Atty. Glenn Chong Releases PET Revision Update Exposing Post-Election Tampering

Former Congressman and considered as one of the lawyer supporter of Sen. Bongbong Marcos, Atty. Glenn Chong released the Revision Update of the on-going manual counting of ballots in the Vice Presidential race conducted by the Presidential Electoral Tribunal exposing an alleged Post-Election Tampering.


According to Atty. Glenn Chong, three weeks after the controversial revision of ballots by PET and all the precincts from the municipalities of Baao, Bato, Bula, Balatan, Buhi and Sagñay in the Province of Camarines Sur were already counted while the municipalities of Ocampo, Pili, Magarao, Presentacion, Lagonoy, Camaligan and Garchitorena are now in partial stage, BBM's camp discovered an alleged post-election tampering.



The veteran lawyer explained that the post election tamering is an operation conducted by some cheaters to clean up the evidences from possible election fraud. These kind of operations were conducted after the election in preparation for a possbible election protest by the losing candidate.

The alleged operations were usually conducted during the time when all the ballot boxes were already stored in the designated storage facilities of COMELEC or at any depot chosen by the Presidential Electoral Tribunal.

Here's the Complete Report of Atty. Glenn Chong:

REVISION UPDATE: WEEK 4

Matapos ang 3 linggo ng pagrerebisa ng mga balota sa PET, natapos na ang lahat ng presinto sa mga bayan ng Baao, Bato, Bula, Balatan, Buhi at Sagñay sa Camarines Sur habang ang mga bayan naman ng Ocampo, Pili, Magarao, Presentacion, Lagonoy, Camaligan at Garchitorena ay partial ng nasimulan.

Post-Election Tampering



Ang post-election tampering ay isang operasyon na ginagawa ng mga mandaraya upang pagtakpan o burahin ang ebidensiya ng dayaan sa halalan. Ginagawa ito pagkatapos ng halalan kung sakaling ang natalong kandidato ay maghain ng protesta laban sa nanalo. Kalimitan ginagawa ang operasyong ito habang nakatambak na ang mga ballot boxes sa bodega ng Comelec o sa Tribunal na may hawak ng protesta.

Sa merkado ng mga mandaraya, ang post-election tampering ay maituturing na isang “after-sales service.” Matapos magbayad ang kandidato upang mandaya at maipanalo ng sindikato, hanggang doon lang ang kanilang serbisyo. Kung sakaling may protesta laban sa kanya, kailangang niyang magbayad muli para sa “after-sales service.”

Ang “after-sales service” na ito ay may dalawang bahagi. Kailangang bayaran ang “access fee” upang ma-access o mapasok ang mga ballot boxes na nasa bodega ng Comelec o Tribunal na may hawak ng protesta. Paghahatian ito ng mga mokong doon.

Noong 2010 at 2013, pumapalo ang “access fee” sa 3 milyong piso. Kailangan ding magbayad ang kandidato ng 500 piso bawat balota na kailangang palitan o ayusin upang hindi mabuking ang dayaan. Kung gahol sa panahon, buhusan na lang ng kemikal upang mabura ang ebidensiya.


Sa kaso ng protesta sa VP, maaring hindi nangyari ang post-election tampering sa loob ng PET dahil maraming mata ang nakatutok dito. Pero para sa mga ballot boxes na hawak ng Comelec ngayon, kahit idilat pa natin ang lahat ng ating mga mata 24/7, makakagawa pa rin sila ng post-election tampering dahil sobrang bihasa na ng mga operators doon.

Kaya hindi na tayo magtataka kung may mga basang ballot boxes at mga balota. Ayon sa isang judge, base sa kanyang karanasan, kapag nabasa ang balota, may post-election tampering ‘yan.

Actually, maaring hindi tubig ang ginamit sa mga balotang ito. Ayon sa isang retiradong opisyal ng PNP na forensic analyst ng mga basang papel, hindi tubig ang ginamit kundi kemikal upang mabura talaga ang boto sa mga balota. Maaring totoo nga dahil sa masangsang na amoy ng mga ballot boxes at ang mga balota ay naging “powdery” na. Pero ayon sa nasabing forensic analyst, may paraan pa rin upang mabasa ang boto kahit binuhusan na ng kemikal.

Ang tangkang pagsunog ng mga balota gamit ang sigarilyo ay isang pang patunay ng post-election tampering. Sa isang presinto sa Ocampo, Camarines Sur, may mga balotang sunog ng sigarilyo ang gilid at gitnang bahagi ng mga balota. Ang lahat ng balota sa presintong ito ay nakashade kay Robredo maliban sa nag-iisang balota na may shade kay BBM pero hindi tinanggap ng makina.

Kung may post-election tampering ng pisikal na balota ng botante, meron din kaya sa ballot images o larawan ng balota ng botante? Tingnan po ninyo ang samples ng ballot images mula sa Camarines Sur…

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Releases PET Revision Update Exposing Post-Election Tampering Atty. Glenn Chong Releases PET Revision Update Exposing Post-Election Tampering Reviewed by Phil Newsome on April 24, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.