Marcos Lawyer Lectures Robredo Lawyer "Ang Taong May Tinatago Gagawin ang Lahat Huwag Lang Mabisto"


The lawyer of former Senator Bongbong Marcos, Atty. Glenn Chong lectured the lawyer of VP Leni Robredo on the possible reasons why the camp of Robredo slams Marcos' request for hearing officers on poll protest.


 According to Atty. Glenn Chong last Friday, former Sen. Marcos filed a motion to PET to deploy three hearing officers for his poll protest, but the lawyer of VP Leni Robredo, Atty. Romulo Macalintal "deemed" improper the request of Marcos camps.

Marcos lawyer noted on his Facebook post that "Ang taong talagag may itinatago o kinatatakutan ay gagawin ang lahat huwang lamang mabisto."

Atty. Macalintal, the lawyer of VP Leni for his part stated that the motion of the Marcos camp is premature since the SC which serves as the Presidential Electoral Tribunal (PET) has not yet held a preliminary conference on Marcos' protest.

Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

ROBREDO UMALMA SA HILING NI BBM NA MADALIIN ANG PROTESTA

Noong nakaraang Biyernes, nagfile si BBM ng motion sa PET na magkaroon ng 3 hearing commissioners upang maging mas maayos, mas simple, at mapadali ang protesta.
As expected, umalma ang kampo ni Robredo sa mungkahing ito ni BBM.

Ayon kay Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, hindi ito tama at premature pa dahil wala pang preliminary conference. 

“Habang wala pang preliminary conference, ang motion na magtalaga ng 3 hearing officers ay pagkokondisyon sa isipan ng mga tao, kundi ng mga kasapi ng PET, sa mga isyu na dinidikta ni Marcos sa tribunal. Hind pa nga tayo sigurado kung ang 3 causes of action ni Marcos sa kanyang protesta ay sasang-ayunan ng PET,” pahayag ni Macalintal.

Dagdag pa ni Macalintal, hindi praktikal ang pagkakaroon ng 3 hearing officers na didinig sa 3 causes of action dahil tig-isa lamang ang pangunahing abogado ni BBM at Robredo. Kaya hindi tama na 3 hearing officers ang hiwa-hiwalay na magreresolba ng mga isyu sa protesta.

ANG TAONG TALAGANG MAY ITINATAGO O KINATATAKUTAN AY GAGAWIN ANG LAHAT HUWAG LAMANG MABISTO.

Unang-una, ang motion ni BBM ay isang mungkahi lamang sa PET upang mapadali ang protesta dahil nga summary ang nature at may preferential status ang mga election protest cases. Ibig sabihin, pinapaiksi ang buong proceso at pinapaboran ang mga protesta kaysa ibang mga kaso dahil nga may nakatakdang termino na matatapos kaya kailangang tapusin din ang protesta sa mas madaling panahon.

Pangalawa, saan ba lulugar si BBM? Noong nagfile siya ng motion na magkaroon na ng preliminary conference matapos ang 7 buwan na hindi umusad ang protesta, siya ang pinagbintangan ni Robredo at Macalintal na sanhi ng pagkaantala ng protesta dahil bakit daw nag-antay pa siya ng 7 buwan bago magfile ng motion. Ngayon, inaakusahan naman si BBM ng dalawang ito na premature o wala pa sa panahon ang pagfile ng motion na ito. Kapag gustong lumusot, ang daming paraan!

Pangatlo, ang pagkakaroon ng hearing commissioners ay malinaw na nakasaad sa Rules 54, 55, 56, 57, 58, 59, 60, 61, 62 ng 2010 Rules of the Presidential Electoral Tribunal. Kung gagamitin man ni BBM ang Rules pabor sa kanyang posisyon, hindi ito pagkokondisyon sa isipan ng mga tao o pagdidikta sa mga kasapi ng PET. 

Pang-apat, 3 naman ang abogado ni Robredo. Kung igigiit ni Macalintal na dapat ay physically present siya sa bawat pagdinig sa bawat hearing commissioner kaya hindi ito praktikal sa kanya dahil hindi naman mahahati ang katawan niya kung sabay-sabay ang hearings, ibig sabihin wala siyang tiwala sa kanyang mga kasamang abogado. Kung ganun, bakit ang sumulat sa sagot at counter-protest ni Robredo ay ang kanyang mga kasamang abogado at hindi si Macalintal mismo? Nagcruise (tour) siya doon sa malayo habang nagkadarapa ang kanyang mga kasamang abogado upang mabuo ang sagot at counter-protest ni Robredo. Ngayong may posibilidad na mapadali ang protesta, biglang naglaho ang tiwala niya sa mga ito. 

ANG PAGMAMADALI SA PROTESTA AY ISANG MORTAL NA PANGANIB SA KAMPO NI ROBREDO. KAYA AYAN, TODO IMBENTO UPANG MAKAIWAS SA PINANGANGAMBAHANG PELIGRO.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page
 

Marcos Lawyer Lectures Robredo Lawyer "Ang Taong May Tinatago Gagawin ang Lahat Huwag Lang Mabisto" Marcos Lawyer Lectures Robredo Lawyer "Ang Taong May Tinatago Gagawin ang Lahat Huwag Lang Mabisto" Reviewed by Phil Newsome on 5/20/2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.