Columnist Reveals Possible Reasons Why VP Leni Robredo Felt "Bitter" Against Duterte Admin


Veteran columnist of Manila Standard Jojo A. Robles revealed some possible reasons why the Vice President of the Republic of the Philippines, Vice Pres. Leni Robredo felt "bitter" against the administration of Pres. Rody Duterte.


According to Robles, maybe there are times that the Vice President thought, what if she never allowed some people to use her who just wanted to bring down Pres. Duterte. Maybe the VP was also convinced of the possibility for her to become the head of state.

The columnist also noted that even though the VP might repent, it's too late because as far as he could see, the VP felt dismayed even in slightly small things. The Vice President for the past few days keeps herself visible in various national issues by giving interviews.

Jojo Robles gives his unsolicited advice to the Vice President by suggesting her to leave the fold of the yellow party and fired all her staff and PR team who did nothing except tarnishing the image already made by her husband, former DILG Sec. Jesse Robredo.

Here's the Complete Statement of Jojo A. Robles:

Minsan o madalas, di ko alam kung alin sa dalawa, sumasagi din siguro sa isip ni Aling Leni ang ganitong mga katanungan: Ano kaya kung hindi ako pumapel na kalaban? Ano kaya kung hindi ako nagpagamit sa mga taong ang nais lang ay pabagsakin si Duterte, dahil naakit din ako sa posibilidad na magiging akin din ang kapangyarihan? 

At ngayong napakaaga pa lamang ay naririto na ako sa laylayan ng gobyerno, nakakapit ng todo upang di tuluyang mapatalsik, anong gagawin ko sa darating na mahigit limang taon pang nalalabi?
Ang pagsisisi, Aling Leni, ay laging nasa huli. 


At ramdam ko ang iyong pagkadismaya sa pinakamaliit na bagay. Di ba't ikaw dapat ang kasama ngayon na humaharap at umeestima sa mag-asawang Abe sa Davao, kung ikaw lamang ay hindi pinaniniwalaang kaaway? 

Mas bagay sayo ang papel na yun, sa totoo lang. At ramdam ko rin ang sakit nang binawian ka ng imbitasyon sa vin d'honneur ni Duterte sa palasyo, na di mo din nadaluhan, kasi nga kasalanan mo din.

Pero hindi mo mailabas ang totoo mong damdamin, kaya tagapagsalita mo na lang (at ang mga bayarang trolls mo sa social media) ang nagbubulalas ng sama ng loob mo. Malamang kasi, nahihiya ka din sa mga pinaggagagawa mo, kaya ayaw mong sayo manggaling.


Marami pang ganitong pagkakataong darating sa loob ng iyong walang-saysay na termino, Aling Leni. Hindi ko alam kung balak mong mag sa-ampalaya na lang lagi tuwing ikaw ay hindi binibigyan ng respeto na tingin mo ay naaayon sa mataas mong pwesto. Huwag naman sana; makakasama lalo sayo ang palagiang pagiging "bitter."


Pero huwag na natin sariwain pa ang nakaraan na hindi na natin mababago. Sa ngayon, may mga kailangan kang gawin upang hintuan ka naman ng bus ng kasaysayan at hindi ka naghihintay na parahan sa hindi naman tinitigilan.


Una dito, sa tingin ko, ay ang pag-amin sa sarili mo na nagkamali ka ng diskarte. Hindi mo dapat kinalaban, siniraan at palagiang binatikos ang isang pangulong hindi lang napakalakas ng suporta sa taumbayan kundi totoong marunong magpalakad at buong pusong naglilingkod sa bayan. Mali ka dun at aminin mo.


Kasabay nito, iwanan mo na ang mga Dilawan na nagsasabi sayo na sila ang gumawa sayo na pangalawang pangulo; sabihin na nating totoo, pero hindi din tama na gibain ka nila dahil gusto ka nilang kasangkapanin para lamang makabalik sa kapangyarihan. Kailangan mong pumili kung gusto mong maglakad ng nakapaa sa maputik na daan ng mga Dilaw o magsapatos para makapasok muli sa Malakanyang, kasama si Digong at ang kanyang buong gabinete na sa kabuuan ay kasing husay at sipag niya na inaayos ang ating bansa -- na gumuho sa ilalim ng pamumuno ng mga kumag na ngayon ay panay ang sulsol sayo.


Yun lang muna. Kung gagawin mo ang dalawang bagay na iyan, madali na ang iba, tulad ng pag-aayos ng iyong nawasak na relasyon sa pangulo. (Siyempre, kailangan mong patunayan sa kanya na totoong na-rehab ka na sa pagkakalulong mo sa droga ng mga Dilawan.)


Huwag ka nang maghintay sa lugar ng mga Dilaw, kung saan alam mong hindi ka hihintuan ng Duterte Lines. Doon ka pumunta sa bus stop ng katotohanan at tapat na paglilingkod-bayan. Samahan mo ang iyong mga kababayan, hindi ang mga makasariling elitista na sumususi sayo, patungo sa tunay na pagbabago at pag-unlad.


P.S. Palayasin mo na ang mga propagandista mo na walang ginawa kundi sakyan ang lahat ng isyu. VP ka pa lang, Aling Leni. Di mo kailangan ng full-time na press office.


Source: Jojo Robles FB Page
 

Columnist Reveals Possible Reasons Why VP Leni Robredo Felt "Bitter" Against Duterte Admin Columnist Reveals Possible Reasons Why VP Leni Robredo Felt "Bitter" Against Duterte Admin Reviewed by Phil Newsome on 1/16/2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.