Dr. Susan Mercado Questions the Relations Between Dengvaxia Patients and the Death of 9-12 Children Nationwide

Veteran Health Advocate Dr. Susan Mercado questioned the relations between Dengvaxia patients and the untimely death of mostly 9-12 year old children in different parts of the country.



According to Dr. Mercado if the untimely deaths of some children were not related directly or indirectly to the Dengvaxia vaccine why is it there's a lot of children aging 9-12 succumbed to untimely deaths. She also asked whether the recorded deaths were normal because this is the first time in the history of the Philippines regarding the untimely deaths of 9-12 children.

Dr. Susan Mercado was quoted as saying "Kung ang namatay ay walang kinalaman sa bakuna "directly" or "indirectly" - bakit napakaraming mga batang edad 9-12 nagsisimatayan sa iba’t-ibang lugar? Normal ba yan? Wala po akong maalala sa kasaysayan ng bansa na ganito." Dr. Mercado stated.

The veteran Health Advocate also suggested that the responsbility of the company producing the Dengvaxia vaccine did not end by just saying "sorry." The company needs to compensate the losses and most of all the culprit should be prosecuted.

Dr. Mercado was quoted as saying "Ang pananagot ay hindi lang sa pagsabi ng “sorry”. Kailangan bayaran ang mga napinsala. Kailangan parusahan ang mga may sala." "Maari tayong magpadala sa awayan at paggamit ng mga masakit na salita sa mga nagiimbestiga, pero ang buhay ng mga namatay ay hindi maibabalik."

Here's the Complete Statement of Dr. Susan Mercado:

Parang nalihis yung ibang usapan kahapon sa House hearing sa Dengvaxia.

Nakalulungkot na ang responsibilidad sa paglisensya at paggamit ng bakuna sa mass immunization ay hindi pa rin inaako.

Sa halip may paninira sa PAO. Sa gusto man o sa ayaw ng iba, may ginagampanan na tungkulin ang PAO na hindi kayang gawin ng ibang ahensya. Ngunit hindi po PAO ang isyu.

Mayroon namang mga kongresista na idiniin ang mga tunay na isyu. Salamat po sa mga kongresista na isinusulong at ipinaglalaban ang mga karapatan ng mga kabataan at apektadong pamilya.

Huwag po nating kalimutan ang mga ugat ng pangyayari dahil madaling gumawa ng mga bagong isyu.

Ang isang malaking kompanya ay diumano nakipag”deal” sa gobyerno natin sa pagbenta ng bakuna na bago at pinagaaralan pa. Sumangayon ang ilang mga opisyal natin dito.

Diumano, may mga binakunahan na napinsala at namatay.

Kung ang namatay ay walang kinalaman sa bakuna “directly” or “indirectly” —- bakit napakaraming mga batang edad 9-12 nagsisimatayan sa iba’t-ibang lugar? Normal ba yan? Wala po akong maalala sa kasaysayan ng bansa na ganito.

Ano po ang explanasyon sa mga pagkamatay ng mga bata —- ng mga nagsasabi na wala itong kinalaman sa Dengvaxia?

Kahit na pilitin ninyo na kakaunti lamang ang mga napinsala kumpara sa mga batang walang nararanasan sa ngayon ( hindi natin alam sa darating napanahon) —-ano ang eksplanasyon ninyo? Wala pa akong naririnig na alternatibong eksplanasyon kahit kanino. At hindi po ubra yung pangangatuwiran na mas marami ang na protektahan ng gamot kaysa mga napinsala! Ang bawat buhay ay mahalaga! Ito kasi ang katuwiran ng kompanya na hindi ko masikmura. Lalo pagpinagtatakpan pa ng iba.

Ito ba ay unang beses lamang na nangyari sa kasaysayan ng kompanya? Na May bagong gamot na nagdulot ng pinsala? Mukhang hindi. Basahin po ninyo itong ulat tungkol sa gamot na “Ketek” - parang Dengvaxia po, nasira po ang atay ng ilang mga gumamit ng antibiotic na ito.

Ang pananagot ay hindi lang sa pagsabi ng “sorry”. Kailangan bayaran ang mga napinsala. Kailangan parusahan ang mga may sala.

Maari tayong magpadala sa awayan at paggamit ng mga masakit na salita sa mga nagiimbestiga, pero ang buhay ng mga namatay ay hindi maibabalik.

Ang paggamit ng anumang bagong gamot ay isang mabigat na responsibilidad. Ang unang hakbang sa paghilom ng pagkakamali ( kung ito ay pagkakamali lamang, hindi ko alam) ay ang pag-ako ng responsibilidad.

http://www.malaya.com.ph/…/opinion/sanofi%E2%80%99s-serial-…

Source: Dr. Susan Mercado FB Page

Dr. Susan Mercado Questions the Relations Between Dengvaxia Patients and the Death of 9-12 Children Nationwide Dr. Susan Mercado Questions the Relations Between Dengvaxia Patients and the Death of 9-12 Children Nationwide Reviewed by Phil Newsome on March 03, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.