ABS-CBN's Don Tagala Lambasts by Netizens for Disrespecting Presidential Spouse Honeylet in New York


ABS-CBN correspondent in the United States (US), Don Tagala received the ire of netizens particularly from avid supporters of Pres. Rody Duterte after he allegedly disrespected the Presidential Spouse Cielito "Honeylet" Salvador Avanceña on her visit to New York.


One of the most popular social media personality in the Philippines, Thinking Pinoy lambasts Don Tagala for disrespecting the Presidential Spouse, Honeylet Avanceña by keep on asking irrelevant questions which was already answered through an official statement by the Palace.

According to Thinking Pinoy, the incident happened during the time when Honeylet Avanceña took some time to watch Miss Saigon in Broadway where Don Tagala was present also.

The ABS-CBN correspondent asked Avanceña the reasons why she was in New York and who paid for her trip in the US, but the line of questioning was clearly biased.

Here's the Complete Story of Thinking Pinoy:

NOONG INAMBUSH INTERVIEW NG BASTOS NA ABS-CBN STRINGER SI MS. HONEYLET AVANCENA

Nanonood si Presidential spouse Cielito "Honeylet" Avancena ng Miss Saigon sa Broadway. Kakatapos lang ng musical nang maaninag siya ni ABS-CBN stringer Don Tagala. 

Katatapos lang ng pinanood ni Madam at hindi pa man lang siguro nagsisink-in sa kanya ang napanood, kaya't maiintindihan ko kung na-rattle si ate sa kay Tagala, lalo na't hindi siya sanay na humarap sa Media. 

Ang masama pa nito, bastos ang ginawang pagtatanong ni Tagala. Bakit raw andito sa New York si Honeylet? Sino raw ba ang nagbayad ng biyahe niya? Mga tanong na tipong pinalilitaw na kung sino lang siyang sampid. 

Ganyan din ba ang trato ng ABS-CBN kay Ming Ramos o kay Loi Ejercito? Hindi. Kaya't kung ako man si Honeylet, mawiwindang talaga ako. 

Nilapitan si Tagala ng protocol officer na naka-assign kay Ms. Avancena at pinigil na lumapit pa kay Honeylet. Sumigaw si Tagala na this is the United States daw, na he can't be stopped from filming, na tila siya pa ang agrabyado. 

Bawat presscon sa consulate na daluhan ni Tagala, yang issue na yan ang laging tinatanong, kahit alam naman ng lahat na (1) kabilang talaga ang spouses ng heads of state sa mga UN General Assembly side events at (2) nasagot na ng Malacañang ang mga tanong niya. 

Oo, lumilitaw na para sa ABS-CBN, ang pinakamahalagang issue sa UN General Assembly ay ang pagdalo ni Honeylet. 

Tila hindi mahalaga sa ABS-CBN kung ano ang mga agreements na ating pinirmahan, kung anong bilateral relations ang ating pinagtibay, kung ano ang mga pagbabago sa pananaw ng ibang bansa sa atin. Tila para sa ABS-CBN, yung mga chismis na pang-"The Buzz" lang ang mahalaga. 

Halos limang araw na mula noong makita si Honeylet sa NYC, pero pilit pa ring pinalalaki ni Tagala ang issue. Aba, hanggang kaninang umaga, yan pa rin ang linya ng tanong niya. 

Mr. Tagala, pinagbigyan na kita nung unang ilang araw, pero sumosobra na ang kabalahuraan mo. Ang bait ko na nga sa iyo nung tinanong ng readers ko kung bakit ang bastos mo, pero you're pushing it too far. 

Prangka akong tao, pero ni minsan, hindi ko binastos ng ganyan ang iniinterview ko. 

Tingnan mo nga, kahit hindi ako pro-Marcos, maayos ang pakikiharap ko kay Gov. Imee Marcosat kay Sen. Bongbong Marcos. 

Ibang level talaga ang ginawa ni Tagala dito. Ibang level talaga. 

Ngayon, ikumpara ninyo ang mga tanong namin ni Mocha sa mga tanong ni Tagala. Tapos, nagtataka pa ang Philippine mainstream media kung bakit mas malakas ang engagement namin kaysa sa kanila? 

Simple: yung mga "journalists" tulad ni Tagala ang lalong sumisira sa mga reputasyon ninyo. 

Ano ba si Tagala kundi US version ni Pia Rañada?

Gusto ayang sumikat netong si Tagala. 

Sige guys, PASIKATIN NATIN.

Here's Some of the Reactions from Netizens:

“Sabi ko nga sa asawa ko huwag manonood ng balita sa 2 dahil kahit totoo pa ibalita nila para sakin puro kabulastugan lang lahat ng sinasabi nila.. kaya nga siguro nilayasan sila ni atom araullio dina masikmura kabulastugan nila… ok lang siguro artista lumipat kc wala ng project sa network nya eh pero kong gaya ni atom ang lilipat at sa 7 pa talaga nagpunta naku.. alam na.” Netizen Mark Andrew Gumpag Posadas said in his comment.
“Kaya d na ako nanonood ng tv patrol. Walang kwenta. Pinapamukha nga nila na nakatakas ang walang utang na loob na pari sa mga kamay ng maute kahit c Pres na mismo ngsabi na ni-rescue cya sa mga kamay ng maute ng mga sundalo. D ba kawawa naman ung sundalong nglagay ng buhay nila sa hukay para iligtas lng cya. Mga walang utang na loob! D nga kilala dito c Don Tagala na yan!” Netizen Hanna Mi Limbaga-Lim remarked.

Source: Facebook


ABS-CBN's Don Tagala Lambasts by Netizens for Disrespecting Presidential Spouse Honeylet in New York ABS-CBN's Don Tagala Lambasts by Netizens for Disrespecting Presidential Spouse Honeylet in New York Reviewed by Phil Newsome on 9/24/2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.