Marcos Lawyer Reveals How Justice Caguioa Allegedly Favored VP Leni Robredo


Former Congressman and a well-known lawyer of Sen. Bongbong Marcos, Atty. Glenn Chong revealed the instances wherein Supreme Court Justice Benjamin Caguioa allegedly favored VP Leni Robredo in the controversial electoral protest of losing Vice Presidential candidate Marcos.


Atty. Chong stated that Justice Caguiao who was appointed by former Pres. Benigno S. Aquino III is one of the classmate of Aquino since elementary up to their college days at the Ateneo de Manila. He is the one who handled the electoral protest of BBM against VP Leni Robredo.

The veteran lawyer enumerated some of the instances wherein Justice Caguioa allegedly favored the controversial Vice President of the Philippines, who won just a slight margin against Marcos.

According to Atty. Chong, some of the obvious reason that Justice Caguioa became biased and favored Robredo are in the issue of the protest fees, decryption and printing of ballot images and the submission of the witness names in the said protest.

Here's the Complete Revelations of Atty. Glenn Chong:

DAPAT NG BITIWAN NI JUSTICE CAGUIOA ANG PROTESTA NI BBM

Si Justice Benjamin Caguioa, itinalaga ni Noynoy Aquino bilang mahistrado ng Supreme Court at kaklase mula elementarya hanggang kolehiyo as Ateneo de Manila, ang ponente ng protesta ni BBM laban kay Leni Robredo. Bilang ponente ng kaso, siya ang may kontrol nito. Ang bilis o bagal ng pag-unsad ng protesta ay nasa kamay lamang ng ponente. Dahil sa kanyang malinaw na pagkiling pabor kay Robredo sa maraming pagkakataon, dapat na niyang bitiwan ang protesta upang mahawakan ito ng mas patas na mahistrado.

Ilan sa mga orders ni Justice Caguioa na nagpapakita ng obvious bias pabor kay Robredo ay ang isyu ng pagbayad ng protest fees, decryption at printing ng mga ballot images, at pagsumite sa mga pangalan ng mga testigo sa protesta.

Noong April 2017, binigyan lamang si BBM ng 2 araw upang mabayaran ang P36 million protest fees. Kung hindi ito mabayaran sa itinakdang deadline (Good Friday), ibabasura ang kanyang protesta. Dahil Holy Week noong panahon na iyon, sarado ang mga bangko. Pero nabayaran pa rin ni BBM ang nasabing protest fees on time.

Si Robredo naman ay hindi nagbayad ng kanyang P7 million counter protest fees sa itinakdang deadline. Pero binigyan siya ng extension ni Justice Caguioa. Hindi pa rin siya nakapagbayad ng buo pagdating sa araw ng palugit pero pinagbigyan pa rin siya at hindi ibinasura ang kanyang counter protest.

Sa motion naman ni BBM na magkaroon ng decryption at printing ng mga ballot images, pinayagan ito ni Justice Caguioa sa kondisyon na babayaran ni BBM ang lahat ng gagastusin dito. Nagbayad si BBM ng P7 million upang masunod ang kondisyon. Natapos na ang decryption at printing ng mga ballot images sa Camarines Sur pero hanggang ngayon, hindi pa rin ibinigay kay BBM ang kanyang kopya na binayaran niya.

Si Robredo naman ay humarang sa motion na ito ni BBM. Pero sa bandang huli, humirit siya na bigyan din siya ng soft copies ng kung ano man ang ipinapadecrypt at ipinapaprint ni BBM. Pinagbigyan siya ni Justice Caguioa na hindi man lang pinapagbayad ng kahit isang sentimo. Ang masahol dito, ang hindi nagbayad ang may kopya na samantalang ang nagbayad ay naghihintay pa ng kanyang kopya.

Sa isyu naman ng mga testigo, inatasan ni Justice Caguioa si BBM na isumite sa PET ang listahan ng kanyang mahigit 8,000 testigo sa loob lamang ng 5 araw na wala ng palugit pa. Kung hindi maibigay ang nasabing listahan, ibabasura ang protesta ni BBM. Mahirap man, nasunod pa rin ng legal team ni BBM ang order ni Justice Caguioa. Sa halip na aksyunan ito at ang motion ni BBM, isinantabi lamang ito.

Hindi na kailangang pahabain pa natin ang diskusyon ng mga pagkakataon na pinaboran niya si Leni Robredo. Tingnan na lang natin ang bagal ng pag-unsad ng protesta. Halos 19 buwan na ang lumipas, hindi pa nakukuha ang mga balota sa Camarines Sur. Malinaw na ang stratehiya ng kampo ni Robredo ay pahabain to the max ang protesta dahil takot siyang matanggal sa pwesto kung mabubuking ang dayaang siya ang nakinabang.

Meanwhile, bilang bahagi ng kanilang stratehiya, inuudyukan ng abogado ni Leni Robredo na si Romy Macalintal si BBM na tumakbo na lamang bilang senador sa 2019 upang matigil ang protesta. Kaya nga napilitan si BBM na tuldukan ang isyu ng pagtakbo bilang senador dahil nanalo na siya bilang VP. Mind you, nakita ko ang mga pinagbabasehan ni BBM sa kanyang sinabing siya ang totong nanalo bilang VP. Kumbinsido ako na hindi nanaginip si BBM. Si Macalintal ang nanaginip ng gising!Kumbinsido ako na ang totoong VP ay hindi si Leni.

Malinaw ang pagkiling ni Justice Caguioa pabor kay Leni Robredo. Ang nalalabing desenteng gagawin ni Justice Caguioa ay bitiwan na niya ang protesta bilang ponente upang mai-raffle uli ito at sana mapunta sa kamay ng isang mahistradong patas ang pagtingin sa magkabilang panig.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page


Marcos Lawyer Reveals How Justice Caguioa Allegedly Favored VP Leni Robredo Marcos Lawyer Reveals How Justice Caguioa Allegedly Favored VP Leni Robredo Reviewed by Phil Newsome on 1/11/2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.