabaon ng SD cards ang ipinalit na VCM at ang SD cards na ito ay may boto na. Maaring ang pagpalya ng mga VCMs ay cover lamang upang maipuslit ang mga SD cards na pre-loaded na ng boto.

The fact na sobrang dami ng VCMs ang pumalpak sa Camarines Sur sa araw ng halalan is by itself already highly suspicious. Brand new ang mga makinang ito. Pumasa sa quality assurance test ng pabrika. Pumasa sa ilang testing ng Comelec at Smartmatic bago maghalalan. Pumasa sa Final Testing and Sealing. Pumalya sa araw ng halalan.

May marami pang ebidensiya ng anomalya at dayaan mula sa mga Audit Logs. Lalabas ang mga ito sa tamang panahon. Take it from me.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page


Atty. Glenn Chong Exposed More Election Fraud Evidence in Camarines Sur Atty. Glenn Chong Exposed More Election Fraud Evidence in Camarines Sur Reviewed by Phil Newsome on 5/02/2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.