Atty. Glenn Chong Expose the Latest Alleged Delaying Tactics of Justice Caguioa

Former congressman and a well-known lawyer who is closely allied to former Sen. Bongbong Marcos made another expose on his official Facebook Page about the latest and alleged delaying tactics of Justice Benjamin Caguioa favoring VP Leni by ordering to conduct a psychological for the revisors before the much delayed manual recount of ballots in connection with BBM's case against VP Leni.


Justice Benjamin Caguioa used the conducting of psychological tests as the main reasons why the already scheduled manual recount this month of February will be postponed again to March March 19, 2018.

According to Atty. Chong based on his understanding, the manual recounts of votes don't need any psychological testing as what Caguiao wanted to accomplished. As a matter of fact the teachers who were members of the Board of Election Inspectors (BEI) who counted the votes during manual election system didn't need any psychological testing.

Here's the Complete Expose of Atty. Glenn Chong:

PSYCHOLOGICAL EXAMS ANG DAHILAN

Ikinakatuwiran ni Justice Benjamin Caguioa, ang may hawak sa protesta ni BBM laban kay Robredo, na kailangang ipagpaliban ng nakatakdang manual recount ngayon buwan ng Pebrero sa Marso 19 dahil diumano ay kailangang magkaroon muna ng psychological examinations ang mga revisors bago maisagawa ang manual recount o revision.

Sa aking pagkakaintindi, ang pagbibilang ng mga boto ay hindi nangangailangan ng psychological testing. Katunayan, ang mga guro na kasapi ng Board of Election Inspectors (BEI) na nagbibilang ng mga boto sa manual election system ay hindi sumailalim sa psychological testing bago maghalalan. Mas stressful o nakakabahala pa nga ang kanilang karanasan dahil sa dami ng pangalan ng kandidatong babasahin at bibilangin ang boto sa madilim na silid-aralan, walang aircon at siksikan ang mga watchers sa loob nito. 

Pero wala tayong narinig na guro na naghuramentado o nanaksak gamit ang ballpen matapos bumigay dahil sa kabibilang ng boto. Ito pa kayang sa PET na airconditioned ang revision hall, maliwanag at maaliwalas ang paligid. Besides, 2 pangalan lang ang hahanapin at bibilangin ang boto at 600 – 800 balota lang kada revision committee ang bibilangin sa isang araw. Hindi stressful ang environment na ito upang gumastos ang PET ng pera at panahon sa pagsasagawa ng psychological examinations sa mga revisors. Ito ay pawang pag-aaksaya ng pera at panahon lamang.

Ngayon ko lang talaga narinig na ang mga revisors ay isasailalim muna sa psychological examinations. Walang ganitong animal sa Regional Trial Courts, Comelec, House of Representatives Electoral Tribunal at sa Senate Electoral Tribunal – mga tribunals na humahawak ng protesta sa halalan. Sa PET lang meron nito. Pero, take note, wala ito sa rules ng PET mismo. Si Justice Caguioa lang ang nagpupumilit nito.

Sabihin na natin na may sapat na dahilan si Justice Caguioa upang ipilit ang psychological examinations pero bakit ngayon lang niya ito itinakda samantalang pwede naman niya itong ginawa sa buong buwan ng Enero habang hindi pa nakuha ang mga balota. Obviously, sadyang pinapatagal talaga ang protestang ito.

Sa kabilang dako naman, ayon sa timeline ng PET, ang buong manual recount proceedings ng pilot provinces ay tatagal ng 109 araw at the rate na 50 ballot boxes ang matatapos kada araw. Kung totoong magsimula ang recount sa Marso 19, at walang palya o problema, matatapos ito sa katapusan ng Hunyo.

Pero kung ang kampo ni Robredo ang tatanungin mo, sa Oktobre pa matatapos ito. Tila ba pinapangunahan na nila ang PET. Kunsabagay, hindi natin alam kung anong drama na naman ang isasadula nila at pagbibigyan na naman sila ni Justice Caguioa kaya kampante si Atty. Macalintal na sa Oktobre pa matatapos ang manual recount.

Sa kabila ng lahat ng ito, nanawagan si BBM sa kanyang mga tagasuporta na nagprayer rally ngayon sa harap ng Korte Suprema na maging mahinahon dahil nasa panig niya ang katotohanan at sa wakas ay mananaig din siya.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Expose the Latest Alleged Delaying Tactics of Justice Caguioa Atty. Glenn Chong Expose the Latest Alleged Delaying Tactics of Justice Caguioa Reviewed by Phil Newsome on February 09, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.