Netizen Lambasts Critics of Pres. Duterte's Martial Law Declaration in Mindanao


Concerned netizen and veteran military man and security analyst, Abe Purugganan lambasts the gestures made by some protesters in Metro Manila who took to the street and rallied for the immediate postponement of Martial Law in Mindanao.

Photo Credit: Facebook / Philippine Collegian
According to Sir Abe Purugganan those people who are opposing the Martial Law declaration in Mindanao should keep quiet and instead support the President's decision.

The opposition and their supporters should work hand in hand and try to pray for peace and order in Mindanao who are currently facing some problems after the Maute Group and Abu Sayyaf attacked some areas of Marawi City.

Protesters in Metro Manila called the attentions of Pres. Duterte to stop the declaration of Martial Law as students of the University of the Philippines conducted a prayer vigil, candle lighting and protest rally inside the UP Campus.


Here's the Statement of Abe Purugganan:

Para sa mga oposisyon at supporters nila na taga Luzon na nag-rereklamo sa Martial Law sa Mindanao:

Dapat manahimik na lang kayo at makipagtulungan. Makiisa na lang sa pagdarasal ng kaayusan at katahimikan para sa ating mga kababayan sa Mindanao na dumaranas ng pagsubok. 

Dapat nga padalhan niyo sila ng mga mensahe at tulong na makaka pagpalakas ng kanilang loob hindi pagbabatikos, reklamo at pagmumura na nakakapanghina ng loob at nakakasakit ng damdamin.

Pasalamat kayo na wala kayo sa isang lugar na malapit ang terorismo at digmaan. Maraming taon na ang ganito ang ang kanilang kalagayan. Maraming na ang namatay at nasugatan. Mga buhay at tahanan na nasira. Ang buhay parang lang manok na pwede mapugutan ng ulo pag minalas malas ka. Palaging may nagbabantang kaguluhan habang kayo ay nasa maayos na lugar tumatamasa ng katahimikan, kaayusan, kaligtasan at sarap ng buhay. Mapalad kayo. Mapalad na hindi kayo lumilikas sa tuwing may barilan at bakbakan ng sundalo at terorista o rebelde.

Hindi niyo alam ang tindi ng hirap sa ganitong situwasyon. Ilagay nyo kaya ang sarili niyo sa situwasyon nila. Sigurado ako na iiyak kayo sa hirap ng dinaranas sa panahon ng digmaan o kaguluhan at baka mamumura mo ang mga taga Luzon na reklamador at ipokrito, sa mga taong walang puso at sarili lang at kapakanan ang kanilang inintindi.

Mahiya kayo at maghunos dili kayo baka isang araw maging biktima rin kayo ng terorismo at hihingin niyo ang tulong ng mga taga Mindanao. At magmamakaawa kayo na magdeklara ng Martial Law sa lugar rin ninyo.

Napakaganda ng Mindanao at mga tao doon ay nagpupursige at napupunyagi para ayusin ang kanilang situwasyon at lupang kanilang nahirangan. Katahimikan, kaayusan at kasaganaan ang kanilang pinaglalaban. Tulungan na lang natin sila na labanan ang mga puwersang ayaw silang magtagumpay sa kanilang adhikain. Ang katahimikan, kaayusan at kasaganaan nila ay para din ng buong bansa.

Kaya parang awa niyo, huwag na kayong sumanib sa mga terorista sa pamamagitan ng inyong pagrereklamo at pagbabatikos. Itikom na lang ang inyong mga bibig kung wala kayong masabing maganda. Ipagdasal na lang ang Mindanao at buong Pilipinas.

Source: Sir Abe Purugganan FB Page
 

Netizen Lambasts Critics of Pres. Duterte's Martial Law Declaration in Mindanao Netizen Lambasts Critics of Pres. Duterte's Martial Law Declaration in Mindanao Reviewed by Phil Newsome on 5/25/2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.