Atty. Glenn Chong Explain How the Fake VCM Undermine the Real VCM in Sending Election Results

Veteran lawmaker and prominent lawyer, Atty. Glenn Chong made another interesting expose about the controversial election fraud during the 2016 national elections showing how the fake or clone vcm sent results first compared to the official and real VCM.


Based upon the evidences presented by Atty. Glenn Chong in the territory of Vice President Leni Robredo in Naga City, through the audit logs at least 10 precinct sent the election results to the transparency server way ahead of the real-time when those precinct sent their results.

The "Advanced Thinking" of the Transparency Server of the PPRC was exposed by the veteran lawyer. According to Atty. Chong the sendg of election results is the same as sending a text message and there's no way that the transparency server will receive the results even before the results was not yet forwarded by the precinct.



COMELEC and Smartmatic's explanations that the time of the precinct sending the results and the transparency server receiving the results which were not synchronized could be the reason for the error but that's a ridiculous statement according to the Atty. Glenn Chong.

Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

ADVANCED MAG-ISIP ANG MGA MAKINA NG SMARTMATIC

Ayon kay Noynoy Aquino, dapat igalang ni Pangulong Duterte ang mga botanteng bumoto kay Leni Robredo.

Ang tanong – ilang botante ba ang bumoto kay Leni Robredo? Makakasiguro ba tayo na ang official tally ng kanyang boto na iniluwa ng mga makina ay galing sa mga totoong botante?

Silipin nating muli ang mga presinto mula sa Naga City, baluwarte ni Leni Robredo. Ayon sa audit logs, may 10 presinto kung saan mas nauna pang natanggap ng Transparency Server na hawak ng PPCRV ang resulta ng halalan bago pa man magpadala ng kani-kanilang resulta ang 10 makinang ito. Advanced mag-isip ang Transparency Server ng PPCRV!



Ang transmission ng resulta ng halalan ay tulad ng pagpapadala ng text message. Ang voting machine sa presinto ang sender. Ang canvassing system tulad ng Transparency Server naman ang receiver. Tulad ng cellphone, may message details sa sender at receiver sa bawat text na ipinapadala at tinatanggap ng cellphone. Ganito rin ang voting machine at Transparency Server.

Ang audit logs ng mga voting machines at Transparency Server ang naglalaman ng message details ng bawat resultang ipinapadala at tinatanggap. Dito natin makikita ang mga anomalya at iregularidad na malinaw na palatandaan ng dayaan sa halalan.

Sa 10 presintong ito, mas nauna pang natanggap ng receiver na Transparency Server ang text o resulta ng halalan bago pa man ito ipinadala ng sender na voting machine.

Ang palusot ng riding in tandem (Comelec + Smartmatic) plus lookout (PPCRV) ay hindi nagkatugma ang orasan ng mga voting machines at canvassing systems tulad ng Transparency Server kaya lumalabas ang ganitong sitwasyon.

Ito rin ang nangyari noong 2010. Katunayan, sa Biliran, 8 canvassing systems ang nagtala sa audit logs na natanggap nila ang mga resulta mula sa 52 voting machines bago pa man magpadala ng resulta ang lahat ng 52 voting machines na ito. Panahon pa ni Noynoy Aquino, advanced na sila mag-isip!



Maaring paniwalaan ang palusot ng sindikato noong 2010. Pero hindi na ito maaring paniwalaan ngayon dahil sa 2016 elections, nagkaroon na ng date and time diagnostics ang bawat isang voting machines at canvassing systems na hindi ginawa noong 2010 elections.

Samakatuwid, dahil sa date and time diagnostics, dapat ay nagkatugma o nagsynchronize na ang lahat ng voting machines at canvassing systems.

Kaya kung lumabas man ang sitwasyong ito sa 2016 elections, ito ay dahil may mga clone o pekeng voting machines na nagpapadala ng pekeng resulta at inuunahan ang totoo at lehitimong voting machines sa presinto. Kung sino man ang naunang magpadala ng resulta, iyon ang tatanggapin ng canvassing system tulad ng Transparency Server. Ang late na resulta ay balewala na.

Tandaan, may 459 presinto na nagpadala na ng resulta isang araw bago ang halalan noong 2016. Dahil nga, inuunahan na ng clone o pekeng voting machines ang mga totoo at lehitimong voting machines sa mga presinto.

Kung ganito ang makikita natin mula sa baluwarte ni Leni Robredo, sinong botante ang dapat igalang ni Pangulong Duterte gayong clone o pekeng voting machine lang naman pala ang nagpadala ng resulta?

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Atty. Glenn Chong Explain How the Fake VCM Undermine the Real VCM in Sending Election Results Atty. Glenn Chong Explain How the Fake VCM Undermine the Real VCM in Sending Election Results Reviewed by Phil Newsome on August 23, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.