How Atty. Glenn Chong Uncovers the Alleged BBM Trojan Horse & Why VP Leni's Camp Panicked

Veteran lawyer and former lawmaker Atty. Glenn Chong revealed on his latest social media expose how they were able to exposed the alleged BBM trojan horse, former COMELEC Commissioner Sixto Brillantes as they also revealed the reason why VP Leni's camp panicked.


According to Atty. Chong it is indeed clear and truthful that the pieces of evidences shared by former Sen. Bongbong Marcos particularly the ballot images were all original and not fake because no other than the Supreme Court provided the said ballot images.

The veteran lawyer and consultant of Comelec victims stated that the camp of VP Leni really panicked after the expose of the ballot images and even the alleged BBM Trojan Horse, former Comelec Commissioner Sixto Brillantes came out of his shell and defended VP Leni's camp.

During the Senate, Atty. Chong stated that former Comelec Commissioner who was not invited gatecrashed the hearing and even reacted to the investigation by mocking the lawyer and even calling Atty. Chong as a consultant of Sen. Marcos despite the fact that the lawyer's service were all for free and he was not paid by Marcos to defend the former senator.

Here's the Complete Expose of Atty. Glenn Chong:

NATARANTA ANG KAMPO NI ROBREDO, KAHIT ANG TROJAN HORSE NA SI SIXTO BRILLANTES AY NAPILITANG LUMANTAD

"Wag nila yurakan ang integridad ng Korte Suprema dahil sinasabi ng grupo ni Mrs. Robredo a couple of days back na ito pong hawak namin ay fabricated, manufactured, tampered pieces of evidence. Mind you, ito po ay galing sa Korte Suprema at hindi po gagawin ng Korte Suprema magbigay ng fraudulent, tampered o manufactured evidence," pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni BBM.

Malinaw na ang mga ebidensiyang ballot images na ipinalabas ni BBM sa publiko nito lang nakaraang Lunes ay hindi gawa-gawa lamang dahil galing ito mismo sa Korte Suprema. Walang lusot ang kampo ni Robredo rito.

Sobrang nataranta ang kampo ni Robredo ng ipinalabas ito na kahit si Sixto Brillantes na nagpapanggap na tumutulong kay BBM (Trojan Horse) ay lumabas ang tunay na kulay. Sa hearing sa Senado noong Huwebes, hiniling ko sa komite na ipalabas ng Comelec at Smartmatic ang logs o detalyadong rekord ng Domain Name System (DNS) server upang mapatunayan namin na isang araw matapos ang halalan at habang nagbibilang pa ng mga boto, nagpalit ang Smartmatic ng DNS server at ipinadaan ang lahat ng queries mula sa mga voting machines sa pangalawang DNS server kung saan 4 na IP addresses lang ang ginamit.

Ang DNS server ay parang directory. Pagtransmit ng voting machine ng kanyang resulta, hindi nito alam kung saan patungo ang transmission. Kaya doon ito sa DNS server nagpapadala ng query kung saang canvassing server ibabato ang resulta.

Sa mga logs na ito, makikita rin natin na May 8 pa lamang, 6.46 ng umaga, may nagtransmit o nagpadala na ng resulta. May 9 pa ang halalan! May resulta na 24 oras bago nagbukas ang mga presinto! Isa sa mga resultang ito noong May 8 ay galing sa Ragay, Camarines Sur.

Sa nasabing hearing, umupo ang hindi imbitadong si Sixto Brillantes (gatecrasher) sa table ng mga resource speakers. Hindi siguro niya naintindihan ang mga technical terms tulad ng DNS server at IP addresses dahil wala siyang reaksyon. Pero nang humirit uli ako sa komite ng kopya ng ballot images at physical ballots upang ikumpara ang dalawa at makita ang square overlay, doon na nagreact ang huklubang gatecrasher. Siniraan at ipinahiya niya ako at sinabing hindi raw ako dapat paniwalaan dahil consultant raw ako ni BBM. Lumabas ang kanyang tunay na kulay!

Para sa kaalaman ni Sixto Brillantes, hindi ako consultant ni BBM. Wala akong tinatanggap na bayad kahit piso. Consultant ako ng lahat ng biniktima ng sindikatong Comelec at Smartmatic. Kahit sinong lalapit sa akin at humingi ng tulong o kaalaman tungkol sa dayaan, tutulongan ko.

Kahit ang dating chief of staff ni Mr. Brillantes na si Atty. Emil Marañon ay dumipensa rin kay Robredo. Ipinapalabas niya sa kanyang sinulat sa Rappler na walang alam si BBM tungkol sa ballot images. Ang square overlay raw ay bagong feature ng mga voting machines. Normal daw ito.

Ito ay isang kasinungalingan. Kung harmless feature lamang ang square overlay na ito, bakit ang shade o marka para kay Honasan na kapareho ang laki sa shade o marka kay Robredo ay hindi nakita ng makina? Namimili ba ito? Sa halip na overvote ito dahil dalawa ang marka, binigyan pa rin ng boto si Robredo. Hindi lang si Honasan ang biniktima ng ganito. Sa parehong sitwasyon, hindi nakikita ng makina ang shade o boto nina Cayetano, Trillanes at Marcos. Sa halip na overvote dapat dahil dalawa ang ibinoto, may boto palagi si Robredo. Anong tawag dito – DAYAANG MATUWID!

Sa sinulat na ito ni Marañon, aminadong consultant ni Robredo, na bagong feature diumano ang square overlay, inamin na rin niya na hindi peke, hindi fabricated at hindi “minachofactured” ang ebidensiyang ipinakita ni BBM.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

How Atty. Glenn Chong Uncovers the Alleged BBM Trojan Horse & Why VP Leni's Camp Panicked How Atty. Glenn Chong Uncovers the Alleged BBM Trojan Horse & Why VP Leni's Camp Panicked Reviewed by Phil Newsome on February 04, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.