Marcos Lawyer Warns Not to Believe in Psychic Predictions About VP Leni's Future with Pres. Duterte

Former congressman and a well-known lawyer of ex-senator Bongbong Marcos, Atty. Glenn Chong warns netizens not to believe in the viral psychic predictions about Vice President Leni Robredo's future as they predicted that the year 2018 will bring a good working relationship between Robredo and Pres. Duterte.


The unnamed psychic predicted that there is a lucky sign for VP Robredo that she will "worked together with Pres. Duterte" and "it is impossible that they will fight against each other" in the year 2018.

Atty. Chong explained also that although he believed in predictions, particularly those predictions made by the famous psychic Nostradamus but not in the case of VP Robredo, whom he dubbed as a traditional politician or trapo, as he revealed some of the stories about the Vice President.

Instead of giving some details about the predictions on VP Leni, Atty. Chong just told his supporters about a story of a certain candidate who once run for a position in Manila, who also claimed that the candidate was born in Manila, at first the candidate won but later on failed to impressed the people due to lying.



To know more about the story of Atty. Glenn Chong Read Below:

HUWAG MANIWALA SA HULA

Ayon sa hula ng isang psychic, magkakaroon ng mas magandang working relationship sina Pangulong Duterte at presumptive VP Robredo sa 2018. May lucky sign diumano si Robredo. “Magwo-work together” at “imposibleng magkokontrahan sila,” dagdag pa ng manghuhula.

Mahirap pabulaanan ang isang hula habang hindi pa ito nangyayari at, aminin natin, may mga hula rin naman talagang nagkakatotoo. Isang classic example nito ay ang hula ni Nostradamus na si French King Henry II, ang matandang leon, ay matatalo ng isang batang leon na si Comte de Montgomery. Anim na taon ang pagitan ng edad nila. Parehong may markang leon sa kanilang shield. Dagdag pa ni Nostradamus, 2 ang matatamong sugat ni Henry II galing sa iisang strike, matatamaan ang kanyang mata at susunod ang isang malupit na kamatayan. Sa final pass ng kanilang jousting event, umangat ang lance ni Montgomery at tumama sa visor ni Henry II. Nagsplinter ang lance. Ang isang bahagi ay tumama sa mata ni Henry II at ang isang bahagi naman ay tumagos sa kanyang ulo. Namatay si Henry II matapos ang 10 araw ng matinding paghihirap – isang malupit na kamatayan. Sa kasong ito, ang lahat ng detalyeng isinulat ni Nostradamus noong 1555 ay tumugma sa totoong nangyari noong 1559.


Pero sa kaso ni Robredo, isang traditional na politiko o trapo, ito lang ang aking maikukwento sa inyo…

Minsan, may isang trapo na tumakbo sa isang posisyon sa Maynila. Sa kanyang pangangampanya, sinabi niyang isinilang siya sa Tondo. Naniwala naman ang mga tao at ibinoto siya. Yun pala, saksakan ng kasinungalingan ang politikong ito kaya sa mga sumunod na halalan, palagi na siyang talo. Ilang taon ang lumipas, umuwi siya sa probinsiya at doon sinubukang makabalik sa politika. Sa kanyang pangangampanya, sinabi naman niyang isinalang siya sa isang bayan doon. Pero this time, may dagdag siyang istorya. Noong sanggol pa lamang daw siya, nalaglag ang gasera malapit na malapit sa kanyang ulo. Pero hindi sumabog o lumaki ang apoy kaya siya nabuhay. Ayon diumano sa isang manghuhula, ito ay lucky sign (sounds familiar) at nangangahulugang may misyon siya sa buhay kaya hindi siya nasaktan o namatay. Akala ng mga promding botante ay ang kanilang kapakanan ang misyon ng trapong ito, hindi pala. Nangungupahan lang ng bahay sa umpisa pero sa loob lamang ng 1 termino, nakapagpatayo agad siya ng malaking mansyon. At sa loob lamang ng 12 taon ng paghari ng pamilya niya sa probinsiyang ito, 17 na malalaking mga bahay, mga bodega, mga pasilidad at lupain, at isang malaking hotel ang naipatayo niya. Sa bandang huli, 2 beses siyang isinilang kamo, 2 beses din siyang namatay – January 6, 2012 at February 6, 2013. But this is another story. (Someday, ikuwento ko sa inyo paano namatay ng 2 beses ito.)


Kaya paborito ng mga trapo ang hula storyline dahil sadyang may napapaniwala nito, may psychological effect ito sa tao, at mahirap nga pabulaanan habang hindi pa nangyayari ang hula o lumipas na walang nangyari sa hula. In the meantime, nagagamit to the max ng mga trapo ang hula para sa kanilang mga pakay.

Sa kaso ni Robredo, maaring pampabuhay ito ng dugo ng kanyang mga taga suporta dahil magbubukas na tayo ng mga balota sa Pebrero. At the same time, pahinain ang loob ng mga taga suporta ni BBM dahil indirectly ang ibig sabihin ng hulang ito ay hindi matatanggal si Robredo at least sa buong 2018. Maari ring sa ganitong paraan mapalapit uli si Robredo kay Pangulong Duterte matapos niyang ipahiya ang Pangulo at ang bansa sa UN. At finally, lumabas ang hulang ito matapos magpalabas ng statement ang partido ni Robredo na sa 2018 ay posibleng magkaroon ng labanan para sa kaluluwa ng ating bansa. Ito ay hudyat na posibleng magkakaroon ng mas matinding destabilization attempts laban sa administrasyong Duterte. Gustong dumistansya ni Robredo sa statement ng kanyang partido.

Upang makamit ang lahat ng mga pakay na ito, ang hula storyline lamang ang swak dito! Kaya huwag maniwala sa hula tungkol sa isang trapo!

Source: Atty. Glenn Chong FB Page

Marcos Lawyer Warns Not to Believe in Psychic Predictions About VP Leni's Future with Pres. Duterte Marcos Lawyer Warns Not to Believe in Psychic Predictions About VP Leni's Future with Pres. Duterte Reviewed by Phil Newsome on January 03, 2018 Rating: 5
Powered by Blogger.